HMW Chapter 11: Revelations

203K 2.9K 109
                                    

HMW Chapter 11: Revelations (Part II)

Nathalie's POV.

Habang bumibilis ang takbo ng oras ay lalo ring bumibilis ang takbo at bilis ng kabog ng puso ko.

It's already 2:30 p.m. at 30 minutes na lang bago ang nakatakdaang oras na sinabi ni Sam. Hangang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako kung tutuloy ba ako o hindi.

Natatakot kase ako eh. Natatakot ako na baka sa mga malalaman ko ay madagdagan na naman yung sakit na nararamdaman ko.

Natatakot ako na baka sa oras na malaman ko yung sinasabi nina Sam at ng mystery caller ay magbabago ang lahat.

Natatakot ako... Natatakot ako kase baka sa oras na malaman ko lahat ay may mangyayaring hindi ko inaasahan. Natatakot ako... Na baka dahil dito ay di ko matutupad ang habilin ni Dad.

Pero mayron pa ring kung anong bagay ang nagtutulak sa'kin na makipagkita kay Sam. Na dapat kong malaman ang lahat kase karapatan ko rin 'to.

Dapat kong malaman ang lahat.

Kase kung totoong mahal ko si Chris, kahit ano pa ang malalaman ko ay di magbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Na dapat nandito pa rin ako para sa kanya. Na dapat handa kong tangapin ang lahat tungkol sa kanya.

"I'll be back, Chris. At pangako, babalik ako. Kahit ano pa ang malaman ko sa kanila... A- Andito pa rin ako, asahan mong sa pag- gising mo ay kasama mo pa rin ako. H-Hindi ako bibitaw. Mahal kita." Hinaplos ko ang mukha ni Chris at saka siya hinalikan ng mariin sa noo.

Nakapagdesisyon na ako. Aalamin ko yung dapat na alamin. Papatunayan ko ang pagmamahal ko kay Chris hindi lang sa ibang tao at sa kanya kundi pati na rin sa sarili ko.

Ihinabilin ko muna si Chris sa mga nurse dito sa hospital at saka ako tahimik na umalis.

***

Napakatinding kaba ang nararamdaman ko ngayon. Para akong tuod dito sa kinatatayuan ko, pinagtitinginan na nga ako ng mga taong napapadaan dito eh.

Andito na kase ako sa harap ng cafè na sinasabi ni Sam. Pero hangang dito ba naman ay nagda- dalawang isip pa rin akong pumasok sa loob.

Pero hindi. Nandito na ako. Papanindigan ko ' to. Mahal ko si Chris kaya ko 'to gagawin.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko pero parang sasabog na ang puso ko sa kaba. Lalo na nang binuksan ko na yung pintuan ng cafè.

Pagkapasok ko ay pumikit muna ako ng mariin at saka ako huminga ng malalim. Pagmulat ko ng mata ay agad kong nakita si Sam na nakaupo sa isang table. Agad naman akong naglakad palapit sa kanya.

"Nath... Thank you at dumating ka" halata ang saya sa tono ng boses niya pero walang buhay naman akong humarap sa kanya.

"Sam, sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Nagmamadali kase ako." Walang emosyong saad ko. Hindi naman sa galit ako kay Sam pero, ayaw ko lang kaseng magpadala sa kaba.

"Sorry Nath. Pero... Nag-aalala lang naman kase ako sa'yo eh kaya ko sasabihin ' to sa' y---" I cut her words.

"Sam, please sabihin mo na!" Naiiritang saad ko kaya medyo napataas na rin ang tono ng boses ko.

Nakita ko din na medyo nagulat si Sam at natakot din. Di niya kase ako nakikitang nagagalit o naiinis kase parati lang akong nakangiti noon.

His Martyr Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now