Chapter 21 Love & Sacrifice

Magsimula sa umpisa
                                    

Ginisa nila ako tungkol sa issue na may relasyon kami ni Samantha. I had to deny it. Hindi dahil sa naduduwag ako, kundi dahil sa kapakanan ni Sam. Kung ako lang masusunod, ipagsisigawan ko sa mundong siya ang girlfriend ko at siya ang gusto kong makasama sa habang buhay.

Nakumbinsi ko naman ang mga council na walang katotohanan ang issue na iyon.

"Be sure of that, Ashley." Sabi ni Mr. Ymana. Siya yata ang pinakamahirap nakumbinsi sa kanilang walo. "One wrong move, and Miss Chavez will be kicked out from the university." Saad niya na para bang nagbabanta. "Our eyes are on you."

Napansin ko ang pagtalim ng mata ni mama at ang pagkuyom ng kanyang mga kamao. Pasimpleng hinawakan ni tita Abby yung kamay niya at pinisil.

"Yes sir." I humbly replied.

"Good. Think of your future." May pagbabantang saad niya.

"Watch your words, Mr. Ymana." Pigil ang galit na sabi ni mama. "Anak ko yang kausap mo."

Hinawakan ni tita Alex si mama sa balikat na para ba siyang kinakalma.

Hanggang sa lumabas na ng conference room ang mga council ay di pa rin maipinta ang mukha ni mama.

"Dani, you need to calm down." Sabi sa kanya ni tita Abby.

May pinag-uusapan silang tatlo pero wala na dun ang konsentrasyon ko. Nasa problemang kinakaharap ko ngayon. Malinaw ang sinabi ng council sa akin, lalong lalo na kay Mr. Ymana, na isang maling galaw ko lang, papatalsikin si Sam sa eskwelahan. Maaari pa siyang kasuhan ng university.

"I have decided." Nakayukong sabi ko na nagpatigil sa pag-uusap nilang tatlong magpipinsan at natuon ang pansin nila sa akin.

"Ash..." Bigkas ni mama.

"Aalis ako papuntang Paris." Naglakas loob akong mag-angat ng tingin sa kanilang tatlo. "I have to sacrifice for the sake of Samantha. Masyado ko siyang mahal para ipahamak."

"Sigurado ka ba diyan?" May lungkot sa mukha ni tita Alex.

"I have to tita. I have no choice." I replied.

"You can't see Samantha and you can't even say goodbye to her. It's too dangerous na lapitan siya ngayon lalo na't mainit ang mata sa inyo ng council." Saad ni tita Abby.

"She will hate me, that's for sure..." Pigil ko ang sarili kong wag maiyak. Kailangan kong magpakatatag.

Mabilis silang tumayo para lapitan ako at damayan. They utter their symphaties. Si mama tahimik lang na nasa tabi ko at hawak hawak ako sa balikat at manaka-naka iyong pinipisil.

Pinatay ko ang cellphone ko. Ayokong makausap si Samantha. She will change my mind in an instant. Once na narinig ko yung boses niya o makita man lang siya, mababago nun ang isip ko. Tatangayin ako ng damdamin ko. Baka di ko kayaning iwan siya when I really have to.

Masakit... sobra sobra yung sakit pero kailangan kong tiisin para sa kanya. Nangako akong babalikan ko siya at sa pagbabalik ko, magiging tama na sa amin ang sitwasyon. Wala ng alintuntunin na kailangan namin sundin at magbabawal na mahalin siya.

Sa bahay ng mga magulang ko ako natulog ng gabing iyon dahil parang di ko yata kakayanin mag isa sa depression na nararamdaman ko. Bumangon ako sa kama, bitbit ang favorite kong stuffed toy nung bata pa ako. Nagtungo ako sa pintuan ng kuwarto ng mga magulang ko at kumatok dun.

Nang marinig ko ang tinig ni mommy ay binuksan ko yung pintuan. Nakaupo si mama sa kama at nakasandal sa headboard. May kausap sa telepono. Habang si mommy naman ay nasa harapan ng dresser.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon