Chapter 21: Unsure Feelings

5.7K 127 9
                                    


CHAPTER 21

CHAPTER 21

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JESSICA

Ang bilis ng araw, hindi ko na rin masyadong namamalayan dahil medyo busy na rin ako ulit sa mga shoots at endorsements ko. Buti na lang talaga may mga tao pa rin na naniniwala sa akin. Ako na ulit ang model ng isa sa mga sikat na international cosmetic brand, kaya ayun every month nagpapadala sila ng make-ups sa akin. Hindi ko na nga alam kung saan ko ilalagay kaya minsan ipinapamigay ko na sa mga kakilala ko o kaibigan ko. Sabi nga nila share your blessings!

Ilang araw na lang din ay pasko na, sa tingin ko alam ko na kung saan ko magagamit ang iba pang natitirang products. Bago naman ang mga iyon at hindi ko pa nabubuksan kaya hindi naman siguro masama kung iyon ang ipangregalo ko hindi ba?

Tumawag sa akin si mommy noong nakaraang linggo. Sabi niya magcecelebrate daw kami ng mas maaga kasi wala siya sa pilipinas sa pasko. Sa pagkakaalam ko ay magbabakasyon siya sa Japan. Sa totoo lang, maganda talaga magbakasyon sa doon lalo na kapag winter. Isa na siguro ang Japan sa mga pinakapaborito kong bansa sa mundo.

Ngayong gabi ay pupunta kami sa bahay niya para magcelebrate ng pasko. Ang sabi niya ay ininvite din daw niya si Janelle. Kung hindi ako nagkakamali ay kababalik lang ng kapatid ko sa bansa two weeks ago pagkatapos niya magbakasyon sa U.S at Europe. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap o kahit message man lang. Alam ko galit pa rin siya. Hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad niya. Siguro nga kusa na lang mawawala ang galit niya sa akin, kaya hihintayin ko na lang siguro iyon.

Bago pumunta sa bahay ni mom ay dumaan muna ako sa mall para bumili ng regalo para kay mom at para na rin kay Janelle, although alam ko naman na baka hindi niya tanggapin, knowing her, medyo ma-ego ang isang 'yon.

"Why don't you get your mom a necklace or earrings or maybe dress?" Natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano ang pwedeng iregalo kay mommy dahil sa kadaldalan nitong kasama ko. Kasalukuyan kaming nag-iikot ngayon sa loob ng mall.

Inirapan ko siya. "Shut up. Hindi ako makapag-isip." Pagsusungit ko.

"I'm just trying to help. Kaya nga nagsusuggest." Oh well, may point naman siya pero pake ko ba?

"I don't need your suggestions, David. Umalis ka na lang, mauna ka na sa bahay ni mommy, abala ka sa'kin." Tumigil ako sa paglalakad, at ganun din naman ang ginawa niya.

Ewan ba sa taong 'to kung bakit sumama pa sa akin. Gustong gusto lang talaga niya siguro na bwisitin ako. Sa araw-araw na ginawa ni God, hindi pa ba siya nagsasawa na ipakita sa akin ang mukha ng lintik na David na 'to? Torture eh!

"Ayoko nga, baka mamiss mo 'ko." He says leaning closer to me. Tinulak ko ang mukha niyang lumalapit sa mukha ko.

"Tigilan mo 'ko. Asa ka pa!" Habang ako ay naiinis sa kanya siya naman ay tinatawanan lang ako. Gustong gusto talaga ng impaktong 'to ang inisin ako, ano?

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon