Chapter 2

73 3 0
                                    


Saint's POV

"Ano ba! ako nga dito, pinaubaya ko na nga sayo kanina sa eroplano eh!" napakamot nalang ako sa ulo habang nakatingin sa dalawang kasama, na nagrarambolan na sa harap ko para lang makaupo sa side na malapit sa bintana.


"Bakit sino bang may sabing ipaubaya mo? ha? ha?"tugon naman nung isa na halos mapunit na ang  damit nila  kakahila ni Trixie. Kakalabas lang kasi namin sa airport  at may sumundo na agad saamin na City bus paglabas namin. Pero dahil  good for three person ang kada row tatlo na lang kaming hindi nakaupo dahil sa dalawang kasama ko na kanina pa naghihilaan makaupo lang sa window side. 


"kung hindi pa kayo titigil, kayong tatlong bibe na nakakadiri! Ipapatapon ko kayong tatlo sa labas!" nabigla kaming tatlo ng biglang dumungaw mula sa likod si Badette at masamang nakatingin saamin. Nakita ko naman na nagroll eyes yung dalawa at pasimpleng umayos ng tayo kaya ikuha ko na ang pagkakataong iyon upang unahan silang makaupo sa kanina pa nilang pinag-aagawang upuan.


"Ano ba naman Saint ako dyan! Alis bilis!" Sabi ni Ericka sabay hila sa kamay ko para tumayo, tinignan ko lang sya ng masama at hinablot ang kamay ko na hawak nya.


"Ayokong mapalabas dito kaya kung ayaw nyo o hindi ako ang uupo dito!"pagmamatigas ko at inilabas ang librong binabasa ko. Naramdaman ko naman silang umupo na rin kaya napangiti ako. 


"Saint, binabalik ko na pala tong hinirap kong libro. Salamat ha" napatingin naman ako sa dereksyon nila Angie nang inabot na sakin ang librong hiniram nya. tumango naman ako at ngumiti dito sabay kuha sa librong inabot nya  at nilagay sa backpack ko.


 "Ano na naman sinabi ng isang iyon?" Umayos muna ako ng upo bago ko binalingan si Trixi na kumakain na naman ng chips.


"Binalik nya lang yung librong hiniram nya." Sagot ko at hindi sinasadyang mapatingin ako sa unahan  kung saan nag-uunahang pumasok ang mga kalalakihan na kasama namin.


"Ahh, yun bang The last He killed?" Tumango lang ako kay Trixie pero nasa unahan parin ang atensyon ko lalo ng makita ko si Malington at ang kanyang grupo.  Bukod sa sya ang captain ball ng University man's Basketball team sya ri  ang captain ball ng baseball team ng university, hindi ko alam kung paano nangyaring sya ang captain ng dalawang team na yun.Kung sabagay mayaman, nakukuha ang lahat ng gusto. Malamang sa malamang sikat siya at ang grupo nya   kaya half ng girls ngayon dito ay mapapatingin sa kanila.


Nakamasid lang ako sa kanila hanggang sa dumaan sila sa gilid namin ng biglang may isang pares ng kamay ang nagtakip ng mata ko. Padabog ko naman itong tinanggal at tumingin ng masama kay Ericka na ngayon masama narin  na nakatingin sakin.


"Wag mo nga syang tignan ng ganyan. Baka matutunaw yan, alam mo naman na papakasalan ko pa yan !" Inarteng reklamo ni Ericka habang patingin-tingin pa kay Malington. Simula yata nung naging kaklase ang grupo nila Malington ay doon na rin nagsimula ang pagkabaliw ng kaibigan kong ito sakanya. Well, hindi ko rin naman sya masisisi may itsura rin naman kasi si Malington tsaka may ibubuga rin sa academics.


"Don't look at me like that Saint! Alam kOng minumurder mo na ako sa isipan mo, kaya mas okay kung magbasa ka nalang!" Ngumiwi na lamang ako at nagpatuloy na lang sa pagbabasa habang sya naman ay nakita kong nagpikit ng mata.





Sin City (Where Ruthless being Lives)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang