7 - Poisonous gang

57.9K 853 25
                                    

LORENZ
 
Nagdadrive na ko papuntang school. Maaga kasi ang klase ko ngayon. Pagkarating sa harper university ay nakita ko agad si Lark na kakapark lang din. Lumapit ako sa kanya.

"Aga mo naman yata?" bungad niya sakin pagkalabas niya ng kotse.

"Maaga klase ko. Ikaw rin ba?"

"Late na nga ako eh. Sa susunod na klase nalang siguro ako papasok," aniya. Tinanguan ko lang siya. Sabay na kaming naglalakad papasok. "Anong nangyari sa mukha mo? Ang laki ng eyebags mo." Mataman niyang tinitigan ang mukha ko. Napasimangot naman ako.

"Hindi ako nakatulog ng maayos."

"Bakit naman?" 

Malayo layo pa ang lalakarin namin bago makapunta sa kanya kanyang building. Malaki ang harper kaya minsan lang kami magkakasabay ng mga kaibigan ko. 

"Ikaw ba naman makatabi ng isang malikot matulog tignan natin kung makatulog ka ng maayos!"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Magkatabi na kayong matulog ni Zooey?" 

"Malay ko ba sa babaeng yon kung bakit tumatabi sakin. May sofa naman sa sala o 'di kaya sa study room ko pero sa kwarto ko parin natutulog."

"Saan mo siya pahihigain sa study room mo? Wala ka namang kama don," aniya at biglang ngumisi. "Kunsabagay, mag-asawa na kayo kaya wala ng masama don kung nasa iisang kwarto kayo."

"Kahit na! Hindi kami normal na mag-asawa at alam niyo naman kung pano kami naging mag-asawa, 'di ba?" 

"Bakit kaya hindi ikaw ang matulog sa sofa o magbanig sa study room mo."

"Ano siya siniswerte?" 

"Gusto mo lang yata siyang  makatabi, eh. Ano nakayakap ka na ba bro?

Napasinghal ako. Mas gugustuhin ko pang yumakap sa poste ng meralco. Isa pang dahilan  kung bakit malaki eyebags ko. Ang sakit ng braso ko kapapalo ng babaeng yon. Tuwing namamalayan niyang nakayakap na ako ay bigla nalang maghahampas.
Malay ko ba kung nakayakap na pala ako sa kanya! "Ang dali naman kasi niyang magising!"

"Bro, sadyang matagal ka lang talagang magising kaya mo nasasabing madali siyang magising. Eh, kahit nga may magrambol sa loob ng kwarto mo ay hindi ka pa rin magigising. Ang hirap mo kayang gisingin." 

"Sadista lang talaga siya. Ilang  beses ba namang pinalo yong braso ko. Maya't maya tuloy akong nagigising."

"Hahahaha. bilib na talaga ako kay pinsan," ngiting ngiting sabi niya.

"Sinong pinsan?" 

"Si Zooey! Asawa mo siya at pinsan naman kita, kaya pinsan ko na rin siya," proud pa niyang sabi.  Lumiko na siya patungo sa building niya at ako naman ay pa diretso ang daan.

Marry me or I'll shoot you!Where stories live. Discover now