"Oo nga pala, sabi sakin ni Kuya Paulo mag-eenroll kana daw sa weekend?" tanong naman ni Cade sakin

"Ahh.. Oo sa weekend nako magpapa-enroll." Sagot ko

"Samahan na kita." masayang sagot aakin ni Cade.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. His mood can affects mine. Kapag ngumiti siya, mapapangiti na lang ako kahit gaano pa kasakit yung nararamdaman ko. He's my happy pill. Pero si Keith pa rin yung bubuo ng araw ko..

"Sure." maikling sagot ko naman sa kanya

Nagstay muna si Cade dito sa kubo kasama ko para naman daw di ako mapag-isa. Since may napansin siyang guitara sa ilalim ng upuan dito sa kubo nagpaalam siya sakin kung pwede niya bang gamitin. Pumayag naman ako kaya nagsimula na siyang mag strum.

Habang tumutugtog siya. Di ko mapigilang tumitig sa kanya. I adore this guy so much. Boyfriend material siya, ewan ko nga kung bakit sinayang lang siya ng ex's niya. He can be your bestfriend and your kuya at the same time.

Nung napansin kong tumigil siya sa pag strum nagsalita siya..

"Quen, matanong ko nga bakit gusto mo pa rin siya?" nagulat ako sa tanong ni Cade wtf he's so random. Kung ano-ano na lang itatanong niya sayo.

"Kasi siya pa rin yung hinahanap ng puso ko.." maikling sagot ko

"Darating din yung lalaking para sayo Quen. Yung makikita yung halaga mo." seryosong sabi naman niya sakin

"Sana nga bilisan niya, para di nako nasasaktan pa." sagot ko naman sa kanya

"Tara bumalik na tayo dun, baka hinahanap kana nila tita" aya naman niya sakin

Sabay kaming naglakad pabalik dun at nakasalubong naman sila Keith at Trisha na papuntang kubo.

Hindi ko sila pinansin at ganun rin si Cade. Ewan ko ba kung sinong nag-invite sa kanila. Pero masaya akong nakita si Keith.. lilingon sana ako ng makalagpas na kami sa kanila. Pero pinigilan ako ni Cade.

"Masasaktan ka lang.." maikling sabi niya tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.

Pagbalik namin nandito na si Ate na kanina ko pa inaantay.

"Wait lang Cade pupuntahan ko lang si Ate" paalam ko naman sa kanya. Tumango naman siya kaya tumakbo ako papunta kay Ate.

"Ate tara" hinila ko siya papunta sa parking lot.

"Ate b-bat nandito si K-keith?" nauutal ko pang tanong sa kanya

"Ahh.. Ininvite ni mama. Gusto ka daw niya makita e" sagot naman sakin ni Ate

Alam ni Ate kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako nasasaktan ngayon.

"I know nasasaktan ka, pero nandyan na siya.." dagdag naman ni ate sakin

"Makakahanap ka rin ng lalaking para sayo Claire." seryosong sabi naman sakin ni ate tsaka ako niyakap.

Mahal na mahal ko si Ate. Para siyang bestfriend, enemy at mama ko. Syempre mahal ko rin sila mama, papa at si Kuya.

Bumalik na kami ni ate sa loob. Ako kumain na lang muna. Nakakagutom kayang masaktan.

After some times, nagpasiya kaming sabay sabay umalis dito sa venue ng surprise kuno nila sa akin. Nagpaalam naman ako kanila mama na may sleep over kami ng tropa kaya sa kanila na lang rin ako sasabay, pumayag naman sila.

No strings attachedWhere stories live. Discover now