Chapter 45: Hurt

4.6K 95 13
                                    

CHAPTER 45

Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko. I can't believe him! Paano niya ako nagawang paglaruan ng pa-ulit ulit? Kung gusto niya talaga ako, then why won't he do something to make me love him again, but in a different way. Bakit kailangang lokohin niya pa ako? And what's worse was, he forced me to marry him as part of our stupid deal.

I know, I can't just put the blame on him. May kasalanan din ako dahil ang tanga ko. Bakit ba hindi ko hinanap sa kanya ang patunay na kailangan niyang magpakasal? At paanong hindi ko nalaman na peke lang ang mismong kasal? I feel manipulated. I don't know anymore! Naguguluhan ako!

Kasalukuyan akong nagdadrive ngayon, kung saan ako pupunta ay hindi ko alam. Nalilito na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Paano ba ako napasok sa ganito? Dati okay naman ako eh, masaya at kuntento ako sa kung ano ang meron ako. Masaya ako sa pagiging supermodel, pero ngayon, unti-unting nawawala ang lahat. Gumugulo ang buhay ko.

Itinigil ko sa isang tabi ang kotse ko, I'm not even sure where exactly I am. Ilang streetlights at puno lang ang nakikita ko sa paligid, medyo madilim rin. Nananatili lang ako sa loob ng kotse, I feel really tired. Nakakapagod ang pag-iyak ng walang tigil. Inaantok na ako pero hindi naman ako pwedeng matulog dito.

Hindi ko alam kung saan ba ako dapat pumunta. Ayokong umuwi sa bahay ni Mommy dahil ayokong mag-alala siya. Ayoko rin naman maka-istorbo sa mga kaibigan ko at ayoko pang malaman nila ang tungkol sa nangyari. Balak ko sana magcheck-in sa hotel, pero it's not a good choice right now. Iniiwasan ko ang mga pampublikong lugar ngayon lalo na't hindi pa tuluyang nawawala ang issue tungkol sa akin. Muli kong pinaandar ang sasakyan ng naisip ko kung saan ako maaaring tumuloy ngayong gabi, sana lang ay hindi ako maging istorbo.

Ilang minuto rin siguro ang tinagal ng biyahe ko bago makarating sa harap ng isang malaking bahay. I just really hope she's here, gusto ko rin kasi sana siyang makausap. Imbis na bumaba para magdoorbell ay nanatili ako sa sasakyan. Kinuha ko ang cellphone para agad siyang tawagan. Ilang ring lang ay sinagot niya agad. I try to calm myself down, ayokong marinig niya sa boses ko na hindi ako okay-- kahit alam kong malalaman din niya mamaya dahil wala naman akong balak itago ang tungkol doon.

"Hello?" Bungad nito.

"Janelle..." Huminga ako ng malalim. "I'm outside your house, nasa loob ka ba?"

"Oo, may kailangan ka ba? Wait, I'll see you outside." She hangs up. Medyo natagalan din bago siya makalabas, hindi na rin ako nagtaka dahil masyadong malaki ang bahay na 'to at siguradong ilang minuto ang aabutin sa paglalakad hanggang sa may gate, depende pa kung saan ka nanggaling.

Nang matanaw ko siya ay lumabas rin ako agad ng sasakyan para salubungin. Medyo madilim sa labas kahit na may mga ilaw na nanggagaling sa bahay or should I say mansion ni Janelle. Mataas ang gate nito pero tanaw mo pa rin kahit paano ang loob dahil sa design ng steel gate at fence. Kita rin mula sa labas ang mga puno sa loob nito.

Pagkalabas niya ay agad ako nitong nginitian, habang ako ay pinilit na suklian ang mga ngiting 'yon. "What are you doing here? Let's go inside." Akmang pabalik na siya sa loob ay nagsalita ako.

"Saglit lang, kukunin ko lang ang gamit ko." She faces me again, looking confused. Nanatili siyang nakatayo doon habang hinihintay ako. Binuksan ko ang compartment ng kotse kung saan nakalagay ang aking mga bagahe. Lumingon ako kay Janelle, bakas sa mukha nito ang gulat at pagkagulo.

"Can I stay, kahit ngayong gabi lang?" Tanong ko. Napaawang ang bibig nito na tila ba hindi alam kung ano ang dapat sabihin. "I'll explain later." Tumango siya.

"Tatawagin ko lang ang maid para tulungan tayo." Sandali siyang pumasok sa loob at pagbalik ay may kasunod na siyang dalawang katulong. Ang isa ay sa tingin eh nasa kanyang 30's na, habang ang isa ay medyo bata pa, siguro ay early 20's-- dahil mukhang mas matanda pa ako. Tinulungan naman nila ako na bitbitin ang mga gamit ko papasok ng napakalaking bahay.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon