PROLOGUE

11.8K 225 12
                                    

PROLOGUE


Nagising akong nanghihina sa isang di pamilyar na lugar. Nakita ko ang mga lalaking parang doctor, may mga takip ang kanilang ilong at bibig at halos mata nalang ang nakikita kaya ni isa sa kanila ay di ko makilala o sadya talagang wala akong kilala sa kanila ni isa?

I didn't do any move. I tried to remember what the fvck I am doing why I ended up here. Right there, naalala ko nasa isang misyon pala ako and they caught me.

Hours had passed at alam kung nasa kondisyon na ang katawan ko. And there is an uncertain thing I felt running through my veins.

Inilibot ko ang aking mga mata. Scanning every part of this room—a no ordinary room. There are guns almost everywhere. Meron ding mga aparato. I saw that blue liquid in a plastic container like a dextrose hanging besides me. May hose na nakatusok sa kamay ko connected to the container with that weird liquid.

Punyeta! Ginawa pa ata akong subject sa kanilang ekspiremento.

Pero iba ang feeling ko ngayon, iba sa normal na ako. Tiningnan ko ulit ang paligid. Merong isang sub-machine gun and handgun sa mesa malapit sakin.

Wala ng pagdadalawang isip na bumangon ako, tinanggal ang mga nakadikit sakin at agad na kinuha yung mga baril. Good thing, loaded na. Isa palang Skorpion Sub Machine gun and Five Seven handgun. Narinig ko ang emergency alarm kaya napangisi ako.

Walang alinlangan kong pinagbabaril ang mga tao sa kwartong yun hanggang sa lahat ay wala ng buhay. Kinuha ko ang holster ng isang lalaki at kinabit sa baywang ko. Naglagay din ako ng magazine doon. May nakita akong dagger na dalawa at kinabit ko din sa likod ng holster. I don't mind what I am wearing. All I want to do is to eliminate all of them.

May nakita din akong mga granada. Kumuha ako ng isang smoke grenade, isang flash grenade flash bang at dalawang hand grenade na magpapasabog ng kanilang laman.

Nasa may basement pala ako ng parang isang mansion. Nagkakagulo sila because of continuous sound of that annoying alarm. Pagkalabas ko sa kwartong iyon inihagis ko ang isang granada sa unahan ko at di nga ako nagkamali dahil may mga nakaabang na doon. Lahat sila wala ng malay o patay na. May dumating na namang iba pero parang wala lang na binawian ko sila ng buhay.

Inihagis ko sa mga paparating ang isang smoking bomb at pinaulanan sila ng bala. I don't feel anything, only the lust to kill.

Naubusan na ako ng bala at halos patay na din lahat. Nakita ko ang isang kwarto, parang may magnet don na kusang humihila sakin papasok. Without second thought I opened the door and threw a flash grenade para pansamantala silang di makakita. Dalawang tao lang ang nandito bukod sakin.

I shoot the one sitting in the center of this room. Sunod kong binaril ang lalaking nakatayo. Fvck! Wala ng bala. Narinig siguro nya ang pagtapon ko sa baril kasi humalakhak sya at narinig ko pa ang kanyang pagkasa ng baril bago lumapit sakin.

Pinaputukan nya ako dalawang beses. Before his third shoot, I quickly ripped his head off using two daggers. Napangisi ako pero nawala iyon ng makita ko ang lalaking binaril ko kanina.

Bigla akong nanginig.

All this time, sinubukan kong protektahan sya pero ako din pala ang papatay sa kanya. Napatingin ako sa mga kamay ko at parang bigla akong nabalik sa huwisyo.

Doon ko lang napansin ang aking mga sugat. Meron akong mga tama ng baril at patuloy parin sa pag-agos ang dugo pero wala akong maramdaman kundi lungkot at pagsisisi.

"Yumi!" I heard a familiar voices but I suddenly blackout.



[To be continue..]

Assassins XX GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon