HMW Chapter 13: When He Wakes Up

195K 2.6K 148
                                    

HMW Chapter 13: When He wakes Up

Nath's POV

Ilang araw na ang nakakaraan pero wala pa rin, di pa rin nagigising si Chris. I sighed at saka pinunasan ang mukha niya gamit ang bimpo na binasa ko ng maligamgam na tubig.

"Nath, magpahinga ka muna." pag-aalo sa'kin ni Daille. Nalaman kase nila ang nangyari kay Chris, kaya agad silang napasugod dito para kamustahin ako.

"I'm fine, kayo ni Denise, kanina pa kayo nandito eh, baka pagod na kayo? magpahinga na lang kaya muna kayo?" Nag-aalalang tanong ko. They sighed.

"Nath paano ka naman dito?" Pag-aalala ni Denise. Ngumiti naman ako sa kanila.

"I'm fine here, guys. Kayo ang magpahinga dahil kanina pa kayo nakabantay sa'kin, di naman ako yung nakaratay sa hospital bed eh, tsk." Nakangiting saad ko para lang mawala ang pag-aalala nila.

"Pero--" magsasalita pa sana si Daille nang biglang pumasok si Kris na parang kagagaling lang sa takbo.

"Hays kapagod sa labas. Ano? tulog pa rin?" napayuko na lang ako sa tanong ni Kris. She sighed.

"Oh, andito pa rin kayo? kanina pa kayong umaga, ah. Baka gusto niyo munang umuwi? Ako na lang ang sasama kay Nath" Pagbaling niya kina Denise at saka Daille.

"Okay lang ba sa'yo Kris?" nag-aalanganing tanong ni Denise.

"Oo naman, saka pupunta din naman dito yung kumag na Jace kaya, oks na" Denise and Daille look at each other and shrugged.

"Then sige, Mauna na muna kami ah. Nath, Kris" pagpapaalam nila saka umalis.

"Kumain ka na ba?" tanong sa'kin ni Kris.

"Di pa eh, pero kung nagugutom ka, May pagkain diyan sa table." Sambit ko habang nakatuon pa rin ang tingin ko kay Chris.

"Pambihira ka Nath, Wag mo naman gutumin ang sarili mo! ano 'to? instant noodles? tsk. Dito ka lang bibili muna ako ng pagkain." Kasabay nun ang pagsarado ni Kris ng pinto. Napabuntong-hininga na lang ako.

Hayy... Kailan ka ba kase gigising Chris?

Kailan ka ba gigising?

Sana naman gumising ka na, kase andito pa'ko oh. Mahal na mahal kita. Kaya please... Sana naman maging sapat na rason na yun para idilat mo ang iyong mga mata.

pero hindi pa rin sapat yun dahil hindi ikaw ang hanap niya...

Napangiti na lang ako nang mapait sa sinabi ng isip ko.

Oo nga naman.

Hindi ako ang mahal niya.

Kaya hindi sapat ang pagmamahal ko para maging rason na gumising na siya.

Dahil kahit kailan hindi ako magiging siya.

Hindi ang pagmamahal ko ang hinahanap niya. Hindi ako ang kailangan niya. Hindi ako...

Agad ko namang ipinahid ang mga tumulong luha galing sa mga mata ko.

Alam ko Chris, Alam ko na hindi ako ang rason kung bakit mo piniling huminga. Alam ko Chris na maaring hindi ako ang rason para lumaban ka pero... Umaasa pa rin ako, umaasa pa rin ako na sana pwedeng maging ako yun, na sana pwedeng maging ako ang rason na yun. Kahit minsan lang Chris... Kahit minsan lang...

His Martyr Wife [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora