HMW Chapter 10: Revelations

203K 2.7K 66
                                    

HMW Chapter 10: Revelations.

Nath's POV.

"Nath, magpahinga ka muna, kami muna ang magbabantay kay Christian" nag-aalalang tugon ni Jed sa'kin. Nandito din kase yung mga kaibigan niya.

"Wag na, okay lang ako. Dito lang ako sa tabi niya kase baka gumising na si Chris." Saad ko. Wala namang nagawa ang mga kaibigan niya kundi ang maupo na lang sa couch na inilaan para sa mga bisita ng pasyente.

It's been almost 3 days simula nang ma-aksidente si Chris, pero di pa rin siya gumigising... Sabi naman ng doctor, stable naman na daw si Chris for now, pero hindi dapat kami maging kampante at masigurado kase marami pang test na dapat gagawin sa kanya. Pero kahit pa na hindi pa nagigising si Chris, nandito lang ako sa tabi niya.

***

"Ah Nath, uwi muna kami ah. Hinahanap na rin kase ako ni Kath." Pagpapaalam ni Marco, tumango-tango lang naman ako sa kanya. Umalis na yung mga kaibigan ni Chris at kami na lang dalawa ang natira dito.

Christian... Sana naman gumising ka na. Hindi ko kase kayang makita kang nakahiga diyan sa hospital bed nang dahil lang sa isang babaeng sinaktan ka. Dahil lang sa kanya.

Hindi lang naman kase siya ang pwede mong mahalin eh. Andito naman kase ako. I'm here, your wife. Handa naman kase akong mahalin ka, mahal na nga kita eh.

Di ko naman maiwasang haplosin ang pisngi ni Chris. Sana naman gumising na siya. Di ko talaga kayang makita siyang ganito. Ewan ko ba sa sarili ko pero kusa na lang tumulo ang malamig na luha sa mga pisngi ko.

Gumising ka na kase Christian... Please.

*Phone Rings.*

Pinahid ko ang luha ko at saka kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko naman ang caller ID ngunit UNKNOWN lang ito.

"H-Hello?" Ewan ko pero para akong kinakabahan sa pagsagot ko ng tawag na iyon.

"Good Evening... Mrs. Lee? " Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan ng todo at saka kinalabutan. Iba kase ang dating ng boses ng nasa kabilang linya.

"Hahahaha... Nakakatuwa ka talaga. Don't be scared of me. Sa halip ay dapat matakot ka sa asawa mo." The person on the other line said, with wickedness on his voice. Oo, lalaki ang tumatawag.

"S-Sino ka ba!?" I manage to say even tho my hands are trembling now while holding the phone.

"Hmmm... Palaban. That's what I want, Mrs. Lee." Saad pa niya sa kabilang linya still wearing the wicked tone of his voice.

"Sino ka ba!? Hindi kita kilala!" Papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita siya.

"Don't you dare end me a call, Mrs. Lee. Marami akong alam tungkol sa asawa mo na hindi mo alam." Nagapalingo-lingo pa ako para malaman kung nandiyan lang ba sa malapit ang kung sinong hayop na tumatawag ngayon.

"S-Sino ka ba talaga!?"

"Wala ka nang pake dun Mrs. Lee. And I think you would owe me a lot sa mga sasabihin ko sa'yo. Una, ginagamit ka lang ng asawa mo. Pangalawa, He never loved You. And Lastly, Wala siyang pakialam sa'yo." Urgh! Sino ba kase 'to!

"H-Hindi ako naniniwala sa'yo! Di kita kilala! Hayop ka!" Sigaw ko sa kanya sa kabilang linya.

"Tss. Tss. Well if you said so Mrs. Lee. Why don't you ask Samantha? Diba kaibigan mo siya? Bye Mrs. Lee. Hahaha" And after that he ended up the call.

Samantha? Pero bakit? anong koneksyon ni Samantha at ano ang alam niya? Samantha.

Samantha Elise Villanueva. She's my cousin and my bestfriend. Matagal ko na rin siyang di nakikita o nako-contact kase medyo matagal na rin simula nung nag- migrate ang pamilya niya sa states. Pero balita ko nakabalik na siya last week.

Pero ano ang alam mo Sam? Ano ang sinasabi nung boses kanina sa telepono?

Ayaw ko mang maniwala pero may kung anong nagtutulak sa'kin na kausapin si Sam at makinig sa kanya. Ano ba kase ang dapat kong malaman?

***

Nath's POV.

Ilang araw na din simula nung tumawag yung mysterious caller. At ilang araw na ring punong-puno ng mga tanong ang isip ko. At ilang araw na ding hindi pa rin nagigising si Chris.

Tahimik lang akong nagbabantay kay Chris nang biglang nag-ring ang phone ko. Uknown number na naman ito. Bagamat ayaw kong sagutin sa kadahilanang natatakot ako ay parang may nag-uudyok pa rin sa'king sagutin ito.

"H-Hello?" I answered as I slid the screen to the answer button.

"N-Nath" Bigla namang nadagdagan ang kaba ko. I know this voice... It's...

"Sam" Hindi ko alam kung ba't ako kinakabahan pero... Iba kase talaga ang pakiramdam ko sa pagtawag ni Sam.

"Nath... P-Pwede ba tayong mag-usap?"

"T-tungkol saan, Sam? Naalsidente kase si Christian kaya di ko siya magawang iwan ngayon" pero ang totoo niyan natatakot lang ako. Natatakot akong marinig kung ano man ang gusto niyang sabihin.

"Nath... Please, sandali lang naman 'to, di na rin kase talaga kaya ng konsensya ko."

"T-Tungkol ba kase saan yan Sam. Busy kase ako." Medyo naiirita na ring saad ko. Bakit ba kase di niya lang ako diretsuhin.

"Nath, sige na please. Para naman 'to sa' yo eh." Ewan pero sa pagkakarinig ko ng boses niya ay mukhang naiiyak na siya.

"Sorry Sam, pero di kase pwed---"

"May sasabihin lang ako tungkol sa asawa mo Nath" and boom! Dun na ako natamaan. Alam kong may sasabihin ka Sam pero natatakot ako. Hindi ko alam kung makakaya ko ba na tangapin yung mga salita at pangyayaring sasabihin mo na malalaman ko. Sorry Sam.

"Busy ako, Sam. I-Ibaba ko na 'to" but before I ended up the call, Sam spoke on the other line.

"Mahal kita hindi lang bilang pinsan o bestfriend mo Nath, itinuri na rin kitang parang kapatid kaya ko sasabihin sa'yo ang mga nalalaman ko. Gusto ko lang magising ka sa mga katotohanan Nath. Kaya maghihintay pa rin ako kung sakaling dadating ka. Miko's Cafè malapit sa hospital kung saan ka naroroon, 3:00 p.m. , Maghihintay ako Nath." And before I could spoke another word, She ended up the call.

Ano ba kase yung mga bagay na dapat kong malaman Chris? alam ko namang di mo ako minahal, pero bakit may pakiramdam akong di lang yun ang dapat kong malaman sa halip ay marami pang nakatagong iba?

-To Be Continue-

His Martyr Wife [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora