Pinigilan kong wag magpakita ng emosyon. Kunwari na lang wala akong narinig. Kasi baka masaktan ko talaga tong babaeng to pag nagkataon.

Pagkaalis ni Mam Rina ay agad na lumapit sa akin si Rhian at Jordan.

"Okay ka lang?" Agad na tanong ni Rhian. "Anong sabi pala ni Mam Rina dun sa resignation letter mo?"

"Di daw ako pwede mag-resign until may mahanap akong kapalit ko at ma-train ko siya." Balita ko.

"Ganun?" Napailing si Jordan. "Well, at least makakasama ka pa namin."

"Yeah," binigyan ko sila ng isang ngiti bilang pasasalamat, "kain na tayo?"

"Tara."

Bumaba na kami ng canteen. Mukhang gusto nila akong idistract sa sakit na nararamdaman ko kasi kanina pa nila ako pinapatawa tapos kung ano anong kalokohan ang kinukwento nila sa akin.

"Salamat."

Napatingin sa akin si Rhian. "Ha?"

"Salamat, sabi ko."

"O, bakit ka nagpapasalamat?" Tanong naman ni Jordan.

"Kasi pinapatawa niyo ako."

Binigyan ako ni Jordan ng isang matamis na ngiti. "Sus, wag kang feeling Gene. Good mood lang talaga kami ni Rhian."

Tinapik pa ni Jordan si Rhian para sakyan siya sa trip niya. "Oo nga, Gene. Wag kang feelingera! Di kami nagpapaka-clown para sayo no!"

Natawa lang ako sa kanilang dalawa. Halata masyado eh.

"Well, kung di niyo man intention o ano, salamat pa rin."

"Labas kaya tayo mamaya?" Biglang suhestiyon ni Jordan. "Kain tayo sa labas?"

Sinamaan siya ng tingin ni Rhian. "Di pwedeng sa Friday na lang? Wala pang sweldo, naghihingalo na yung wallet ko!"

Natawa kami ni Jordan. "Palagi namang naghihingalo wallet mo eh!"

Ilang araw ang lumipas at may nahanap din kaming ipapalit sa akin. Pero sa susunod na Lunes pa siya magsisimula dahil sa ilang requirements niya kaya medyo matatagalan pa ako sa pagpapasensya sa higad kong boss.

Pakiramdam ko nageenjoy si Mam Rina na tawagan si Raegan pag nasa tapat siya ng desk ko o kapag malapit ako kasi parang yun na lang ang palagi niyang ginagawa. Minsan nagagawa ko siyang dedmahin pero noong isang araw nang marealize niyang hindi ako naaapektuhan ng ginagawa niya ay nagbago siya ng taktika. Ang gawa niya ngayon ay may gagalawin siya sa desk ko habang kausap sa cellphone si Raegan para makuha niya ang atensyon ko at masigurado niyang nakikinig ako sa kalandian niya.

Minsan gusto ko siyang buhusan ng kape o kaya ng nagyeyelong tubig para naman mahimasmasan siya. Minsan gusto ko din siyang patirin habang naglalakad para naman mabalian siya dahil ang taas taas ng heels niya. Akala mo araw araw rarampa sa fashion show eh.

Minsan kapag malapit na ang uwian at nakasarado ang opisina niya gusto kong harangan yung pintuan niya para makulong siya sa loob tapos magsisimula ako ng sunog. Yung tipong walang makakatulong sa kanya kasi nakauwi na kaming lahat. Para masunog na siya ngayon pa lang.

Aaminin ko minsan din nagi-guilty ako sa mga naiisip kong gawin sa kanya, pero wala pa naman akong ginagawa sa mga naiisip ko kaya pakiramdam ko okay lang. Besides, napapakalma ko ang sarili ko sa mga naiisip kong karahasan kay Mam Rina. Yun lang naman ang kayang kong gawin eh, ang pag-isipan siya ng masama. Kasi hindi ko kayang manakit ng iba. Kahit pa gaano siya ka-hayop.

Pero hindi sa lahat ng oras ay galit lang kay Mam Rina ang nararamdaman ko. Madalas pag nawawalan ako ng ginagawa ay nalulungkot ako at naaalala ko yung sakit ng pagtataksil nila sa akin.

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon