HMW Chapter 16:Casio De Mercedez

213K 2.5K 209
                                    

HMW Chapter 16: Casio De Mercedez (When the Game Started Part 1)

Nathalie's POV.

Ewan pero ang saya ko ngayon. Eh kase naman gaya ng sinabi ko, first time na mangyayari 'to. Kaya masasabi kong isa ito sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin. I can't help not to smile seeing myself, masasabi kong ang ganda ko. I'm wearing a black simple gown with silver sequins. Buti nga natatabunan din ng concealer ang mga mugto kong mata kakaiyak... hayys.

"Ma'am alam niyo, ang ganda niyo po." Saad nung stylist na pinadala din ni Chris kanina. Bigla naman akong nakaramdam ng pag-init ng pisngi.

"T-Thanks" nahihiyang saad ko.

"Walang duda ma'am mahal kayo ni Sir." Napayuko na lang ako sa sinabi ng stylist. Sana nga...

Sana nga ako ang mahal niya.

Sana nga may nararamdaman siya sa'kin kaya ginagawa niya 'to.

Umalis naman na yung stylist at saka lumabas na rin ako ng silid. Doon na ako sa salas naghintay kay Chris. 7:30 na rin eh.

Agad naman akong napatakbo papunta sa pintuan nang marinig ko ang pagpatay ng makina ng sasakyan aa garahe namin, si Chris na yata yun. Masaya ko namang binuksan ang pinto pero nabawi lahat ng yun nang makita ko siyang may kahalikang babae.

Bakit ba sakit na lang ang parating nararamdaman ng letche kong puso? Kahit ba at least ngayon lang? Di ba pwedeng maging masaya naman ako? Kahit ngayon lang?

"Baby? Who's that? Is she your sister? She's beautiful babe." Nakangiting saad nung babae habang malandi pa ring nakalinkis kay Chris.

"Tsk. Don't mind her " narinig kong saad ni Chris at saka hinalikan ulit yung babae niya.

Napayuko na lang ako at saka pumasok na sa sasakyan. Si Chris yung nagda-drive ngayon.

"Babe, You know. I hope may laman na 'to." Nakita ko namang napahawak siya sa tiyan niya.

"Kase babe, I want to show the other girls na naglalaway sa'yo that I'm lucky kase ako ang nagdadala ng anak mo." Pakiramdam ko ay ano mang oras tutulo na ang mga luha sa mga mata ko.

"Mee, too." I heard him said.

Kung kanina ay masakit na sa akin ang mga nakikita ko paano pa kaya yung narinig ko galing sa kanya?

Napayuko na lang ako at saka ibinaling ang pansin sa labas ng bintana. Ang sakit. Ang sakit kase eh. Ang sakit sa mata ng nakikita ko. Tss. Ha-Ha-Ha... Pati na yata sarili ko niloloko ko na. Nababaliw na nga yata siguro ako.

Pero kase ang sakit eh. Ang sakit kase harap-harapan, eh. Alam ko namang hindi ito yung unang bese na nagawa niya 'to sa harap ko, pero ang sakit pa rin eh. Para pa ring sariwa yung sugat.

"Bye babe, See you next time. And to you, too. Hmm...?" Para naman niya akong tinatanong kung anong pangalan ko.

"Farah." I simply said without showing any emotion.

"Sayo din, Farah. Ummm... Wait, if you don't mind, Sana ngumiti ka. Sana sa susunod na magkita tayo ulit ay nakangiti ka na. Alam mo future sis! Problema lang yan. Masusulusyonan mo din yan. Good night." Napaiwas naman ako ng tingin nung hinalikan niya ulit si Chris. After that pina-andar na niya ulit yung sasakyan.

Ewan ko pero, iba ang pakiramdam ko sa babaeng yun eh. Sabihin na nating wala siyang pinagkaiba sa ibang babae ni Chris kung lumandi pero nararamdaman kong... Mabait siya? Basta, yun yung nararamdaman ko eh.

His Martyr Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now