Chapter 30: What goes around comes around

4.9K 97 7
                                    


CHAPTER 30

CHAPTER 30

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"I don't know... I'm not sure. But I think my feelings for him are coming back and I don't know what to do."

She stops drinking the glass of red wine. Shock is written all over her face. Dahan-dahan niyang ipinatong sa mesa ang kaninang hawak na baso.

"What did you just say? Mali yata ako ng rinig." Imbis na ulitin muli ang sinabi ko ay nanatili lamang akong tahimik. Ilang segundo niya rin akong tinitigan bago magsalita muli.

"Ang feelings na bumabalik, hindi naman talaga nawala." Nagtatakang tinitigan ko lang siya dahil sa sinabi niya. "Baka hindi naman kasi talaga nawala ang nararamdaman mo para sa kanya." Ramdam ko ang pagkaseryoso sa boses niya nang sabihin niya iyon. Apparently, I am loss for words. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko. She could be right. After all these years, maybe my feelings for him were not really gone. Maybe I am just in denial because I am hurt... because I know he loves someone else and not me.

"Let me ask you one thing. What's stopping you from loving him?"

Agad akong napa-isip He has no idea how hurt I was back then. I even wonder if there was even a time he experienced the same pain I felt before. But I doubt it. He loved Janelle, and I know it's always been her. I know I am just a rebound. Kung hindi 'man, alam kong laro lang 'to sa kanya.

"It's always been you, Janelle." Sagot ko sa kanya. "Ikaw lang naman ang babaeng minahal niya. Alam ko na ikaw at ikaw pa rin ang gusto niya hanggang ngayon. I'm just a rebound because he knows he can't have you back. Kahit kailan hindi niya ako minahal. For him I'm just a toy that he can play with. He was never been serious about me. Never." Hindi ko mapigilan na hindi maging emosyonal habang binibitawan ang mga salitang 'yon. Masakit pero iyon ang totoo. "Minahal ko siya ng totoo. Alam ko matagal na 'yun at masyado pa nga siguro akong bata ng mga panahong 'yon, pero alam ko sa sarili ko na totoo ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. But what did I get in return? Pain." Huminga ako ng malalim. "Siguro nga in denial ako ngayon tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero nasaktan kasi ako. Ayokong paasahin ang sarili ko na kaya niya akong mahalin." Hindi ko na napigilan pa ang patuloy na pagpatak ng mga luha ko.

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko na nakapatong sa mesa.

"I-im sorry. I didn't mean to--"

"It's not your fault, don't be sorry for it." I cut her off. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"I'm sorry i was being reckless. Hindi ko agad naisip ang pwede mong maramdaman." I could see sincerity in her eyes. Wala iyong bahid ng pagpapanggap. She takes a deep sigh. "But, Jessica... Paano kung mahal ka na pala talaga niya?"

I smile bitterly. "I doubt it."

"Isn't it ironic? Yung taong nagpapasaya sa'tin, sila rin ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan." She smiles. "Kakambal ng pagmamahal ang sakit." Dagdag niya. "Kapag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Love comes with pain whether you like it or not." Tama naman siya doon. "Kahit sino ang mahalin mo, darating pa rin sa point na masasaktan ka dahil kasama 'yon sa mga pagsubok na pagdadaan niyo. Pero dapat matuto ka na ipaglaban ang nararamdaman mo. Matuto kang ipaglaban siya." Again, I am speechless.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon