"Good morning, everyone."

Tikom ang bibig akong napapikit at nanggigil nang mangibabaw ang tinig ni Maxwell. Kagat ko ang labi nang magmulat, pilit iniipit ang kilig. Ang natatawang tingin nina Mokz, Maze at More ay nasa akin, saka sila iiling-iling na bumaling kay Maxwell.

"Hello, hijo," yumakap at humalik si Maze sa kaniya.

"Hey, mom." Iba talaga ang epekto sa 'kin ng boses niya. May kung anong kiliti talagang idinudulot 'yon sa 'kin. Malalim ang kaniyang boses, malaki at malakas ang dating. Gwapong-gwapo ako sa kaniya kahit hindi ko pa siya makita, dahil sa boses niya.

"Are you here for me?" nakangiti akong bumaling paharap kay Maxwell. Hindi man lang siya nag-abalang hubarin ang sunglasses. Bahagya siyang tumungo at sinilip ako nang nakasuot iyon. At gusto kong mainsulto sa malamya niyang pagkakatitig sa akin. "Good morning, baby!"

He removed his sunglasses and glared at me. His eyes have their own vocabulary. It's as if they were talking to me. His glare was so intense that I completely forgot we're not alone. He bit the inside of his cheek while still staring at me. And I find it freaking sexy.

"I missed you!" dagdag ko.

"Tsh," nakangising singhal niya sabay harap sa ama. "I came to drop this," pabato niyang inilapag sa sofa ang black Louis Vuitton duffle bag. "Dito ako matutulog mamaya."

"What, are you serious?" agad akong naghisterya. "Doon na ako sa bahay ni Zarnaih uuwi, eh!"

"Exactly," ngumisi siya saka sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. "Papasok ka na?"

Napangiti ako. "Isasabay mo 'ko?"

"Sure," nakangisi niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko. "Let's go?"

Napapamaang akong kumaway sa mga naro'n saka sumunod kay Maxwell. Tatawa-tawa akong inilingan ni Zarnaih. Kagat ko ang labi habang nasa kaniyang likuran. Hindi ko pagsasawaang tingnan ang pantay at malapad niyang mga balikat. Lalong lumalakas ang dating niya dahil sa maganda niyang tindig.

"Good morning, Yaz." Gulat kong nalingunan si Maxrill.

At minsan pa akong nanibago sa kaniyang dating. Suot ang ronin red leather jacket, na may letrang "M" sa dibdib, at plain white shirt, halos hindi ko siya nakilala. Pakiramdam ko ay noon ko lang din siya nakitang naka-denim pants.

"Hi! Good morning!" nakangiti ko ring bati. "Ang gwapo natin, ah?"

'Ayun na naman ang bahagyang panliliit ng kaniyang mga mata. "Gwapo ka rin ba?"

Wow... Nakakabilib ang pantay nang pagta-Tagalog niya.

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang pagsakay ni Maxwell. "Hey, wait for me!" kaway ko.

"Bilisan mo, male-late ako."

"Open the door!"

Kunot-noo akong nilingon nito. "Why?"

Ngumiwi ako. "Duh? Sabay tayo, remember?"

"Pero hindi ko sinabing isasakay kita sa kotse ko."

"What?"

"Tsh."

"Let him go, I'll drive you," nangibabaw ang tinig ni Maxrill.

"Hindi ba't may kotse ka?" tunghay ni Maxwell.

Ngumuso ako. "Oo nga, pero gusto kong sumabay sa 'yo."

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now