24_ CARG (2nd saturday)

47.6K 556 22
                                    

LORENZ

CARG

Kasalukuyan na ngayong nasa field si Zoo at nagkakarera. Kasama parin niya hanggang ngayon ang apat na yon. Hinintay ko siyang umuwi kagabi pero walang burarang babaeng dumating. Kahit kaninang umaga ay wala rin siya. Ngayon ay dito ko na siya makikita sa CARG at kasama na naman ang apat na yon.

"Woooooohhhhhhh!"

"Gooooooooooooo, miss astig!"

"Miss astig, idoool!"

Isa pa yan sa ikinaiinis ko. Sumikat na siya dito at binansagan pang 'miss astig'. Hindi man lang nag-abalang magpaliwanag sakin kung saang lupalop na naman siya nagpunta. Nakakabwisit!

"Wooooooaaaaahhhhhh!" 

Mas lalo pang lumakas ang sigawan ng mga tao nang maabutan na ni Zoo si Jared. Naghahabulan na silang dalawa ngayon. Mababakas ang pagkainis at pagkabahala sa mukha ni Jared tuwing mafofocused siya sa screen. Samantalang si Zoo ay kalmado lang, na mas lalong nakakapagpapainit ng laban.

"I love you, miss astiggggg!"

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang malakas na sigaw na yon. Kusang tumayo ang katawan ko para puntahan sana ang lalaking yon pero pinigilan ako ni Lark. "Selos kana naman?"

"Hindi ah!"

"Talaga partz? Hindi ka talaga nagseselos?" Nakangising tanong ni Dexter. 

"Hindi nga!"

Tumango-tango si Dexter at tumayo. Makahulugan siyang tumingin at parehong inilagay ang dalawang kamay sa bibig, sabay na sumigaw ng. "I LIKE YOU, ZOOEYYYYYY! CRUSH NA KITA!" Napalingon naman lahat sa gawi namin ang mga tao dahil sa lakas ng sigaw niya. Inis kong inabot si Dexter para batukan pero nang-aasar na pumapagitna si Lark.

"Zooey pala ang pangalan ni miss astig."

"Single pa kaya siya?"

"Lapitan natin mamaya para tanungin."

Pinipigilan ko lang ang sarili kong 'wag lingunin ang mga nag-uusap na yon sa likuran namin. Naiinis na ako!

"Wooooaaaahhhhh, galing!" 

"Itodo mo pa, Zooey baby!" 

Napatayo na ako sa kinauupuan ko. Binigyan ko ng masamang tingin ang sumigaw na iyon bago ibinaling sa nagkakarera ang tingin. Maging sina Dexter at Lark ay napatayo nang malampasan na ni Zoo si Jared.

Napamangha ako. Ang galing niya! Siya pa lang ang nakakagawa kay Jared niyan. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao dito nang mapang-asar na kinawayan ni Zoo ang mga kalaban niya sa likod, na parang sinasabi na 'babye!'

"Ulol! Ganyan nga Zooey! Tignan niyo ang mukha ni Jared."

"Mabuti nga sa kanya! Masyado kasing mayabang na akala mo ay siya na ang pinakamagaling," dagdag ni Lark.

Kahit anong habol ni Jared ay hindi parin niya malampasan si Zoo. Hindi rin umubra kay Zoo ang mga tricks ng pandadaya ni Jared. 

'Asawa ko yan!' Ang sarap isigaw ng mga katagang yan. Napangiti ako nang dumaan ang sasakyan ni Zoo sa harap namin. Kahit hindi alam ng mga tao dito na asawa ko siya ay nakakaramdaman parin ako ng saya, ng pagkaproud dahil sa galing niya.

"Marry me, Miss Astig!" 

Gulat akong napatingin doon na naman sa mga nakaupo sa taas dahil sa sigaw na yon. Nakita ko ang isang lalaki na may hawak pa ng banner at may nakasulat na... "I love you miss astig. Please marry me. Mark?" Pagbabasa ni Dexter sa nakasulat doon. Nilingon niya ako. "Ang baduy naman ng Mark na yan! Bwahahahaha."

Marry me or I'll shoot you!Where stories live. Discover now