54 _ Saving her III

40.5K 539 66
                                    

LORENZ

"Si Zoo!" Hinawi ko sila pagkabukas ng pinto at hindi na pinakinggan ang pagtawag nila sakin. Agad kong hinanap ang silid kung nasaan si Zoo. Maswerte dahil wala kaming bantay. Pumasok ako sa kulay asul na pinto gaya ng sabi ni Andrea. Naabutan ko si Zoo sa ibabaw ng kama at si Enrico na pinipilit gawin ang gusto nitong mangyari.

"P*tangina!" Bulalas ng sinuman sa likuran ko.

"G*go ka!" Hinila ko ng ubod lakas si Enrico palayo sa kanya at pinagtulungan naman ito nila Wayne at Jairus. Sumampa ako sa kama at hinawakan si Zoo pero nanlalaban siya at itinulak ako.

"Demonyo ka! Mga hayop kayo!" Nanlalaban parin siya habang mahigpit ko siyang hinawakan. Masakit ang bawat pagtama ng kamay niya sa mukha't katawan ko pero mas nasasaktan ako sa nakikitang kalagayan niya. Hindi ito ang Zooey na nakilala at nakasama ko. "Bitiwan niyo ako! Mga hayop kayo!" Takot at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata niya. Para siyang baliw na nagwawala. Inuntog niya ang ulo niya sa noo ko, d'on ako natauhan at nabitiwan siya. Agad siyang umalis sa kama at tumakbo sa isang sulok.

"Zj," ani Andrea na unang lumapit sa kanya. Nakaupo siya sa sulok at yakap-yakap ang binti. Hindi na siya nagwawala pero bakas ang takot sa bahagyang nanginginig niyang katawan.

Lumapit na rin ako sa kanya at tumabi kay Andrea. "Z-Zoo, ako 'to, si Lo--, si E-Engot." Hindi naman ako umiiyak pero bakit basag ang boses ko sa pandinig ko. Akmang hahawakan ko siya pero nagulat ako nang biglang nangatal ang mga labi niya.

"H-Huwag p-po," aniyang takot na takot at mas isiniksik pa ang sarili sa sulok palayo sakin. Kuyom ang kamao na binalingan ko si Enrico na gigil ng ginugulpi nila Wayne, Jairus, Lark at Xandrick. Si Dexter ay nasa labas nagbabantay pero bakas din ang panggigigil sa anyo habang nakatingin kay Enrico.

"What did you do to her?!" Natagpuan ko nalang ang sarili ko na inundayan na ng suntok ang nakahilata na sa sahig na si Enrico. "Sumagot ka!" Walang tigil kong pinagsusuntok ang puro dugo na niyang mukha at hindi pinansin ang humawak sa balikat ko.

"Bro, tama na!" Pigil ni Lark sakin.

"You bastard! Haven't I warned you that I'm going to kill every piece of you, if you dared touching her?!" Sinakyan ko na si Enrico habang wala ng malay na nakahilata sa sahig. Galit ang nangingibaw sakin. Mas lalong nagpapaigting ng galit na nararamdaman ko ay ang babaeng takot na nakasiksik sa isang sulok. Walang-wala ang sakit ng masaktan ako dahil kay Jerome sa sakit na naidulot ngayon na makita siyang takot na takot at parang wala sa sarili. "You belong to hell, f*ck you!"

"Stop or you might get him killed." Nasa likuran ko na rin si Xandrick at tumutulong kay Lark sa pagpigil sakin. Tumigil ako at nilapitan ulit si Zoo na ngayon ay niyayakap na ni Andrea.

"Zoo--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil takot na takot siyang tumingin sakin at isiniksik ang sarili kay Andrea. I was d*mn hurt with what she did.

"Lorenz," someone tapped me on my shoulder and squeezed it lightly, as a sign of stopping me. But, I didn't turn my head or even moved away. Seeing her devastated wants me more to get on her side. I am dying to touch her and hug her just to ease her fear and pain. Andrea in her side raised her hand to stop me from getting closer.

"Hindi mo naiintindihan, Lorenz." Andrea said in a soft tone trying to make me understand but, the h*ck! I can't. I don't get why she's acting like that towards me. Did I hurt her that much like what Enrico did?

"Enrico? Oh, my God! Ahhhhhhh!" Si Maria na nasa pinto ang nakasigaw dahil sa gulat pagkakita sa hitsura ni Enrico. Si Jairus ang humila sa kanya sabay takip sa bibig. Nanlaki naman ang mata ni Maria dahil siguro sa takot.

Marry me or I'll shoot you!Where stories live. Discover now