CHAPTER 29

9.1K 323 130
                                    

BLUE’S POV


It’s Friday today and we’re going to school. Days had pass at walang ibang nangyari kundi masasayang bagay. Every time na pupunta si Red para sa session ay kita namin ang progresong nagiging dulot nito. Masaya dahil mas masigla na sya kumpara sa mga nakaraang araw.



“Sigurado kang ayaw mo na gamitin yung wheelchair? Baka mahirapan ka lang.”


I insist. Kanina pa kaming nagtatalo kasi pinipilit nyang magsasaklay na lang daw sya, pero para sakin mas maganda kung ipapahinga na lang nya yung paa nya.


She pinched my nose, “You’re so stubborn Blue. Kaya ko ok?”


I glared at her. “Ang kulit mo.”


She rolled her eyes, “Paranoid mo kasi.”



Hindi na ako umimik at inabot na lang ng tuluyan yung saklay nya. Napangisi sya, I just rolled my eyes.


“Where’s Ate Kelsey by the way?” She asked habang tumatayo.


“May kailangan daw syang ayusin sa school nya sa Manila.”


She nodded. Inalalayan ko sya sa pagtayo.


“I can handle Blue, tara na.”


Nauna ako sa paglalakad sa labas at noong nasa tapat na ako ng kotse ko ay binuksan ko ang passenger seat saka bumaling sa kanya. Kakalabas lang nya ng pinto. Bahagya akong napangiti nang makitang ngiting ngiti sya habang lumalakad mag isa gamit ang saklay nya.


She looked like a child na babagong natutong maglakad.


“Anong ngini-ngiti mo?” She asked when she reached me.


I pinched her cheeks, “What did you do to me huh? Bakit tumitigil ang oras ko kapag nakikita kita?”


She smirked then rolled her eyes. “Silly Blue.”


I laughed a little at inalalayan sya sa pagpasok sa sasakyan. Pumaikot ako at sumakay na din.


“You ready?”


She nodded, “Excited I guess.”


I chuckled. “That’s mah girl.”



I started the engine and began to drive. We’re going to the school because she finally got the courage to go after her debut. Funny because the day after wala na syang matandaan nang malasing sya.


We just listen to the radio for the whole time for over 20 minutes bago kami nakadating sa school.


“Here we go.”


I saw her sighed before looking at me.


“Blue, padala nung regalo ko.” Aniya at tinuro sa likod yung balot ng regalo nya.


“Sige.” Pagkakuha ko ng kanya ay kinuha ko na din ang akin.


Si Linton ang nabunot ko, At libro ni Nicholas Sparks ang binili ko since mahilig pala syang magbasa. While Red, she didn’t bother to tell me kung sinong nabunot nya.



Lumabas na ako ng driver’s seat at muling umikot sa passenger para alalayan ang prinsesa ko.


Pagkalabas pa lang namin ay pinagtinginan na kami ng mga estudyante. Medyo kinabahan ako but when I looked at her, I just saw her smiling to them and it amazed me that some of them are waving their hands to her.


She's RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon