25_fight between me and jerome's gang.

47.2K 577 21
                                    

_ZOOEY

Pito sila lahat na nakatayo na ngayon sa harapan ng kotse namin.

"stay here," ani engot sakin at nauna ng bumaba ng kotse. Pinanuod ko lang si engot na naglakad papalapit sa kanila ni jerome. Nandoon na din sila lark, dexter, at xandrick.

Nakikita ko na nag-uusap sila.

"pito laban sa apat? Tsk! Lugi sila engot," sabi ko at bumaba na din ng kotse at lumapit sa kanila.

"hindi naman kayo ang kailangan namin kaya 'wag na kayong makialam pa," ani jerome

"jerome, padaanin niyo na sila. Ayaw namin ng gulo," dexter

Pero nginisihan lang sila ni jerome at ibinaling niya ang tingin sakin nang mapansin ako sa likuran nila engot.

"zooey," aniya pa.

Tinignan ko lang siya na humakbang papalampas kela engot at naglakad papalapit sakin. Hinila naman ako ni engot at inilagay sa likuran niya. Siya ang humarap kay jerome, "obstinate woman, I told you to stay in the car," pasinghal na bulong niya sakin.

"psx!" Isinagot ko sa kanya.

"uh uh, hahahaha. fuentebella, bakit mo itinatago si zooey sa likuran mo? Bwahahaha, asan na ang ipinapakitang tapang mo kanina zooey..... Ano uli yong sabi mo? Maungusan? Kahit konti lang?" ani jerome na nilingon pa ang mga kasama niya at sabay silang nagtawanan.

"pumasok kana sa kotse zooey." bulong sakin ni lark. Maski si dexter tinignan din na ako, na parang sinasabi na sumunod nalang ako.

"tignan natin ang tapang mo ngayon. Bakit hindi natin idaan sa bakbakan. Oh, bakit nga pala hindi ka sumali sa 'battle of the fist?' Tsk!" sarkastik na sabi ni jerome. Umikot siya kay engot para makalapit ulit sakin pero humarang sina xandrick at dexter sa kanya, "wow, protektadong protektado ka."

"tara na zoo." hinila ako ni engot pabalik sa sasakyan pero humarang na naman yong tatlong kasama ni jerome, "ano bang kailangan mo samin jerome?"

"makakaalis kayo pero iwan niyo si zooey samin." aniya kay engot.

"hah! Hahahaha," sarkastik din na tawa ni engot at nilingon si jerome, "do you think I'll let that one happen? I'm not that stupid and selfish to leave zooey here with a bastard like you." 

"woaaahhh, hahahahaha," mapangasar na tawa ni jerome. "Kung ganon ay simulan na natin." aniya at pumitik pa.

*paaakkk!*

Biglang sinuntok ng isa sa mga kasama niya si dexter at napaupo naman si dexter dahil sa gulat.

*paaaakkk!*

Iginanti naman ni xandrick si dexter at sinapak din ang sumuntok kay dexter.

Akmang susugorin ng dalawa pang kasama ni jerome si xandrick pero pumagitna si lark, "sandali!"

*paaakk!*

Marry me or I'll shoot you!Where stories live. Discover now