HMW Chapter 6: Be Strong

210K 3.4K 202
                                    

Hmw Chapter 6: Be Strong.

Nathalie's POV.

Mag-i-isang lingo na ako dito sa ospital pero ni-anino ni Chris hindi ko mahagilap. Napapayag din kase ako nung lalaki na pumadito muna dahil nung ngtangka akong umalis ay muntik na talaga akong mahilo.

"O, Kamusta ka na? May masakit pa ba sa'yo?" Tanong nung lalaking sumagip sa'kin sa mall.

"A-ayos lang. Wala pa din ba siyang sinasabi? O di kaya ay di man lang ba siya tumatawag?" Tukoy ko kay Chris. Kase kahit na alam ko naman kung ano ang sagot ay di ko pa rin mapigilang umasa. Umasa na sana maisip niya ako. Na sana nag-aalala rin siya sa'kin.

"Sorry Nath, ganon pa rin eh. Minsan babae, minsan secretary, at minsan pinapatay." sagot niya. I sighed at what he said. At saka pilit na ngumiti.

I'm very thankful to Levis. Kase kung di dahil sa kanya baka kung ano pa ang malalang nangyari sa'kin sa mall. Nung una naiinis ako sa kanya kase nga ang kulit niya pero di nagtagal ay gumaan na rin ang loob ko sa kanya kase nga nakakatawa siya, He's a man full of humor at saka pati narin kahanginan.

Iwinaksi ko naman ang kalungkutang naramdaman ko. I know he already knew what happened to me, dahil ilang beses na rin siyang kinontak ni Levis pero wala talaga eh.

"Alam mo Nath, sabi ng doctor pwede ka nang ma-discharge mamaya o bukas. Uuwi ka ba sa asawa mo?" May bahid na pag-aalalang tanong niya. Ang bait din ng lalaking 'to eh.

"Oo naman. Asawa ko siya eh." Ngumiti pa ako para di na siya mag-alala. Tumango-tango na lang si Levis sa sinabi ko. Umiwas naman agad ako ng tingin sa kanya.

Ayokong makita niyang nasasaktan ako.

Levis' POV.

I was looking at Nath packing her things up. I really do admire her. Kaya naman mabilis ko siyang naging kaibigan. She's different from those other woman that I know.

Napapahanga kase ako sa katatagan na meroon siya. Yes I knew about her and his husband, the day kase na natulongan ko siya ay agad akong nagpa-investigate sa kanya. At doon ko nalamang, she is three years married to my dearest enemy. Christian Vernon Lee.

I admit, the time I knew about them, ay may balak ako, but upon hearing her story. At nung malaman ko na binabale-wala lang siya ng hayop na yun ay nawala ang galit ko sa kanya. She's hurt, She's just a nothing to him, and that makes her valuable.

Mas lalo lang yatang nadagdagan ang galit ko kay Lee dahil sa ginagawa niya sa babaeng 'to.

"Let's go?" I asked her at tumango naman siya. I helped her carry her things at saka kami umalis sa ospital.

Tahimik lang siya sa buong byahe. I can feel that she's nervous or something.

Napahigpit naman ang hawak ko sa isiping kahit si Nath ay nagawa niyang gamitin para lang sa pera. Saka ni minsan di siya naging tapat dito. He just took her for granted.

"We're here." Saad ko nang makarating kami sa tapat ng gate ng mansion ni Lee. Tsk. Mansion nga hayop naman ang nakatira.

Mukha naman siyang nabalik sa huwisyo at saka napatingin sa bahay. She's afraid, I can tell.

Bumaba na ako ng kotse at saka pinagbuksan siya. ako na ang nagdala ng mga gamit niya.

Ilang beses pa kaming nag-doorbell bago kami pinagbuksan ng gate nung gwardiya. Bahagya namang nagulat yung gwardiya nang makita ako na kasama si Nath.

Mabuti na lang at pinapasok naman kami agad nung guard pagkakita sa'kin. Ako na yung kumatok sa pinto. Dahil mukhang walang balak si Nath eh.

Pareho naman kaming nagulat nang bahagya ni Nath nang pagbuksan kami ng isang babae. At nagdadalang-tao siya.

His Martyr Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now