30_rose petals

45.5K 541 49
                                    

ZOOEY

Paggising ko kinabukasan ay ang pawisang mukha ni Engot ang bumungad sakin. Wala na rin siyang pang-itaas. Palibhasa lumaki sa aircon kaya hindi sanay sa mainit. Dumiretso ako sa labas para tingnan kung may nag-iwan na naman ng REGALO sakin.

"Goodmorning bestfriend." Pero hindi regalo ang bumungad sakin kundi ang nakangiting mukha ni Maring. Hindi ko siya pinansin. "Aaahhh! Adonis!" Nanlaki ang matang bulalas niya habang nakatingin sa likuran ko. Siniko niya ako sabay bulong. "Sino siya bestfriend?" aniya. Sinulyapan ko ang nakasimangot na mukha ni Engot na naglakad papuntang kusina. "Gosh! Ang haba talaga ng hair mo bestfriend. Tatlong fafa meron ka?!" Niyugyog ng maingay na babaeng to ang braso ko. Umupo ako sa sofa at sumunod naman siya. "Anong ginawa ni Jerome kahapon sa room mo?"

"Wala." Salubong naman ang kilay na nilingon ko siya. Tsismosa rin pala to.

"Sinong nandito kahapon?" Biglang sabat ni Engot na kalalabas ng maliit na kusina.

"Hi! Jowa ka rin ba ni besfriend?"

"Jowa?" Kunot-noong tanong ni Engot.

"Yup. Jowa, boyfriend ba."

"Anong jowa? Asawa niya ako," nakasimangot niyang sagot.

"A-Asawa? Ikaw si Lorenz?!" Gulat na tanong ni Maring. Natigilan ako't lihim na napasinghal.

"How did you know me?"

Nanlaki naman ang mata ni maring bago tumingin sakin at ngumiti ng malaki. "Sosyal ka bestfriend. May adonis na asawa kana, may dalawang hot fafa pa!"

"Dalawang hot fafa?" Nagtatakang baling ni Engot sakin.

"Si fafa Wayne at si fafa Jerome. Sila ang mga jowa niya. Nandito sila Jerome kahapon at nag-inuman pa nga kami," pabidang sabi ni Maring at nanunuksong tumingin sakin. "Ano yong sinasabing baby ni Jerome kahapon bago siya lumabas sa kwarto mo?"

'Ang daldal!'

Nanlalaki ang mata na tumingin sakin si Engot. Balewalang tumingin naman ako sa kanya. "Aong ibig niyang sabihin? Anong baby?" Nagsasalubong ang kilay niyang tumingin sakin.

"Wala yon. Umuwi kana, baka hinahanap kana sa inyo," sabi ko sa kanya. Naglakad ako papuntang kusina at nagtimpla ng kape.

"Anong ginagawa nila jerome dito? Bakit pumapasok siya sa kwarto mo? D-Dito mo ba siya pinapatulog?" Sumunod naman siya sakin sa kusina at sunod-sunod na nagtanong.

"Umuwi kana."

"Will you stop evading my question!" Inis niyang sabi. Manang-mana sa lolang mausisa. Ano na naman bang problema ng taong to. Hindi nalang umuwi sa kanila. Umagang-umaga pinapasakit ang tainga ko. "Nag-inuman kayo. Magkasama sa kwarto at anong baby?!"

Marry me or I'll shoot you!Where stories live. Discover now