HMW Chapter 54: Doubt and Thoughts

122K 1.6K 36
                                    

HMW Chapter 54: Doubt and Thoughts

Nath's POV

Narinig ko namang may nag door bell sa labas kaya binuksan ko ito.

"Hi, Sis!" Masiglang bati ni Venice sa'kin nang buksan ko ang pinto. Ngumiti naman ako sa kanya.

"O bakit parang ang tamlay mo naman ata ngayon?" Tanong niya saka pumasok.

Nauna naman akong naglakad papunta sa kusina saka inihanda ang mga sangkap ng lulutuin ko.

"Ano pala ang gusto mong kainin Ven?" Tanong ko sa kanya.

"Uy, anong nangyari ba't parang malungkot ka?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin. Hinarap ko naman siya at saka ngumiti.

"Wala. Medyo masama lang ang gising ko." Sagot ko sa kanya.

Lumapit naman siya sa'kin saka kinomfort ako.

"Hayy... Di na kita pipilitin sabihin ang dahilan nang pagka BV mo ngayon. Pero let me tell you this, wag kang magpadala sa emosyon mo sis. Minsan kase nakakasama yun." Saka pa siya nag wink kaya natawa na lang ako.

"Okay. I'll keep that in mind." Pareho naman kaming natawa.

"Tara na kain na tayo!!! Mayghash gutom na talaga yung mga alaga ko sa bituka eh!" Excited na bulalas ni Venice nang matapos kaming magluto. Natawa naman ako sa inasta niya. Para kase siyang bata na excited nang kainin ang paborito niya.

"Sige lang. Teka ihahanda ko muna yung juice." Tumango naman siya saka naupo sa mesa at sinimulang lantakan ang mga niluto namin.

"Oi sis, labas ulit tayo, ah. Gusto ko kaseng mamili pa para sa pamangkin ko. Saka may gusto din sana akong paghingan ng advice."

"Sige, pero Ven okay lang ba kung maaga tayong umuwi, dadaanan ko pa kase yung kaibigan ko." Sagot ko saka inilapag ang pitsel ng juice sa mesa at umupo sa pwesto ko.She smiled sweetly saka tumango. Halatang gutom eh hahaha.

Isang lingo na rin simula nung nalaman ko na may kakambal pa pala si Chris.

Si Venice pala ang batang babae na nakita ko sa litrato doon sa bahay nina Chris. Sabi ni Chris, iilan lang daw ang nakakaalam na may kapatid siya. Di naman niya sinabi ang rason pero para din daw yun sa proteksyon nito.

Simula nung ipinakilala siya ni Chris sa'kin ay para narin akong nagkaroon nang kapatid dahil simula non ay parati na niya akong binibisita at saka sabay kaming gumagala.

Venice is so kind and caring kaya ganon na lang kagaan ang loob ko sa kanya. Isama mo pa dun ang fact na naasar sa kanya si Chris minsan.

Matapos naming kumain ni Venice ay naghanda nako para sa lakad namin. Simpleng baby pink dress lang yung isinuot ko saka pinaresan ito ng pink din na flats.

"Sis, bagay kaya ito kay baby?" Tukoy ni Venice sa isang baby cloth na pambabae. I smiled.

"Oo naman, pero Ven, di pa naman kami sure sa gender ni baby eh." Saad ko.

Ngumiti naman nang mas malapad si Venice.

"Naku! Sis problema ba yun, edi mamili tayo nang mas madami. O di ba ang saya" saka siya pumalakpak na parang bata dahil sa saya. Di ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Ewan nakakahawa nga talaga siguro ang pagngiti ng babaeng 'to.

Nagpatuloy lang kami sa pamimili nang mga gamit pambata ni Ven. Pulot doon, pulot dito. Di ko na nga halos mabilang ang mga binili ni Ven, eh. Di ko tuloy lubos maisip kung magkakasya paba ito sa silid ng baby namin ni Chris. At ngayon ko talaga nasabing, kambal nga sila Chris at Venice dahil pareho sila ng ugali pagdating sa pamimili.

His Martyr Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now