Grabe! Ganito ako kaapektado kay Franz. Palibhasa my feelings ako. Hindi tulad niya na cool lang. Ang isang kamay ay nasa bulsa pa ng jacket niya.


Hinayaan ko lang ang akbay niya. Gusto ko rin kasi ang init na hatid ng katawan niya sa akin. Saka ang bango niya... Nakakalasing! Nakakakilig!

"Hi!" Bati sa amin ng nakangiting si Fatima. Nauna na pala sila sa amin? Kami na lang ang inaantay?


"Hello!" Balik bati ko sa kanya at binati ko din ang iba pa. "Good evening." Sabi ko pa sabay bow. Ang galang ko no? Syempre!


Si Franz naman ay tumango lang sa kanila. Ipinaghila pa niya ako ng upuan sa tabi ni Ate Gi, samantalang siya ay katabi ni Fatima. Pinagigitnaan kami ng dalawa. Arggh! Ok na sana kasi pa-gentleman epek siya eh. Pero katabi niya si Fat. Pwede bang makipagpalit?

"Akala namin matagal pa kayo." Sabi pa ni Fat. Si Ate Sam ay nagpipipindot sa cp niya. Nagpe-facebook ata. Si Ate Gi may kausap sa fone. Siguro family niya sa Manila. Sina Kuya Max at Kuya Jo lang ang nasa amin ang attention.

"Matagal kasi ako maligo." Amin ko. Totoo naman eh. Kahit sina Franz at Von ay nagrereklamo sa tagal kong maligo at magbihis.

Tumango-tango si Fat. "Sabay kayong naligo?" Curious na tanong ni Fat.


Hanu daw??


Nagkatinginan kami ni Franz at nagkahiyaan. Kaya umiwas na rin kami agad ng tingin sa isa't-isa. Ano ba naman kasing naiisip ni Fatima? May pagkapilya pala siya. Pati tuloy ang mga kasama namin ay nasa amin ang attention. Inaantay na may sumagot sa aming dalawa ni Franz.


Nahihiya tuloy ako lalo. Ngunit ano nga ba ang kinakahiya ko? Wala naman kaming ginawang ganoon. "Nauna si Franz at pagkatapos niya ay ako." Hindi ko napansin na nasabi ko pala iyon. Ang akala ko nasa isip ko lang.


Tumango at ngumiti si Fatima. "Ah, ok!" Tumayo na siya. "Kain na tayo. Kuha na tayo ng makakain." Yaya niya sa aming lahat kaya nagtayuan na kaming lahat.

Pinauna namin ang mga kasama namin. Kasunod ay si Fatima, tapos ako, at sa huli ay si Franz.


"Franz, ito yoong paborito mo noon sa Tiya Maria oh." Turo ni Fat sa nasa harap niyang roasted turkey.


Wow! Doon siguro sila nagde-date noong sila pa? Dinungaw naman siya ni Franz na kasunod ko. Bakit ba kasi pinagitnaan pa ako ng dalawang ito?


"Oo. Remember ang sarap ng sauce doon di ba?" Nakangiting sabi ni Franz.

"Yeah! Naalala mo ba na halos nakailang pababalikbalik ka sa ganito doon?" Sabi pa ni Fat habang kumukuha na noong turkey.


Natawa si Franz. "Oo nga!" Sagot niya.


Napanguso nalang ako habang kumukuha ng ulam. Pinagitnaan pa talaga ako eh. Eh di sila na. Sila na ang nagdate sa mga masasarap na resto. Pakialam ko? Kami nga ni Von, abroad lagi ang mga monthsary namin. Hays! Bakit ba naisip ko pa si Von dito sa kalokohan ko? Eh kasi naman... kasi.... NAGSESELOS ako!


Speaking of monthsary, wedding monthsary na pala namin two days from now ah? Kapag yata wedding monthsary hindi na ata sine-celebrate. Kasi noong 1st month namin, wala naman kaming ginawa. Parang ordinary day lang.

Naikot na namin ang table ng buffet na hindi ko namamalayan. Pagtingin ko sa plato ko, dalawang putahe lang pala nakuha ko?


Umupo na kami sa lamesa namin. Nag-lead ng prayer si Kuya Jo at kumain na kami.

"Bakit iyan lang kinuha mo?" Bulong sa akin ni Franz. Medyo nag-lean siya ng konti sa akin para marinig ko siya.


Nilingon ko siya. "Iyan lang nagustuhan ko eh." Simpleng sagot ko.

The StarNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ