76

32.4K 556 90
                                    

ZOOEY

Maayos na kami ni Engot pero minsan lang kami magkasama dahil abala siya sa mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral niya. Habang ginugugol ko naman ang oras ko sa lihim na pagsubaybay kay Laurence Fuentebella, daddy niya.

"Mahal."

Nilingon ko si Engot nang tawagin ako. Nasa lamesa siya kaharap ang laptop at nandito naman ako sa kama nanunuod ng balita. Nang hindi siya nagsalita ay ibinalik ko ulit ang tingin sa pinapanuod.

"Mahal."

Nilingon ko ulit siya. Hindi ko maintindihan ang iniakto niya. Nagpapaawa ang hitsura niya sakin. Kinunutan ko siya ng noo at ibinalik ulit sa telebisyon ang pansin.

"Zooey Jade!"

Inis ko siyang nilingon. "Ano?!" Bahagya ng nakanguso ang labi niya na yumuko at nakasimangot pa. 'Ano bang problema nito?' Hindi ko maintindihan.

" I'm tired. Tulungan mo naman ako," reklamo niya patungkol sa mga gawain niya. Kanina pa 'to nakaharap sa computer.

Inirapan ko siya at ibinalik ulit ang paningin sa telebisyon. "Psx! Ano bang alam ko diyan."

"Mahal ko."  Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang tumayo at naglakad papalapit sakin saka naupo rin sa kaibayong parte ng kama. Pumulupot ang kamay niya sa bewang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko. "Help."

"Psx! Wala nga akong alam diyan. Kay Lark ka magpatulong! Yan kasi, hindi ginawa dati, mas inuna pang pagkaabalahan ang ibang bagay," mahabang saad ko. Tambak lahat ng gawain niya sa school. At kailangan niyang tapusin lahat yon bago raw magbakasyon. Yan ang dahilan kung bakit madalang kaming magkasama.

"Hahahaha. You're jealous."

"Hindi, ah!"

Humagalpak naman siya ng tawa na umayos ng upo pero nakahawak parin ang kamay sa tiyan ko. "Since when did you learn to be defensive?"

Napakunot-noo kong nilingon siya. "Pinagsasabi mo?"

"Tsk! Tsk! Tsk!" Napapailing niyang turan. "Nagseselos ka parin ba hanggang ngayon?" Hinawakan niya ang kamay ko. "You see, hindi na 'ko nagpupunta sa condo, hinahatid mo 'ko sa Harper at nang minsang tumawag si Timmy, inagaw mo phone ko at hinagis mo sa labas," aniyang natawa.

Oo! Tinapon ko ang cellphone niya sa labas. Hindi ko naman sinasadyang sa pool bumagsak kaya nasira. "Ngumunguso kana rin, mahal." Nakangiting dagdag na saad niya.

"Psx!" Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Hindi naman ako dating ganito. Bahagya akong lumayo nang inilapit niya ang mukha niya sakin.

"Nang-iirap kana rin," bulong niya.

"Pangit mo!" Tinulak ko ang mukha niya palayo.

"Ang blooming mo na rin. Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko."

Pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko. "Psx! Ewan ko s-sayo." Iniiwas ko ang paningin ko sa kanya na binalik ko rin agad.

"Namumula ka, Mahal." Nakataas ang dalawang kilay niya sakin na animong natatawa. "Kinikilig ka."

Marry me or I'll shoot you!Where stories live. Discover now