Chapter 4

6.7K 128 9
                                    

Chapter 4: Meet new mates.


YUMIAKI'S POV

Tumigil muna ako sa paglalakad at umupo sa isang bench. Tinatamad na akong hanapin ang office na parang walang balak magpakita. And I don't like the idea of asking other students.

"Yumi?" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Di ko na nilingon, alam ko namang lalapit sya eh. Tamang tama sa kanya nalang ako magtatanong.

"Jun saan ang Dean's office?"

"Ah samahan na kita. Tara?" nakangiting sabi nya. Sumunod nalang ako sa kanya, yung ibang students napapatingin sa amin. Sabagay ikaw ba naman ang kasama ng anak ni Adonis? Gwapo kasi itong si Jun kaya malamang kung nakakapatay ang tingin kanina pa ako patay dito sa sobrang sama ng tingin sa akin lalo na ng mga babae. Life of handsome nga naman.

Iniwan na ako ni Jun sa labas ng Dean's office may pasok pa daw kasi sya. Pagpasok ko agad may lumipad na dalawang dagger papunta sa akin. Mabuti nalang at alerto ako kaya naiwasan ko iyon.

Pagkatapos merong na namang shurekin na papunta sa akin. Kinuha ko agad ang pinakmalapit na upuang kahoy at ipinanharang iton sabay sipa sa isang upuan papunta sa kanya. Nasalo naman nya iyon tsaka nilagay sa isang tabi, napangisi na lamang ako.

"Uncle" tawag ko at lumapit naman sya sakin.

"Yumi, you've changed a lot." Nakangiting puri nya sakin at tinap ang balikat ko. It's been almost three years since we last saw each other.

Umupo ako sa couch na nasa gitna ng office nya at nag de kwatro, feel at home ako eh. "Uncle pwede palang makipag-away dito?" nakita ko kasi kanina ng hinahanap ko ang office ang dalawang grupo ng mga lalaki na nag-aaway.

"Haha silly, saan ka naman nakakita ng school na pwede ang away?" nag-pause muna sya at tumingin sakin "madami lang talagang pasaway na students dito, pero kahit anong mangyari killing is forbidden inside the school premises. You know masisira ang school ng lolo mo" binigyan ko lang sya ng bored look, ganito talaga ako e.

Nasa gitna ng pag-mimisa este pagsasalita si tito, pano ba naman kasi kung hindi oo ay tango lang ang isasagot ko, ng may pumasok na isang lalaki. Tiningnan nya ako na parang nagtataka at tiningnan ko lang din sya ng walang gana.

"Uh Kent mabuti nandito kana" nakangiting tawag sa kanya ni uncle.

"Bakit po master?" master? Tiningnan ko si uncle na nakatingin din pala sakin tapos nag-wink. Okay ano sya si Master Buten?

"Kent this is Yumiaki Fujiwara. I want you to assist her" it's not a request but more on a command. Tumango naman yung Kent daw. "Ah by the way she'll be your classmate from now on"

"Uncle you know I don't need bodyguard" I said calmly while looking at Kent.

"You may leave now" sabi ni uncle na parang di ako narinig at tinalikuran na kami. Ano pa bang magagawa ko? Nagpunta na kami ng room nya ngunit gaya ng kanina pinagtitinginan na naman kami ng mga students.

Tsk, nagbulungan pa kung rinig ko naman. Kung tanggalan ko kaya sila isa-isa ng dila? Tumigil kami sa harap ng isang pinto at binuksan nya yun. Nakita ko agad ang isang di naman katandaang babae, siguro nasa 30's na nakaharap sa gitna—teacher siguro.

"Excuse me madame" pag-agaw ni Kent ng attention ng teacher kaya naman napatingin ito samin. She gave us a lopsided smile. Eh?

"A-ah come and introduce yourself miss" sabi ng prof sa akin. Pumunta naman ako sa harapan ng mga soon-to-be-classmates ko at nagpakilala.

"Fujiwara, Yumiaki" pagpapakilala ko and nag-bow ako sign of respect. Tamang pag-angat ko may naramdaman akong bagay na papalapit sakin, agad kong sinalo ang baseball. Napa-gasp naman ang mga classmates ko. Nakita ko pang ngiting aso yung bumato sakin. Expressionless ko lang syang tiningnan kaya nawala ang ngiti nya.

Assassins XX GangstersWhere stories live. Discover now