31 - Realization

47.5K 595 43
                                    

_ZOOEY

Nagising ako dahil sa mabangong amoy na nanggagaling sa labas, dinaig pa ang amoy ng rosas na hanggang ngayon ay nandito parin sa kama ko. Nangialam na naman siguro ang kapitbahay ko. Lumabas ako at naglakad papunta sa kusina. Umupo ako sa mesa habang pinapanuod ang nangialam sa kusina ko. Lumingon naman siya sakin. "Good morning."

"Psx!" Tinignan ko ang ayos niya. Naka-apron siya na spongebob ang nakaprint. Apron ni Maring yon. "Diba sinabi ko sayong huwag ka ng lalapit sakin, bakit nandito ka na naman?"

"I like it here," aniya.

"Eh di, magrenta ka ng ibang apartment mo dahil ayokong makasama ka. Naiinggit kana naman," sabi ko sa kanya. Nakahanda na ang mesa. Meron na ring kape para sa dalawang katao.

"Ayaw daw? I was at home and you came looking for me last night."  Humarap siya sakin. Itinukod niya ang dalawang palad sa lamesa at inilapit sakin ang mukha. "You kissed me yesterday before going out and you even warned me to stay away from Maria. You liked me, don't you?" nakangising sabi niya. Tumayo siya at nakakrus pa ang kamay sa dibdib. "You want me to get rid of Maring because.... nagseselos ka sa kanya."

Anong selos? Ipinapalayo ko siya kay Maring dahil basta!  "Engot talaga. Ang ibig kong sabihin ay wag kang lumapit sa kanya kung wala ako."

"Exactly! Tsk! May pagnanasa ka pala sakin. Nakita mo lang naman akong shirtless kahapon." Ipinagpatuloy na niya ang pagpiprito. Inilagay na sa mesa ang niluto at naupo na rin sa harap ko. "Did you like it?"

Tinikman ko naman ang niluto niya. "Okay lang. Lasang pagkain naman," sagot ko sa kanya.

"No, I'm not talking about the food," aniyang kaylaki ng ngiti. Kunot-noong tiningnan ko naman siya. "So?"

"Anong so?"

"Nagustuhan mo ba?"

"Ang alin nga?" 

Ngumisi naman siya at nanunuksong tumingin sakin. "Nagmamaangan pa. Alam mo na yon. The rose petals I scattered in your room and in your bed."

"Ikaw ang may pakana non?!" Nakangising tumango siya. Napabuga ako ng hangin at inis na ibinaling ang tingin sa gilid. Tumingin ako sa nakangiti parin niyang mukha. "Linisin mo yon." Tumayo na ako bitbit ang kape. "Kailangan pagkatapos kong maligo ay wala na rin yong basurang nagkalat." Pumasok na ko sa silid at kumuha ng damit. Dumiretso na rin ako sa banyo.

"Anong basura?! Ang basura, yong box kahapon, ang cheap!"

"Linisin mo na yon. Huwag mo ng hintayin na ako pa ang maglinis non dahil pati yong damit mo lilinisin ko rin sa cabinet ko," sabi ko sa kanya bago isara ang pinto ng banyo. Wala akong banyo sa kwarto, tanging ito lang na nasa malapit sa kusina.

"Can you just atleast say thank you? Hey! I'm still talking to you. Open the door." Marahas niyang kinatok ang pinto. Hinayaan ko lang siyang magdabog sa labas. Maya-maya pa ay tumahimik na. Ano naman kaya ang pumasok sa kukote niya at nagsabog ng bulaklak sa kama ko. Anong ikakatuwa ko ron? Halos hindi na nga ako makatulog kagabi sa kaiisip kung ano ba ang pakay ng 'J' na yan sakin.

Marry me or I'll shoot you!Where stories live. Discover now