Chapter 2

8.7K 154 8
                                    

Chapter 2: Hell Keepers.


YUMIAKI'S POV

"Yumi you need to rest first before we report to Emperor" nag aalalang sabi ni Raiden sakin habang inaalalayan akong umupo sa kama. Nagpupumilit kasi ako kanina pa paggising ko na kailangan muna kami rumeport kay tanda, ang ayaw non sa lahat ang pinag-aantay sya at pinapatagal pa ang balita samantalang andito na din naman kami sa mansion.

Emperor ang tawag nila o namin kay lolo/tanda pag trabaho ang pinag-uusapan as part of tradition and respect.

"No, we need to report to Emperor and besides gusto ko na din malaman kung ano yung sinasabi nyang napakaimportanteng mission na ibibigay nya sakin" pagkumbinsi ko sa kanya habang pinipigil ang mapadaing dahil sa hapdi ng sugat. Nasabi ko na din kasi kay Raiden yung pinag-usapan namin ni tanda, di ako naglilihim sa kanya. We're best of friends.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga, sign of giving up. Napangiti ako, kilala nya talaga ako at alam nyang di nya ako mapipilit.

"Okay, basta sabihin mo lang kung hindi mo na kaya" nag-aalalang pagsang-ayon nya sakin. Tumango na lamang ako at tumayo. Inalalayan naman nya ulit akong tumayo. Actually nalagyan na nya ng benda yung sugat ko at ginamot ang sugat ko nung nawalan ako ng malay.

Pumunta kami sa office ni tanda, doon nama sya lagi tumatambay e. Kung pwede na ngang don matulog at kumain baka ginawa na nya. Ganyan ba talaga kabigat ang responsibilidad ng isang Emperor?

"Emperor" tawag ko sa kanya pagkapasok namin sa office nya. Ipinihit nya paharap samin ang kanyang swivel chair kung saan prenteng nakaupo sya kagaya talaga ng isang boss.

"Oh you're here. I didn't expect that you'll finish your mission this soon" sabi nito samin pagkatapos humithit sa pipe nya at nagbuga ng usok. Kasama din namin ngayon sina Ken at Peter.

"Thank you" I said sarcastically habang diretsang nakatingin sa kanya. Honestly, di ko alam kung lolo ko ba talaga sya, ni di mo nga kakitaan ng pag-aalala samin ni Ichiro.

"Welcome" nakangising ganti nya sakin. Pinisil naman ni Raiden ang braso ko, alam kasi nyang may pagka-short tempered ako pagdating sa matandang 'to.

Biglang sumeryoso ang aura nya kaya naman nadiinan ko ang pagkakahawak ko sa sugat ko ng hindi namamalayan.

"Arrrggg!" mahinang ungol ko. Napatingin sakin si Raiden ng may pag-aalala sa mukha kaya naman sinenyasan ko sya na okay lang ako.

"Raiden, Ken and Peter, I want to talk to Yumi privately" alam naman agad nila ang ibig sabihin ni tanda dun sa sinasabing privately kaya naman agad din silang tumalima sa sinabi nya without any question.

"Hear about Takeuchi Clan, right?" tanong nya sakin pagkalabas ng tatlo sa silid. Tumayo pa sya at umikot sa table nya, nakatingin lang sya sakin.

"Huh?" nagtatakang tanong ko, malamang kasi alam ko. Isa din silang angkan ng mga assassins.

Kami ay nabibilang sa Hokage Clan, isang angkan na nirerespeto ng 'four domain' ng Underworld Kingdom.

Naniniwala ang mga taga-Takeuchi clan na dapat sila ang mamuno sa buong Underworld Kingdom at hindi ang taga-Hokage. Malakas din ang angkan nila, tumayo sila ng isang empire sa China at lalong nagpalakas dahil sa pagpaparami ng mga meyembro at hawak na iba't ibang organisasyon na kumalat din sa buong mundo.

Masasabi kong kilalang kilala talaga sila sa UWK (Underwold Kingdom).

"This is very confidential, dangerous and important one" bumuntong hininga sya bago nagpatuloy "It is about the heir of Takeuchi clan." Tinitigan nya ako ng sobrang sersoyo.

Assassins XX GangstersWhere stories live. Discover now