52 - "Saving her"

42K 521 103
                                    

LORENZ

"Good morning," nakangiting sabi ni Timmy pagkagising ko. Umupo siya sa kama paharap sakin. "Hindi na kita ginising kagabi for dinner. Ang himbing kasi ng tulog mo."

"Maliligo lang ako." Dumiretso ako sa closet para kumuha ng damit. Napatigil nang makita ang pwesto ni Zooey sa closet ko.

Ano na kaya ang ginagawa non ngayon? Siguro umiinom na 'yon ng timpla niyang kape at malamang dahil sa katamaran non ay wala na 'yong pakialam kahit mapait pa ang iniinom na kape.

Napailing ako sa sarili. Hindi ko na pala siya dapat isipin pa. Nakita ko lang ang pwesto ng damitan niya ay naaalala ko na agad siya.

"Inayos ko na rin ang mga damit ko sa closet mo," dagdag na sabi ni Timmy. Saka ko lang napansin na may mga damit na pa lang nakalagay. Napabuntong-hininga ako dahil sa biglaang inis na naramdaman. "Enz, pasyal tayo," parang batang paglalambing ni Timmy sakin. "We should start dating again."

'Yeah, I'll start again!' Huminga ako ng malalim at nginitian si Timmy. "S-Sure."

"Thanks!" Masayang sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "Maliligo na rin ako pagkatapos mo," dagdag na saad niya. "Sa labas na lang din tayo kumain. Gusto ko ng pizza," aniya pa. Kumuha ng damit at nagtungo sa banyo. "Tara, sabay nalang pala tayong maligo."

"Timmy," pigil ko sa kanya na akmang papasok ng banyo.

"O-Okay, s-sa labas nalang ako," nahihiyang saad niya. Tipid ang ngiti na tinanguan ko siya bago pumasok sa banyo para maligo.

Pang-apat na araw na ngayon . So far, okay naman kami ni Timmy. Pilit naming binabalik ang dati. Three days kaming nandito lang sa loob ng condo ko. Kahapon ay nag movie marathon ulit kami buong maghapon gaya ng palagi naming ginagawa dati.

Sinadya ko talagang magkulong ng mga ilang araw para mapag-isa muna. Sinadya ko rin ang pagkakapatay ng cellphone ko para iwasan muna ang tawag ng mga kaibigan pati ng pamilya ko. Madaldal parin si Lark kaya malamang alam na nila ang plano ko.

Mabilis lang akong naligo. Lumabas ng kwarto na bihis na. Nadatnan ko si Timmy sa sala na nag-aayos ng sarili niya. Tama na rin siguro na lumabas naman kami ngayon. Sa loob din ng tatlong araw ay kinukulit ako ni Timmy na tabi nalang kaming matulog. Tulad kanina na gusto niyang sumabay sakin maligo.

Bigla nalang papasok si Zooey sa isip ko tuwing kinukulit ako ni Timmy. Pakiramdam ko nagtataksil ako sa kanya kahit wala ng kami! Nasa 'kin na ang annulment papers at pirma nalang namin ni Zooey ang kulang.

"Ready?" Tanong ko kay Timmy nang mapansin niya ako. Tulad ng dati, tuwing lalabas kami ay bihis na bihis na ako at naghihintay nalang sa kanya na matapos mag-ayos ng sarili.

Nakangiti siyang humarap sakin at biglang umikot. "How do I look?" Parang dati lang tuwing niyayaya ko siyang mag date na animo unang date namin dahil sa sobrang excitement.

"Good," maikling komento ko sa ayos niya. Pilit akong ngumiti sa kanya. Ang kaibahan nga lang ay hindi ko na makapa ang excitement na nararamdaman ko tuwing maiisip ko pa lang na makasama siya.

Kung si Zoo ang kasama kong lumabas malamang mas nauuna pa 'yon sakin dahil wala naman 'yong pakialam sa ayos niya kung lumabas. Haha. Malamang salubong na naman ang kilay n'on sa paghihintay sakin.

"Hey! Earth to Enz."

"H-Ha?"

"Tara na." Nakangiting ikinawit ni Timmy ang kamay niya sa braso ko. "You're smiling while looking at me. 'Kaw ha, natulala ka na naman sa kagandahan ko," aniya at humahagik-ik pa. Habang pababa kami ay panay ang kwento ni Timmy ng gusto niyang gawin at sa totoo lang ay bigla kong naramdaman ang pagkabagot sa lakad na 'to. "Saan tayo?"

Marry me or I'll shoot you!Where stories live. Discover now