Chapter 10

1.9K 62 19
                                    

Chapter 10: Assassin.


IAN'S POV

Isang linggo na ang lumipas, ilang araw nalang magaganap na ang inaabangang gang fight ng history dito sa Philippine Chapter. First time kasi mangyayari ang ganitong event. One is to seven gangs. And no one dared to challenge more than three gangs in one time battle, only them—Hell Goddesses.

Ilang araw nadin naming hindi nakikita ang grupo nila Athena, malamang busy sa pag-eensayo sa paparating nilang laban.

Nagtipon kami sa aming headquarters. Wala namang meeting sadyang parepareho kami tinatamad pumasok ngayon.

"Grabe hot topic talaga gang fight g HG (Hell Goddesses)" sabi ni Luke habang pailing iling na nakatingin sa kanyang tablet.

"Oo nga, ayun pa sa nasagap kong balita madaming unexpected guests ang darating sa araw nay un para manuod. May mga inimbitahan ding mga gangsters from Japan, Korea and China" sabat naman ni Red habang nakaharap sa PC dito sa headquarters at may nakalagay na headphone sa kanyang ulo.

"Ang sabihin mo masyado ka lang talagang tsismoso! May pasagap sagap ka pang nalalaman!" sigaw naman ni Alex habang sinusuntok suntok ang punching bag sa isang gilid.

"Listen" napatingin kami kay Xandro. "According to my reliable source--"

"Sabihin mo nalang galing sa mga babae mo, pa-ingles ingles pa eh!" sigaw ulit ni Alex kaya naman sinamaan sya ng tingin ng iba naming kasama.

"Tangina mo! Magpalaki ka nalang ng bayag dyan kung wala ka namang maitulong!" pabirong sabi ni Luke sa kanya.

"Ano yun Xandro?" tanong ni Kent sa kanya.

"Yun nga, ayun sa mga impormasyon din na nakuha ko may mga assassins at mafia organization din ang manonood galing sa ibang bansa. They want to see how that Hecate fights." Pagpapatuloy ni Xandro na prenteng nakaupo sa couch habang nagbabasa ng porn magazine. Napailing nalang ako sa kanila. Paano ko ba sila naging kaibigan?

"Oo, oo. Yan nga din ang narinig ko partida pa kasi na kahit anong armas ang gagamitin katulad ng sabi dati ni Ian, pwedeng katana, dagger, any guns kahit nga launchers pwede. Pwede din magdala ng sariling weapons pero may ipapagamit naman daw na weapons na gawa mismo sa Underground Asylum" singit ni Alex habang pinupunasan ang kanyang pawis.

"Sa wakas may sinabi kang kapakipakinabang" natatawang sabi ni Xandro na tiniklop naman ang magazine. Natawa naman kami.

Patuloy lang sila sa pag-uusap habang ako panay ang kalkal ng mga impormasyon na pwede kong gamitin para matukoy kung sino si Hecate at saan sya makikita.

"Oh Mike ba't hindi ka naimik dyan?" puna ni Kent sa kanya.

"Sus. Ganyan talaga basta tinamaan ng pana ni Kupido" tiningnan sya ng nakakaloko ni Alex. "Oh Mike kung nilalangit.." nakapikit na sabi pa nya habang ang isang kamay ay nasa dibdib ang isa naman ay nakataas. Makatang makata ang pagkakasabi nya na puno ng emosyon. Gago talaga ang isang ito. "Nilalangaw pati puwet." Dugtong nya kaya naman humagalpak ng tawa ang apat na kasama ko.

"Tss" walang ganang sabi ni Mike. Halatang wala sa mood ang isang ito.

"Anu ba talaga ang nangyari?" tanong ko. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.

"Kasi ano, uhm ah eh" seriously? Si Mike out of words? I mean tahimik naman sya lagi pero hindi ganitong parang hindi alam ang sasabihin. Yung tipong naubusan ng sasabihin?

"Mike tinatanong ka kung ano ang nangyari sa inyo hindi ka pinaparecite ng abakada haha! Ay puta!" tawa parin ng tawa si Alex.

"Boom! Yun oh nagba-blush na naman si Mike hahaha! Ampotek para kang bakla umayos ka nga pare!" Luke.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Assassins XX GangstersWhere stories live. Discover now