"Shall we order? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong sa amin ni Ninong Lance.

"Sure, Boss!" Si Fatima ang masiglang sumagot. 

Sana pala ay nagpaiwan na lang ako sa amin. O kaya ay nakipagkwentuhan na lang ako sa may sinat na si Von. Mas masaya pa iyon kesa sa ganito.

Lumapit ang waiter at sinabi ni Ninong ang order. Pagkasabi niya ay nagexcuse muna siya dahil may tumatawag sa kanya. Tumayo siya at lumabas muna ng coffee shop. Spell awkward? K-A-M-I! Nakakailang ang sitwasyon namin, ni hindi ko maisip kung paano babasagin ang katahimikan.

"Ma'am, anong order ninyo?" Tanong ng waiter kay Fat. Pumili naman si Fatima at inabot na kay Franz iyong menu.

Huling-huli ko ng mahagip ng konti ng daliri ni Franz ang ilang daliri ni Fatima. Parehas silang natigilan. Si Fatima ay pulang-pula ang pisngi. Si Franz ay seryosong nakatitig lang sa kanya.

"Sir?" Sabi ng waiter na nakapag-pahiwalay ng kanilang titigan. Dmn! Nagseselos ako! Talagang umuusbong na ulit ang feelings ko kay Franz.

"Ah.. sorry! Blueberry cheesecake and black coffee." Inilista naman ng waiter ang sinabi niya.

Wala na! Sira na talaga ang mood ko! "Ikaw, Steph?" Baling niya sa akin.

Sa sobrang selos ko ay wala na akong ganang kumain. "Water lang. Mineral water." Sabi ko sa waiter na agad nitong isinulat.

Pero naging maagap si Franz. "Teka lang." Sabi niya sa waiter at nakakunot ang noong tumingin sa akin. "Hindi ka kakain? Kumain ka." Sabi niya naman sa akin.

Desidido akong hindi kumain. Hindi naman sa pampam ako, pero nasira talaga ang appetite ko. Biruin mo, parang silang dalawa lang ang tao sa mundo? Mula ng dumating kami ay hindi na naghiwalay ang tingin nila? Para na nga lang akong tang@ na nakamasid sa kanila eh.

"Ayoko ko. Mamaya na lang." Tamad na sagot ko pero sa mga daliri ko sa lamesa nakatingin.

"No!" Inis na tutol niya sa akin. "Blueberry cheesecake na rin at hot choco sa kanya." Baling niya sa waiter. Isinulat naman iyon ng waiter at umalis na.

Napakapakialamero! Sinabi ng ayaw kong kumain eh. Mas busy ako sa pagseselos ko, kesa intindihin ang pagkalam ng tiyan ko. Sino ba namang gaganahan kung para kang invisible sa harap ng mga kasama mo? Umirap na lang ako sa kanya dahil nasabi na niya sa waiter, may magagawa pa ba ako?

Habang inaantay ang waiter ay natahimik na muli ang lamesa namin. Sana naman dumating na si Ninong ng matapos na ang meeting na ito. Kanina pa kasi may kumukurot sa puso ko.

Mas lalong naningkit ang mata ko ng mapansin kong si Fatima at Franz ay titigan lang ng titigan. Samantalang ako ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Wow lang! Para akong third wheel dito. Lalo na at parang silang dalawa lang ang nasa mundo, dahil sa hindi na mapaghiwalay nilang tinginan. Ano nga bang laban ko kay Fatima? First love siya ni Franz, pero mukhang mahal pa rin, at ngayon lang ulit sila nagkita after nilang magbreak. Siya ang tanging babae na naaligaga ng sobra si Franz.

Lalong parang pinukpok ang puso ko kapag naaalala ko pa ang mga efforts ko noon na pagbatiin sila. Wala lang sa akin iyon noon dahil all eyes ako kay Von. Pero ngayong nabubuhay na ulit ang paghanga o pag-ibig ko kay Franz, parang pinagsisisihan kong ginawa ko iyon noon. Dapat hinayaan ko silang maging magmortal enemies noon. Sana ay hindi na umabot sa halos 6 months din ang relasyon nila.

"Franz, totoo ba ang balita sa news na girlfriend mo na si Steph?" Si Fatima ang bumasag sa katahimikan. Halata ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata nang itanong iyan.

Napalingon sa akin si Franz. Hindi ko mabasa ang expression niya. Gusto niya bang ideny ako at nang magkabalikan na sila ni Fatima na tanging babae na nagpatibok ng labis sa puso niya? Sa akin kaya, kelan titibok ang kanyang puso? Oh baka naman, si Fatima na lang muli ang uukopa sa pwestong iniwan nito dati sa buhay at puso niya? Ang sakit talaga! Now that She's back, will she occupy Franz' heart once again?

Abangan.

____________________________________________

A/N:

Happy Birthday, iloveBONGGA! Please VOTE & COMMENT. Thank you sa comments ng birthday celebrant na si @iloveBONGGA, kina:: @MrsSuzy, @mjvelasc0, @tipitipitin, @efrencerila, at kay @rehyuma. Maraming salamat sa walang sawang supporta! Sa mga madalas magvote na sina: @oisiangela, @RaRaDee, @VanessaHerederoSeral, @rubiamy34, @CzarminaLance, at @bie_bie. Thank you po!

The StarWhere stories live. Discover now