Chapter 17: Mess

5.9K 137 3
                                    

CHAPTER 17

Hindi ako mapakali habang nasa harap ng full body mirror ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako mapakali habang nasa harap ng full body mirror ko. Ngayong araw kasi ay nagset ako ng dinner with my family. Well, not whole family. Just mom, my sister, her boyfriend and of course, David.

Alam na rin naman ni Janelle ang totoo na hindi naman ako talagang buntis. This is the right time to tell it to my mom as well. I also think this is my chance to at least explain my side to them.

Ang akala ko nga ay sasabihin na 'to ni Janelle kay mommy, pero tumawag ako kay mom pagkatapos noong nangyari sa labas ng club, wala pa rin siyang alam tungkol dito.

Lumabas ako nang kwarto, naabutan ko si David na relax lang na naghihintay sa akin.

"Mukhang ako lang yata ang kinakabahan dito, 'no?" Banat ko sa kanya. Ang gago ay nginitian lang ako. "Wag mo ko mangitian nang ganyan. You put me in this situation. It's all your fault to begin with."

Pagkauwi ko noong gabing iyon ay naabutan ko si David na naghihintay sa akin. Sa kamalas malasan ko ay nakita niya na naman akong umiiyak. Of course, I told him what happened, and I blamed him. This was his idea, siya naman talaga dapat ang sisihin, pero ano ang ginawa ko? Hindi ko manlang nasabi kay Janelle ang totoo. Mas pinili kong ako na lang ang masisi.

"Okay, okay!" Itinaas niya sa ere ang kamay na para bang sumusuko. "Let's go?" Sinamaan ko na lang siya ng tingin tapos ay sumunod na lang sa kanya nang magsimula siyang maglakad palabas ng bahay.

Hindi pa rin ako mapakali hanggang sa loob ng kotse habang papunta sa bahay ni mom kung saan gaganapin ang sinet kong dinner. Hindi ko talaga alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay mom. Sobrang nahihiya at nagiguilty ako sa pagsisinungaling ko.

"Stop it, Jessica." Napalingon ako kay David nang magsalita ito. Nakaharap siya sa daan habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

"What?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Ang likot mo. I can't concentrate on driving." He glances at me for a second. Kumulo na naman ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Binigyan ko siya ng matalim na titig.

"Wow. Ang dali kasi para sa'yo eh. Ako lang ba talaga nakukunsensya dito? Sabagay pamilya ko kasi ang niloko natin, hindi ang pamilya mo!" Buti na lang talaga dahil pamilya ko lang ang sinabihan namin. Ang sabi ko kasi kay mom at sa kapatid ko ay 'wag muna nilang ipagsabi sa iba kasi first trimester pa lang pero ang totoo, sinabi ko iyon sa kanila dahil ayoko nang makaloko pa ng ibang tao.

"You know what, I have a better solution for this." Kalmadong saad ni David sa akin. Pakiramdam ko ay medyo nabawasan ang sama ng tingin ko sa kanya.

"Anong solusyon naman ang naiisip mo?"

"Let's make it real then." Sagot niya sabay ngisi. Nang marealize ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay pinaghahampas ko siya kahit pa nagmamaneho siya ng kotse. "Ouch! Stop it, I'm driving!" Reklamo niya pero hindi ko siya tinigilan.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon