Chapter 25 Whirlwind

Comincia dall'inizio
                                    

"Galing ako dun sa may bandang dulo." She replied. "Party." She confirmed. Hindi ko alam na may party pala dun. Sabagay bago yata yung nakakuha dun tinutukoy niya at di ko pa kilala. "Hindi ko naman alam na hard drinks pala ang sineserve nila." Kwento pa niya. "I haven't drink hard liquors since Ana and I got married." Natawa siya ng bahagya. "She'll scold me like a kid. And at my current state, no doubt she will do more than that."

So may nakakapagpatiklop pala sa kanya? Si ma'am Anastacia.

"You can use my bathroom if you want to clean yourself." I suggests.

Napangiti siya. "Really?" Di makapaniwalang tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "And... can I borrow some clothes too?" She asked. "Don't worry papalitan ko na lang ng bago."

Umiling ako. "It's okay, Miss Abby." Nakangiting sabi ko.

Iginiya ko na siya sa taas, sa may kuwarto ko at kumuha doon ng malinis na pwede niyang pamalit.

"If you need anything, nasa baba lang ako." Sabi ko sa kanya ng papasok na siya sa loob ng banyo ko.

"Thank you." Saka pumasok na siya at narinig ko na lang yung pag-click nung lock.

Para pa din akong nababatobalani dahil di ako makapaniwalang nasa bahay ko si Abegail Montalban. I shook my head fervently to wake myself from daydreaming.

Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Nagtungo ako sa kusina para ipaghanda siya ng kape. Para man lang at least mawala yung tama nung alak sa sistema niya.

Napangiti ako ng sinabi niyang papagalitan daw siya ng kanyang asawa kapag nalasing siya. Pagkatimpla ko nung kape ay pumunta na ako sa living room para dun na lang siya antayin.

After a several minutes, lumabas na siya ng kuwarto ko suot yung damit ko na kumasya naman sa kanya. It's a simple pink t-shirt at shorts. Wala akong time para maghalungkat ng gamit na pwede ko ibigay sa kanya.

"Thank you for this." Tukoy niya sa damit ng nasa harapan ko na siya.

"Okay lang po." Nakangiting tugon ko. "Magkape ka muna bago umuwi para at least kahit konti mawala yung espiritu ng alak. And it's getting late."

Naupo siya sa tabi ko sa may mahabang sofa at humigop ng kape. "Akalain mo yun, dito ako dinala ng mga paa ko." Nakangiti at iiling iling na sabi niya. "And thanks God kasi sayo ako napadpad tonight."

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Unang tingin mo sa kanya, aakalain mong masungit siya at mapagmataas, pero ika nga nila don't judge the book by its cover.

Pero madami na din naman akong nababalitaan tungkol sa kanya. Lalo na nung kapanahunan daw niya. Sobra daw ang pagiging brat nito at yung mga kalokohan niya. Pero simula daw nung ma-in love siya kay ma'am Ana, nagbago na daw siya.

Haist, nagagawa nga naman ng pag-ibig.

Nagkwentuhan muna kami habang inuubos niya yung kape niya. Inimbitahan pa nga niya ako sa party ng pamangkin niyang si Ashley.

Masarap siyang kakwentuhan, kumbaga walang dull moment. Medyo di na rin siya tipsy di gaya kaninang mapagbuksan ko siya ng pinto.

Di na rin namin namamalayan yung oras. Hanggang sa napahikab na siya.

"I think that's my cue." Natawang sabi niya. "Sorry sa abala at salamat." Sabay tayong sabi niya.

Tumayo na din ako. Inihatid ko siya hanggang sa pinto. Ako na din nagbukas nun para sa kanya.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora