Chapter 7

5.6K 106 3
                                    

Chapter 7: Start of training.


ATHENA'S POV

Ipinaliwanag na namin kay Hecate ang Gang Officials ng Philippine Chapter at gaya ng inaasahan parang wala lang sa kanya. Ni hindi nga sya nagulat.

"What's the highest position in Gang Officials?" cold paring tanong nya. Ano ba yan parang di pa ako sanay sa coldness nya pero kasi ngayon para may nag iba sa kanya, parang mas naging cold sya.

"Y-yung Gangster R-Royalties" kinakabahang sagot ni Selene. Tiningnan lang sya ni Hecate. Katahimikan ang sumunod. Walang nagsalita kaya naman sya na mismo ang nagbasag non.

"What?" anong what? Hindi ba nya narinig ang sinabi ni Selene? "What?" ulit nya pero this time mababakas ang awtoridad sa boses nya.

"Ah Hecate I thought Selene already told you?" patanong kong sabi sa kanya. Mahirap nab aka wala pala sya sa mood, nakakatakot pa nama ang aura nya ngayon.

"No, not the Gangster Royalties" sabi nya. Tumingin sya isa isa sa amin. Ano kaya iniisip nito eh ang mga Princes naman talaga ang nasa highest position.

"L-Lord G-Gangster" nauutal na sagot ni Vesta.

Teka, Lord Gangster? Napaisip naman ako. Oo nga noh bat ko ba nakalimutan yon?

"Lord Gangster" nakangising sabi ni Hecate. Nakakatakot ang ngisi nya, para talaga syang demonyong Diyosa.

"Then, ano ang pinakamataas na rank na nakuha nyo all throughout this past years?" patay! Ano nga ba? Nakagat ko ang lowerlip ko. As temporary leader responsibility ko din ang rank namin.

"Rank 3" confidence na sagot ni Minerva "and I think it happened seven years ago no'ng nandito ka pa Hecate" dagdag pa nya. Aba feeling close ka ngayon Minerva ah. Inaasahan ko ng magagalit sya sakin o samin pero iba ang inaasahan ko. Mas lalo syang ngumisi at ramdam ko ang bloodlust sa kanya.

"Hmm be ready, kukunin natin ang dating atin. Athena i-declare mo ang hamon natin, settle that 3 weeks from now" utos nya na may malademonyong ngisi na di magugustuhang makita. Napansin ko pa ang mata nya pero dahil natatakot ako sa aura nya kaya iniiwasan ko ang eye contact feeling ko kasi mamamatay ako pag tumitig sa malalamig na matang 'yun.

"But---" hindi ko na natapos ang dapat protesta ko dahil pinutol agad nya. Sa loob ng pitong taon madaming nagbago, madaming nagsilabasan na mas magaling samin. Wala na ang dating Hell Goddesses noon na kinatatakutan mula ng umalis sya.

"No buts just do it, I don't want to hear any complains" iritang sabi nya at nag death glare sa akin. Napalunok naman ako "don't tell me naduduwag na kayo" dagdag pa nya sabay ngisi.

"I will declare and settle then" sagot ko nalang.

"Okay. The day after tomorrow will be the beginning of our training" umalis na din sya agad pagkatapos naming mag-usap. Naiwan kaming apat dito sa office. Walang nagsalita, lahat kami malalim ang iniisip. Ibang iba na nga sya kesa dati. Kung dati medyo cold sya, mas ngayon. Kung dati nakakatakot sya pag tiningnan, ngayon presensya palang nya matatakot ka na. Pero kahit wala syang expression alam kong nag aalala sya sa amin at alam kong hindi nya kami ipapahamak. I trust her.

I gave her my loyalty since she helped us, she help the four of us. No, she helped the five of us..


FLASHBACK

8 years ago..

Namasyal kami ni Minerva nang may kumuha sa amin na mga lalaking pangit at malalaki ang katawan na mabaho ang amoy. Sinakay nila kami sa isang van pero bukod samin meron palang dalawang bata din sa loob—Selene at Vesta (codenames na yan pero not a real name)

Assassins XX GangstersWhere stories live. Discover now