CHAPTER 24

11.6K 466 123
                                    

BLUE’S POV


Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga nang masiguradong tulog na si Red. It’s sad to think how tragic her life. Sumandal ako sa upuan at pinakatitigan lang sya.


Akala ko hindi kami makakaligtas dahil hindi sapat ang lakas ko. Salamat at dininig pa din ng Panginoon ang dalangin ko.



Malungkot na ngumiti ako kay Red. I don’t know how she’ll cope up after this. Namarkahan ng takot ang buong sistema nya.


The door opened. Pinalingan ko iyon at nakita ko si Yn. May dala syang isang paper bag at pumasok sa loob.


“Pumunta ako sa room mo, sabi ni Ate Kelsey nandito ka daw.” Sabi nito at dumaretso sa upuang katapat ko.


“Oo, kailangan ko syang bantayan.” Sabay paling kay Red.


Hinawakan ni Yn ang sintido nya at hinilot-hilot iyon. Suminghap sya.


“Ayos ka na ba?” Tanong nito.


Tinignan ko si Yn. She looks pale, namamaga ang mapupula nitong mga mata at sa baba nito ay ang malulusog na nyang eyebags. She’s not wearing fancy dress either, it was just a plain blue pants and white shirt. She looks tired at the same time ay frustrated.



Tumango ako, “Thank you Yn… If you weren’t there----”


She cut me. “Red called me, halos magdiliryo ako sa kaba nang tawagan nya ako at parang hirap na hirap syang magsalita. Ang sakit sa pakiramdam, parehong muntik na kayong mawala!” She burst out crying.



“Y-Yn…sorry..” I said, feeling ashamed of being me.


“Look at yourself, look at her. Pinigilan ko sya eh, pero takot na takot syang madamay tayo….Sabihin mo sa akin Blue, bakit nagkaganito!? W-wala ‘to sa plano….”


I hugged Yn.



“Shhhh..everything’s fine now Yn. Sorry dahil umabot sa ganito..” Pag aalo ko sa kanya.


Umiling sya, “It’s my fault eh. If I didn't let her to go, I was with her----”


“I was with her either.”


I cut her na ikinatigil nya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan si Red.


“See her?” Sabay turo kay Red. “She’s tough, we have to believe in her.”


Lalong bumuhos ang luha ni Yn. Tumatango syang humarap sa akin.



Tumawa ako, tumawa din sya.


“Ang pangit mo!” Sabay hampas sa dibdib ko.

“Aray! My ribs are still broken Yn!!” Daing ko.


“Oh my God, I’m sorry.” Nag aalala nyang sagot at gayak nang lalapit sa akin nang pigilan ko sya.


“Wag na, lalo mo lang papasakitin.” Pagbibiro ko.



She rolled her eyes. “Damuho mo!”


“HAHAHAHA!!”


“C-could you guys give me a p-pain killer?” Pareho kaming natigilan ni Yn sa hindi inaasahang pagsasalita ni Red.


Ang masasayang ekspresyon namin ay napalitan ng pag-aalala.


Tumango si Yn at binuksan ang drawer na nasa tabi ng kama ni Red at doon ay may inilabas sya na tableta. Nanatili akong tigil sa kinatatayuan ko nang tawagin ako ni Yn upang humingi ng tulong sa pagpapaupo kay Red.


She's RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon