"Hi, good morning!" Masayang bati niya sa akin ng makalapit na kami sa isa't isa.

"Hello." Tugon ko naman at nginitian siya.

Nakilala ko siya a month ago yata, not sure anymore. Well, yun nga, lumipat siya dito para mag-aral sa Montalban - Gray University. Nakasuot siya ng street jeans at pink tank top at may nakasukbit na maliit na backpack sa balikat.

"Going out?" Tanong ko sa kanya.

"Sort of." Nakangiting tugon niya. "For your girlfriend?" Tukoy niya sa hawak kong bulaklak.

"Yes." Mabilis na sagot ko.

"I think, I've seen her yesterday." Sabi niya.

"Really?"

"Nakasabayan ko siya sa elevator. And if I'm not mistaken, Samantha yata ang name niya." She said.

Napatango-tango ako. "Yes. That's her."

"Gorgeous." Tukoy niya kay Sam.

Natawa ako ng bahagya. "She is."

"Well, have a great day then. Mauna na ako." Paalam niya.

Tumango ako sa kanya at kumaway pa bago siya tuluyang pumasok sa elevator. Nakita ko yung full name niya sa name tag na nakalagay sa bag niya.

Snow Cythedyl A. Cervantez.

Cute name. I mentally uttered. I think I've heard that Cervantez surname, but I don't remember kung saan at kailan.

She's friendly though and seem nice. She's pretty as hell, too. Naglakad na ako papunta sa unit ko. Pagpasok ko sa loob ng condo at pagkababa ko ng mga dala ko dun sa ibabaw ng center island, nagsimula na akong magluto ng breakfast. Pero mukhang brunch na ang kalalabasan nito dahil mag-aalas diyes na ng umaga.

Pagkatapos ko magluto ng bacon, sunny side up egg at tsaka longganisa, nagtimpla na din ako ng kape ni Sam at juice for me, kagat-kagat sa bibig yung isang long stem red rose, ay nagtungo na ako sa taas sa kuwarto ko.

Tamang-tama naman pagbukas ko ng pinto, nag-iinat si Sam. Mukhang kagigising niya ulit.

"Good morning, my sweet Samantha." Bati ko sa kanya kahit pa may kagat kagat akong bulaklak at may hawak na tray'ng puno ng pagkain. Pasipa ko na ngang isinara yung pintuan.

"Still morning yet?" She asked with a sleepy eyes.

Ibinaba ko yung hawak kong tray sa may bedside table, at iniabot ko sa kanya yung bulaklak.

"Oh, you're so sweet." Sabi niya ng makaupo siya pasandal sa headboard. "Thank you."

Inilapit ko yung mukha ko sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. "De nada, mi amore." I said in Spanish.

"I love this." She said in a dreamy voice.

Sumampa ako sa kama saka kinuha ko muli yung tray at inilagay sa harapan naming dalawa. "What?" I asked smiling.

"All of these." Mosyon niya sa pagkaing nasa harapan namin, yung pagkakatabi namin sa kama. "With you... finally having a breakfast in bed." Saka niya nakagat yung lower lip niya at malamlam ang mga matang tumingin siya sa akin.

Masuyo ko siyang hinaplos sa pisngi. "Sabi ko naman kasi sayo, pakasalan mo na ako." May himig panunuksong sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ako sa mga mata. "Ashley..."

"I know, love." I said smiling and kissed the tip of her nose. "Kumain na tayo."

"Subuan mo ako." Malambing na sabi niya.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyWhere stories live. Discover now