HMW Chapter 29: Her POV.

207K 2.6K 109
                                    

"She's Broken Enough To Let Go and Give Up"

~Nazi

-----------------------

Nathalie's POV.

He's here again pero wala akong pakialam sa kanya. All I know is that I already gave him what he wants. He's right, It can't be me whom he loves.

Kaya mas mabuti nang pakawalan ko siya. All things that happened is enough. Sapat na ang dalawang taon na tiniis ko para sa kanya. Sapat na ang katangahan ko noon. Sapat na ang mga buhay na nasayang ko noon.

And now, I just want to live in peace. To live in peace with my little angel. Sapat na sa'kin ang ibinigay niya. Ang anghel ko. I won't let him take away my angel from me again. Ayoko nang mawala pa sa sinapupunan ko ang batang dinadala ko ngayon.

I'm totally broke at wala nang natira para sa sarili ko. All I want now is to be with my baby. Aalagaan ko siya. Iingatan. I'll rebuild myself together with him, my baby.

"I've change your OB. Mas makakabuti sa bata kung mas professional ang magiging OB mo. Dun mas sigurado tayong ligtas siya." Napatingin naman ako sa kanya. I've never shown any emotion to him.

"Wag na. Wala akong tiwala sa'yo, saka nirekomendahan na ako ng bagong Doctor kaya di ko na kailangan ang doctor mo" Ayokong maramdaman niyang pinipilit ko siyang panagutan ang bata. After all wala naman siyang pakialam, kahit pa noon.

"Nathalie..." I really hate him calling me with my name. Wala siyang karapatan.

"I told you never call me with my name." Umiiwas ako ng tingin sa kanya. As long as I can do, ayaw kong makita siya dahil masasaktan lang ako.

I know he's already irritated. Nararamdaman ko.

"Fine. I won't. Just agree to change your OB." Ramdam ko ang pagiging seryoso niya.

"I told you, di pa ba sapat yun sa'yo? Wala akong tiwala sa'yo at sa mga desisyon mo." Naiinis na ako. Di naman kase siya marunong umintindi.

"I'm the father of that child, Kaya may karapatan din akong magdesisyon para sa kanya, babe. He's also my child." I smiled bitterly, saka siya hinarap.

"I told you, stop calling me in names. And it's not your responsibility. Ama ka lang niya. You are just a part of his genes wala kang responsibilidad sa kanya." Napatahimik naman siya.

"Umalis ka na. Alam kong mas kailangan ka ni Jam. Di kita kailangan dito andiyan naman sina Jace at Kris." Saka ako nahiga ulit nang nakatalikod sa kanya.

It's my third day in this hospital at tatlong araw na rin siyang nandito. Gusto ko mang matuwa sa mga kinikilos niya at lahat ng effort na ginagawa niya, pero mas nangingibabaw talaga sa'kin ang sakit eh. Nasasaktan ako. I am totally broke.

Wala nang natira sa'kin. Ubos na ako. At di ko na kayang pasanin pa ang sakit.

To be honest, I really want to cry pero tinatatagan ko lang ang sarili ko. I don't want to risk my baby's life just because of him.

Mahal?

Yes. I still Love Him. I still Love him But I Love My baby more than everything. Mas mahal ko ang anak ko. And I don't want to risk his life. At sapat na rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Hey... Nath." I opened my eyes and I saw Kris. I smiled.

"Umiiyak ka na naman." Nagtaka naman ako. But she just smile. And wipe something on my cheeks.

"Wala na siya." Saad niya kahit di ko naman tinatanong. Napayakap na lang ako sa kanya.

" cry it all out, Nath. Baka sakaling mas gumaan ang pakiramdam mo." I can feel her caressing my back. Wala na akong nagawa kundi ang sumuko. My tears fell.

"Ang sakit Krish... Ang sakit." Patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Umasa ako na may pag-asa pa pero... Pero makikita ko lang pala siya kasama si Jam. Sana pala di na lang ako nag-assume."

"Ang tanga ko rin kase eh! Isang lingo lang naman siyang naging mabait sa'kin, pero umasa naman agad ako. At isa pa... G-ginawa niya lang yun para sa kontrata. Ang tanga- tanga ko Krish!!! Ang tanga! Tanga!!! Ko!"

"It's not your fault Nath, nagmahal ka lang. At lahat ng nagmamahal nasasaktan." She said caressing my back.

"I'm not hurt Krish! I'm pained. Basag na ako. Wala nang natira sa'kin. S-sana pala noon pa ako nakinig sa inyo. Sana pala nagtira ako para sa sarili ko... Sana pala... Noon pa ako sumuko." Umiiyak lang ako.

"Bakit siya pa kase Krish eh. Alam ko namang may mahal na siya pero sumugal pa rin ako. Ang tanga ko."

We stayed like that for a while. Hangang sa nahimasmasan na ako. Pinunsan ko naman ang mukha ko.

"Grave ka makapag-emote buntis! Basa shoulder ko,tsk. Tsk." Natawa na lang ako. Kahit talaga papaano ay napapangiti ako ng mga kaibigan ko.

"Don't you worry, Bruha! Nasampal ko na yung evil husband mo kahapon and last night. Baka gusto mo this time din" mas lalo pa akong natawa dahil ginaya niya pa ang boses ni Nicolo. Pero alam kong may iba rin sa kinikilos niya.

"O ayan ka na naman. Naku!!!" Napailing ako saka ngumiti.

"Ikaw ang ayan ka na naman. Anong problema mo, Krish?" Tanong ko pero mas ngumiti lang siya pero alam kong malungkot siya.

"Okay lang ako, bruha. Nadala lang ako sa emote mo kanina. Aagawan mo pa yata si Sarah ng best actress award eh." Natawa na lang kaming pareho.

"Pero ano na ang plano mo ngayon, Nath?" Napayuko ako.

"I'll give him what he wants." Para namang nakuha niya ang gusto kong sabihin kaya napatango-tango na lang siya.

Tatapusin ko ang nasimulan ko. And after that di ko na siya guguluhin.

Christian's POV.

"O, ano namang plano mo?" Di naman ako agad nakasagot. Iniisip ko pa rin kung anong gagawin ko.

"Kung ako sa'yo, Pare. Pakawalan mo na siya. Di mo rin naman mahal diba?" Napaisip ako sa sinabi ni Jace.

Suddenly I just felt a twing of pain in my chest. The thought of her leaving...

"I won't" bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yan.

"Ibang klase ka rin, Pare." He chuckled. What's funny about it?

"What?" I gave him a bored look.

"Let her go, Bro. Mas lalo lang siyang masasaktan, kapag mas pinatagal mo pa, Maliligtas mo na siya sa kapahamakan, maliligtas mo pa siya sa sakit ng pag-ibig, yun 'yon bro" Then he tapped my shoulders at naunang naglakad.

Why do I don't want you to go?

-To Be Continue-


A/N: 36 CHAPTERS TO GO!
[Ayan na para sa mga natatakot diyan na baka hindi matapos, O di kaya sa mga atat mga bes 36 pa po! Marami pang magaganap sa book 1! Chill lang guix! CHILL! may THIRTY SIX CHAPS PA!😉]

His Martyr Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now