HMW Chapter 22: Deal

174K 2.1K 49
                                    

HMW Chapter 22: Deal

Christian's POV.

"What!?" Yan ang reaction ng tatlong gong-gong nang sinabi ko sa kanila yung tungkol sa plano ng babaeng yun.

"Whoa! Grabe naman pala si Nathalie, di ko sukat akalaing magagawa niyang hawakan ka sa leeg ng ganito." Napailing na lang ako kay Lavin. At saka ko nilagok ang whisky.

" And Hell! Peke yung kasal niyo?" It's Jace. Magkaayos na kami ngayon but it didn't change the fact na kinakampihan niya ang babaeng yun.

"Pare, ano namang plano mo ngayon?" Tanong ni Marco. Wala naman akong naisagot sa kanya kaya nabalot ng katahimikan ang VIP room na'to.

This situation never came into my mind. Ni minsan di ko inisip na may hahawak sa'kin sa leeg tulad ng ganito. I'm a Lee and no one dared to block my plans and ways cause they've known me as a powerful one Outside and Inside of the Underworld.

Mr. Villanueva's inheritance is a big deal. No one knows what is behind those moneys and properties. But I can't bear to marry that woman. She's just a hitch to my plans. But I can't afford to lose Mr. Villanueva's inheritance.

"I guess pre, wala ka nang kawala kay Nathalie." Naramdaman ko ang pagtapik ni Jace sa balikat ko.

"I need to go. Magkikita kase kami ni Trix ngayon." Tch.

"Tch. Look who's talking that I'm an asshole?" Napapailing na saad ko.

Akala ko ba okay sila ng fiancè niya? Lakas pa namang manuntok ng gagong 'to kase sinaktan ko daw yung babaeng yun.

"Talaga naman pre. Sige mauna na ako at saka, good luck sa problema mo!" He teased matapos ay umalis na siya.

"Magkakaproblema ka rin ugok! " at yun nabalot kami ng tawanan. Pero nabalik din agad ang pagiging seryoso namin.

"In some point Chris, Jace is right. Wala ka nang kawala kay Nathalie. Yun ang nakasaad sa kontrata at sa last will ni tito. At saka pati rin sa mana ng dad mo"- Marco.

"You need to marry her, at saka wala naman akong nakikitang masama dun. Thwo years nga inakala naming kasal kayo pero hindi naman pala, heto pa kaya? I'm sure wala naman sigurong magbabago"- Lavin.

I can get their point but even tho I'm heartless, numb, a demon in the eyes of many. I still considered the marriage as a sacred thing. But I don't have choice at all. Tch.

"She loves you that's why she did this. Kung tutuosin, You have the advantage. Siya na nga ang nagsabi diba? You will be the one who can make decisions. At ikaw ang masusunod." Komento ni Marco.

"At saka pre, si Nath na rin mismo ang nagsabing isang buwan lang papalayain ka na niya. Pre ayaw mo ba nun? Makukuha mo na ang mana ni tito at ng daddy mo, malaya ka na rin sa asawa mo." -Lavin.

Napaisip naman ako sa lahat ng sinabi nila. I need to do this. Kung hindi marami ang mdadamay. Tch. F*ck.

Nathalie's POV.

Errr... Kinakabahan talaga ako eh. Kinakabahan ako sa pwedeng maging resulta nitong ginagawa ko.

Paano kung ngayon pa lang? Ayaw na pala ni Chris? Paano kung hindi niya pipirmahan ang kontrata? Paano kung mas gusto niya akong umalis kesa pirmahan yung kontrata?

Ang daming Paano kung, at mga tanong na bumabagabag sa'kin ngayon. Kinkabahan ako at the same time natatakot.

Natatakot ako sa pwedeng maging kahinatnan nito. Pero hindi pwede, hindi pwedeng susuko na lang ako. Heto na lang yung huling pagkakataon para sa'min.

"O, Nath. Ano? Pumayag siya?" Bungad ni Kris pagsagot ko ng tawag.

"H-Hindi ko alam." Sagot ko.

"Huh? Anong hindi mo alam?"

"Eh kase Kris, parang di siya sang-ayon kanina. At saka bukas ko pa malalaman ang desisyon niya." I explained.

"Ganon ba?"

"Kris? Paano kung hindi niya pipirmahan ang kontrata? Paano kung balewala lang ako sa kanya?" Tanong ko. Wala eh kinakabahan talaga ako.

"If that's the case, Nath. Siguro nga kailangan mo na talagang bumitaw, kase kahit saan natin tignan, ikaw pa rin yung talo eh." Para namang may kung-anong kumirot sa dib-dib ko. Natamaan yata ako ng sinabi ni Kris eh.

"Sige Nath, ibaba ko na 'tong tawag." Saad niya.

"Sige, thank you Kris at saka mag-ingat ka." Pagpapaalam ko.

"Ikaw rin, mag-ingat ka at saka nandito lang kami palagi." After that ibinaba na ni Kris yung tawag.

Napahalumbaba na lang akong naupo sa kama ko.

Tama si Kris. Talo na ako. At kahit saang angulo pa mang tingnan talo na ako, Talo na ako kase ako lang naman ang nagmamahal dito eh. At kahit pa pirmahan niya yung kontrata na binigay ko wala pa ring mababago. Ako pa rin ang talo. Kase alam kong di niya naman ako mamahalin kahit kailan kung may laman na ang puso niya.

Pero gusto kong gawin 'to kase kahit papaano ay gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Mahal na mahal ko si Chris at handa akong magpakatanga sa kanya.

***

Maaga akong nagising kaya maaga rin akong natapos sa mga ginagawa ko, hindi rin umuwi kagabi si Chris kaya mas lalo pang dumoble ang kaba ko.

Inaayos ko ang kusina nang may marinig akong nagpatay ng makina ng sasakyan sa labas. Si Chris na yun.

Tama naman ang hinala ko dahil pumasok si Chris sa loob. Ang saya ko nung makita ko siya ay napalitan ng sakit nung makita kong may kasama na naman siyang babae.

Kailan ka pa ba masasanay Nathalie? Dalawang taon mo nang nasasaksihan ang mga bagay na yan pero di ka prin ba napapagod kakaiyak?

Dumaan naman si Chris at yung babae sa harap ko habang hinahalikan nila ang isa't-isa. Nabigla naman ako nang may biglang nilagay si Chris sa parang bar counter niya dito sa kusina. Kinabahan naman ako nang makita ko yun.

Yun ang brown envelope na nilagyan ko ng kontrata. Umalis naman na si Chris at yung babae. Umakyat sila sa taas. Habang ako ay nakatitig lang sa envelope.

Nanginginig- kamay ko naman itong kinuha. Kinakabahan ako. Bakit naman kase hindi ako kakabahan kung naglalaman ito ng desisyon niya.

Nung nagkalakas loob na akong buksan ito ay agad ko itong binuksan at tiningnan ang desisyon niya.

It's a Deal.

Pinirmahan niya yung kontrata.

Pero ba't hati ang nararamdaman at iniisip ko?

Ang isang bahagi ko ay masaya pero ang isa ay nasasaktan at nalulungkot. Siguro kase mas mahalaga yung pera at mana ni Dad at tito sa kanya. Kaya niya 'to ginawa dahil mas mahalaga ang mga yun sa kanya.

Pero dapat maging masaya ako. Kase heto ang gusto ko? Kaya papanindigan ko 'to. Kung hindi man kita mapapa-ibig Chris, Siguro sapat na sa gagawin kong ito ay mapatunayan ko sa'yo at sa sarili ko na naging mabuti akong asawa sa'yo. That I have done enough. At para na rin magising ako. I hope this can settle our situation.

-To Be Continue-

A/N: TO BE CLEAR HMW IS CURRENTLY EDITING, YES! IT IS COMPLETED! YES! MAY MGA UD'S PA PERO SANA NAMAN ALALAHANIN NIYO NA DI DIRE-DIRETSO ANG UD DAHIL DI STUDYANTE PO AKO. THAT'S ALL LANG NAMAN PO. Please do understand.

-naz

His Martyr Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now