Starring 48

Depuis le début
                                    




Nagflash ang iba't-ibang gadgets sa mukha ko nang tumayo na siya sa harap ko. Nakatitig lang siya at nakapamulsa sa harap ko. Si Franz ba talaga ito?



"Franz.." Tanging nasabi ko.



Nagsigawan ang mga tao nang bigla at walang sabi-sabi niya akong ilapit sa katawan niya at yakapin ng mahigpit. Sht! Dream sequence ata ito! Hindi ako nakagalaw man lang sa labis na pagkabigla.



"Franz, bakit?" Ang tanging lumabas sa bibig ko nang halos maestatwa ako sa gulat nang yapusin niya ako.



Inilayo niya ako at tinitigan sa mga mata. Lalong nag-ingay ang paligid. Ilalayo ko sana ang sarili ko sa kanya pero mas hinigpitan niya ang hawak sa aking bewang.



"Don't do that again!" May diin na sabi niya.



"D-do w-what?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan kung ano bang sinasabi niya.



Naningkit ang kanyang mga mata at mukhang nagalit sa tanong ko. "Huwag mo na akong iiwan ulit, Steph! I won't allow that!" Galit na sabi niya.



I was lost of words. Galit daw siya dahil iniwan ko siya? Napalunok ako sa sinabi niya. Ano bang problema niya? Binigyan ko nga silang dalawa ng pagkakataon na mag-usap eh. Ano ngayon itong inaarte-arte niya?



Hinawi ko ang kamay niya para makalayo sa kanya. "Bumalik ka na sa sasakyan mo." Sabi ko sa kanya at bubuksan ko na sana muli ang pinto ng taxi. Alerto naman siyang humarang kaya hindi ako makapasok.



"You're not going anywhere, Steph." Seryosong sabi niya. Naka dipa ang mga kamay para hindi ako makadaan.



"I said leave!" Singhal ko at tinutulak ko siya palayo sa pinto para makapasok na ako.



Nabigla ako nang buksan niya ang front seat ng taxi. "Keep the change!" Narinig kong sabi niya kay Kuyang Driver.



"Ayy!" At napatili ako nang bigla siyang tumungo sa harapan ko at buhatin ako na parang sako ng bigas. Sa tangkad niyang ito? Nalulula ako. Kinakabahan na rin sa takot na mahulog ako.



Sinuntok ko ng sinuntok ang likod niya. Nakasampay kasi ako sa isang balikat niya. Patunay na malakas talaga si Franz!



"Put me down." Nagpapapadyak pa ako para mabitawan niya.


Lalong naginit ang ulo ko nang hampasin niya ng malakas ang pwetan ko. Para lang akong batang pinapalo ng nakatatandang kapatid. Pervert siya! Naghiyawan tuloy alo ang mga tao habang nakasunod sila sa amin pabalik sa kotse niya.

"Behave at baka mahulog ka!" Sabi pa niya. 



Ibinaba niya ako nang nasa tapat na kami ng kotse niya.




"KISS!" Sigaw ng mga tao.



Pulang-pula ako sa kahihiyan. Lokong mga tao ito ah. Pag-iwas ko sa mabigat niyang titig ay napadako ang mga mata ko sa front seat. Nasaan kaya si Fatima? Imposible namang naihatid na niya agad. Nasaan na iyon?



Abala ako sa pagtingin sa kabuuan ng loob ng kotse, dahil baka nagtatago lang siya sa fans, pero wala talaga? Saan dinala si Fatima? Samantalang kanina bago ako bumaba ay nasa backseat na siya nitong Benz ni Franz.



Tatanungin ko sana siya kung nasaan si Fat. Paglingon ko, daig ko pa ang sinampal ng pagbaling ko sa kanya ay lumagapak sa labi ko ang mga labi niya. Maygulay! Bakit ba niya ito ginagawa?



"Franz.. May mga.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil saglit lang niyang binitawan ang labi ko. Napasinghap kami pareho para kumuha lang ng hangin. Nang makakuha na ng hangin ay muli niyang pinaglapat ang aming mga labi. Ang kamay kong nakaharang sa dibdib niya ay parang may sariling isip na napalipat sa leeg niya.




Sht! PDA kmi nito! Patuloy lang siya kahit halos masilaw na ako sa liwanag ng mga flash.



"Parusa..... sayo!" Napadilat ako nang maisingit niyang sabihin iyan sa gitna ng paghalik.



Namilog ang mga mata ko. Nakita ko siyang nakangisi. Tapos binitawan niya ang bewang ko at inilapit ang kamay sa magkabilang pisngi ko. Tinakpan niya ang parte ng mga labi namin. Loko talaga!



"WOOHH!"




"ANG HOT!"





"WE LOVE YOU, FRANZ!"





Kanya-kanyang sigawan ng mga tao.




Naputol ang long kiss namin ng makarinig kami ng mga tunog ng pito ng traffic enforcer ata!



"Dmn!" Sabi niya at kinaladkad na ako papasok ng kotse niya. Tapos umikot siya sa driver's seat.



Show is over! Green light na!



Tulala pa din ako hanggang sa unti-unting nawala ang mga tao. Umusad na ng konti ang trapik. Halos itago ko ang mukha ko nang may malamapasan kaming trapik enfrocer na ngumisi pa sa akin ng madaanan pa ng kotseng sinasakan namin.



Ibinalik ko na lang sa loob ng kotse ang paningin ko. Nasulyapan ko si Franz na nagdadrive gamit ang kanang kamay. Ang kaliwa niyang siko ay nakapatong sa salamin ng bintana. Habang ang kamay niya ay nakahawak sa kanyang mga labi habang nakangisi.



Iniimagine pa niya ata ang kiss namin! Nakakahiya!



Naramdaman niya marahil ang paninitig ko kaya inihawak na niya ang kaliwang kamay sa manibela. Medyo mabilis na ang daloy ng trapiko.



"W-what was that?" Nabubulol na tanong ko sa kanya. Sinapak ko pa sa hita. Pero ang loko, pagkasapak ko ay hinuli agad ang kaliwang palad ko ng kanan niyang palad.

The StarOù les histoires vivent. Découvrez maintenant