Ace and Amber

209 8 4
                                    

[24]

RAZZELLA MONIQUE HELVIN

Tatlong araw na ang nakalipas ng matapos namin ang tatlong kaso sa pamamagitan ng pagpatay kay Sye. Pero hanggang ngayon iniisip ko parin kung tama ba ang ginawa namin sa kanya? Nadischarged ba si Sober? Dalawang araw na kasi siyang di pumapasok. I didn't heard any news from him. Parang gusto ko tuloy pumunta sa Agency. I can't help myself thinking about what had happened to him after the killing.




"Royalties nga sila! Sabi ng iba papasok na sila ngayon" bumalik ang atensyon ko sa usapan nila Belle. "Talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Frankie. "You heard that Mozzy? I'm sure kasama nila si Sober" sabi naman ni Lorraine sa akin. "Ah?" Tanging sagot ko. I'm not sure of that dahil wala akong nakikitang kasa-kasama ni Sober, siguradong di nila siya kasama na pumasok ngayon. "Di ka kasi makamove on sa training niyo eh. Siguro napaka intense ng naging training niyo noh? Kaya alalang-alala ka sa kanya" sabi naman ni Carla. Tumango nalang ako bilang tugon kahit alam kong hindi training ang ginawa namin kundi mas masaklap pa doon.




Oo nga pala, akala ng mga kaibigan ko na magtratraining kami nung Sabado ni Sober. Nung nakita nila na nagsa-sign ako ng papers sinabi ko nalang na para sa training namin iyon ni Sober every Saturday. Di ko balak sabihin sa kanila na Detective partner/Secretary/Maid na ako ni Sober dahil baka kung ano ano pang bagay at sitwasyon ang isipin nila tungkol sa aming dalawa. At ayaw kong malaman rin nila na lagi akong nasa bingit ng kamatayan tuwing magiimbestiga kami. I'm sure kapag nalaman nila yun hinding hindi sila papayag.




"Tara abangan natin sila" sabi naman ni Lorraine sabay hila sa aking braso. Tss... Sino naman yung mga iyon? Previous week pa sila pinag uusapan ng halos lahat ng mga estudyante dito. "They said that magiging kaklase natin sila. Both Vamps' Royalties I guessed" sabi ni Wera habang kami'y naglalakad ngayon papunta sa lockers' area. Mukhang excited itong mga ito, parang makakakita sila ng dalawang sikat na artists.




Habang naghihintay kami sa harap ng mga lockers, natigilan bigla ang aking hininga ng nakita ko si Sober na nasa harap ng kanyang locker, binuksan niya ito. Wala na ang kanyang mga sugat. Parang okay na okay na siya ngayon. Bakit ngayon lang siya pumasok? Ano ang kanyang mga inasikaso at hindi niya ako isinama? Naramdaman kong nag iinit ang aking dugo. Gusto kong puntahan siya at tanungin ng napakarami. Kaasar! Akala ko ba mag partner kami?!





Pupunta na sana ako sa kanya nang biglang lumiwanag ang buong paligid at parang may isang napakagandang anghel na dumating, ang nakikita ko sa mga mata ng aking mga kaibigan. I rolled my eyes heavenwards. May isang napakaputi at magandang babae lang naman ang naglalakad papalapit. Para siyang isang modelo ng Victoria's Secret. Mahaba at unat na unat ang itim na may streaks of blue na kanyang buhok. Mapupula at malalambot ang kanyang mga labi. Mapupungay ang mga pilik mata at kulay berde ang kanyang mga parang nagniningningang mata. Maganda nga siya pero sa itsura palang kita mo na ang kanyang masamang pag uugali. Halatang mataray.





Nakauniform na siya ng tulad ng sa akin at naka pulang sobrang taas na takong. Really? Papasok siya ng ganyan? Hindi ba iyan masakit sa paa? Napatingin siya sa aming at napataas ng brow ngunit binalewala lang din kami ng napansin niya si Sober. Naningkit naman at kumunot ang noo ni Lorraine ng mamukaan niya yung babae. Dali dali siyang lumapit kay Sober at nagulat ito ng biglang yumakap sa kanya yung babae. Nagulat rin halos lahat ng babaeng nakatingin sa kanya maslalo na ako. Sino siya?! Maslalong kumulo ang aking dugo nang hindi man lang siya inilayo ni Sober hinayaan lang niya ito hanggang sa kumalas. Inalog-alog ko ang aking ulo. Bakit ba ako nagkakaganito? Pake alam ko ba sa kanila?!





Mischievous Academy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon