Chapter 20: Kelley

6.2K 107 12
                                    


CHAPTER 20

Kahit na ayokong isipin ang sinabi sa akin ng mga kaibigan ko noong birthday ko ay paulit ulit pa rin itong sa tumatakbo sa utak ko kahit ilang linggo na ang nakaraan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit na ayokong isipin ang sinabi sa akin ng mga kaibigan ko noong birthday ko ay paulit ulit pa rin itong sa tumatakbo sa utak ko kahit ilang linggo na ang nakaraan.

He's genuine and sincere... He likes you.

He likes me? Ano, like to annoy? Or 'like' na pahirapan. Alin doon? 'Cause if it's 'like' in a romantic way, asa pa. Pero katulad nga ng inisip ko noong nakaraan, kung talagang gusto niya ako. Pahihirapan ko siya, pagmumukhain ko rin siyang tanga. I'll break his heart into pieces.


May usapan kami ngayon ng mga bestfriend ko kaya naman nag-ayos na agad ako para makipagkita sa kanila sa paborito naming coffee shop. Ilang araw ko rin hindi pinansin ang dalawang iyon dahil nakipagsabwatan sila kay David, pero tulad ng inaasahan ko ang ginagamit nilang dahilan ay gusto lang daw nila na maging masaya ako kahit paano sa birthday ko.

Nitong mga nakaraang araw din pala ay tinawagan ako ng management ko para sabihing gusto na raw ulit akong kunin na model ng dati kong ini-endorse na cosmetic brand. Siguro natauhan na sila simula ng kumalat ang video sa internet ng pang-aaway sa akin ni Fiona sa isang boutique.

Sabi rin sa akin ng manager ko eh may iba pa raw company na gusto akong kunin na model or endorser. Gusto ko naman kunin ang lahat pero syempre kailangan ko rin mag-ingat, pangalan ko ang nakataya sa lahat ng produktong ine-endorse ko, ayokong masira ulit.

Kahit na nababawasan ang problema ko sa career ko ay iniisip ko pa rin ang problema ko sa kapatid ko. Hanggang ngayon ay hindi siya nagpaparamdam sa akin. I even tried to text her and e-mailed her but she didn't reply. I know she's still mad. Maybe only time can really heal.


Pagbaba ko ay naabutan ko si David na nakabihis din at palabas ng bahay. Natigilan pa siya nang makita ako.

"You're going out too? Gusto mo sumabay na lang sa'kin?" Tanong niya.

"No. I have a car and I can drive." Walang gana kong sagot sa kanya habang patuloy sa paglalakad hanggang sa nalampasan ko na siya.

"Mahal ang petrol ngayon, uso magtipid." Dahil sa naging sagot niya sa akin ay agad ko siyang binigyan ng masamang titig.

"As if I care. May pera ako. May pang gas ako." I roll my eyes. "Mind your own business." Huling sabi ko bago pumasok sa kotse ko. I put the key in the ignition to turn it on. Mayamaya ay nakarinig ako ng katok sa bintana.

"Hay ang kulit." I mutter. Kahit na ayoko eh ibinaba ko ang bintana ng kotse. "Ano?" Inis na tanong ko sa kanya.

Nginisian niya ako bago sinabing, "Ako na lang sasabay sa'yo, pwede?" I roll my eyes then quickly shut the window. Ini-lock ko na rin ang pinto just in case bigla na lang niyang buksan at makisabay sa akin. Hindi niya pa rin ako tinigilan at pinagpatuloy pa rin sa pagkatok. Sa sobrang inis ko ay pinaandar ko na agad ang kotse ko tapos ay tinangka ko pa siyang sagasaan pero syempre hindi ko naman gagawin iyon. Tinakot ko lang siya kaya naman umalis din siya sa harapan ng kotse ko.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon