MNYOD [Chapter 1]

Start from the beginning
                                    


Nung time na yun. Di ko alam kung anong isasagot ko. Ni wala na nga siguro ako sa sarili ko. Kasi naman, iniisip ko palang na magiging ka-partner ko siya eh parang nabuhusan na ako ng malamig na tubig.


"Mr. Suarez, what is your answer?"


"Po? Sige po."


"I expect you'll be having your reviews together. Malapit na ang competition and the school is aiming for the 1st place. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para manalo dito."


Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ng lumapit si Yanna sa akin at inilahad ang kamay nito. 


"Hi, ako nga pala si Yanna. Nagpapakilala lang ako kasi baka di mo pa ako kilala. Di naman kasi tayo nag-uusap. Andrei, right?"


"Ha? Ahh, oo. Drei nalang. Ano, uhm, nuh gagawin natin Brianna?"


"Nuh ka ba. Yanna na lang diba? Review nalang tayo everyday."


"Sige, ikaw bahala."


"Ok, kita nalang tayo mamaya."

***

2 hours ang napag-usapan naming review session every day. Kaya naman alas syete na ng gabi kami nakakauwi. Okay lang naman sa kanya kasi parati naman siyang sinusundo ng boyfriend niyang si Jake. Eh ako, syempre ok lang kasi lumaki naman ako na nasanay na rin sa kalye.


Lumipas ang mga araw at naging close na rin kaming dalawa ni Yanna. Medyo naging komportable na rin kaming dalawa sa isa't-isa at nagagawa na naming magbiruan. At syempre, di na ako nauutal sa tuwing kausap ko siya.


"So ano, okay na tayo Drei?"


"Oo naman. Yakang-yaka ko na yan! Huwag kang mag-alala."


"Yabang ah? Hahaha. Sige na nga. Mananalo tayo."


"Talaga! Kaya uuwi na tayo. Baka kanina pa naghihintay yung sundo mo sa labas."


***


"Oh? Nasan na sundo mo?"


"Kanina ko pa nga tinatawagan si Jake eh."


>>END OF FLASHBACK<<



"Pagkatapos nun – "


ZZZZZZzzzzzz


"Hayy nako, tinulugan na naman ako ng batang to. Di ko talaga matapos-tapos tong kwento ko sa kanya. Haha."


Pagkalinga kasi ni Drei sa anak eh mahimbing na itong natutulog. Napaka-amo tingnan ng anak niya. Iniisip ni Drei na ang laking regalo talaga ang natanggap niya sa Panginoon para bigyan siya ng anak na kasing bait ni Andy.


"Andy, anak, pasensya ka na kung wala dito ang mommy mo. Pero anak, huwag na huwag mo siyang kamumuhian. Kasi alam ko, mahal na mahal ka niya. Kahit na di niya alam na buhay ka. Good night baby. Mahal na mahal kita." *Tsup*


***


A/N: Hala, sobra akong na-excite kaya pinost ko na agad ang chapter 1 kahit kakapost ko palang ng Prologue. Yaan niyo na, gusto ko na kasing makilala niyo si Drei. Ang ganda kaya ng character niya. THE YOUNGEST BEST DAD! Ang kulit ni Andy! Sarap kurutin! Haha.


Love, CMU (^_^)

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now