Chapter 1

94 4 2
                                    

(Saint at the multimedia)

"Mag-iingat ka doon ah, inumin mo yang mga gamot mo. Huwag ka rin masyadong magpapagod Anak ah! Yung mga bilin namin ng papa, wag mong kakalimutan!" Mahabang paalala ni mama habang yakap-yakap ako. Kahit kailan talaga bata parin turing nila saakin.


"Opo, ano kaya kung huwag nalang ako pumunta." Biro ko dito bigla naman itong kumalas sa pagkakayakap saakin at tinampal ang braso ko.


"Ano kaba namang bata ka! Para rin yan sainyo, para kahit paano makapag-bakasyon pa kayo bago ang graduation nyo." tumango-tango lang ako dito. Hinawi naman nito ang ilang hibla ng buhok kong nagsilaglagan sa mukha ko.


"Mamimiss ko po kayo!" Nakasimangot kong turan at muling niyakap si Mama, sa tanang buhay ko ngayon lamang yata ako mawawalay sakanila ni papa ng matagal. Mahaba- haba rin ang tatlong buwang hindi kami magkikita-kita, kaya talagang mamimiss ko sila.


"Syempre mamismiss ka namin ng mama mo anak, basta a mag-iingat ka doon!"sagot naman ni papa sabay akbay kay mama ng binitawan ko na ito sa pagkakayakap, nakangiting tumango naman ako dito. Kahit kailan talaga ang sweet nila sa isa't isa , sana lang makahanap ako ng tulad ni papa.


"Saint!!! Ano ba!!! kanina ka namamaalam kila tita, we are not stay there forever no!!. Lets go na kasi, bye na tita and tito. Promise I will take care of her! chao na po!"Sigaw ni Trixie , pinsan-slash-bestfriend ko na ngayon nakatayo na sa may entrance ng airport. Malungkot naman ako na ngumiti kila Mama, humalik naman sa papa sa noo ko bago ko sila talikuran at sumunod kay Trixie na halatang inip na inip na sa kakahintay saakin.


"Andiyan na!"Pasigaw ko namang sumagot, muli kong nilingon sila mama at kumaway pa sa mga ito hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ni Trixie na nakatingin na ng masama saakin.


Bitbit ang aming maleta sabay kaming naglakad ni Trixie hanggang sa eroplanong aming sasakyan.


"Saint!!!Trixie!!! dito!" Pagpasok pa lang namin sa eroplano boses na agad ni Ericka ang bumungad saamin, hayyysstt kahit kailan talaga ang isang to! Wala naman kaming nagawa ni Trixie kung hindi lumapit dito na nakaupo na sa pinakagulong row.


Balak kasi ng School namin na bigyan kami ng tatlong buwang bakasyon bilang regalo na rin nila sa darating na Graduation namin. May napili raw na lugar ang faculties kaso hindi namin alam kung saan dahil ang sabi nila surpresa raw. Sa halos ilang dekada ng school namin na nakatayo ito raw ang ikalawang beses na nagbigay sila ng ganitong regalo, sabi nila mapalad raw kami. Pero bakit parang iba ang nararamdaman ko? 


"Akala ko ba hindi ka na pupunta?" tanong ko ng makalapit na kami sa knyang kinaroroona. Ilang beses ko rin kasing naririnig mula sakanya na hindi raw sya papayagan ng Daddy nya.


"Well, alam nyo naman ako diba,  I have my ways!" Pabidang tugon nito at umupo sa pinakadulo kung saan ang bintana, napailing nalang ako sa paraan ng pagngiti nito. Sa tagal namin magkakasama alam ko na yata kung anong mga katangian ng mga kasama ko at masasabi kong sa pagngiti nya pa lang na ganun iba na.


"Ano na naman kapalit aber?" Tanong naman ni Trixie na ngumunguya na naman ng chips sa tabi nya.

Sin City (Where Ruthless being Lives)Where stories live. Discover now