"Pa?!" Nagmamakaawa ang tingin ng pinukol ko sa Papa ko.

Ang akala ko, matatapos na kay Papa ang mga tanong. "Mukha namang nadedevelop na sila sa isa't-isa eh. Mas maganda iyan." Dagdag ni Papa Red. Kung si Papa ko ang nagsabi noon. malamang pinag-walkout-an ko na. Nakakainis kasi na parang nilalagay nila kami sa hotseat.

"Pa, stop it." Awat ni Franz sa kanyang Ama. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Ako naman ay natitigilan na sa kanina pang topic ng usapan.

"Mas romantic kasi kung talagang madedevelop na kayo sa isa't-isa." Sali na rin ng kapatid ko sa usapan. Binigyan ko siya ng masamang tingin, pero ang loko, wala ng ginawa kung hindi ang ngumisi sa amin. Baliw na ata ang kapatid ko. At alam kong simula't-sapul ay bet niya si Franz para sa akin.

"Narerevive na ba ang feelings, Steph? Ikaw, Franz, tumutubo na ba ang kakaibang feelings for Steph sa iyo?" Tanong pa ni Mama Fanny.

This is it! Ayaw ko na silang paasahin sa amin ni Franz. Kailangan na nilang malaman ang real score sa aming dalawa. Dapat matigil na itong pagma-match nila sa aming dalawa. Dahil kung ako lang, pwede naman akong madevelop ulit. Pero si Franz, alam nating lahat na... imposible!

Teka ano bang kalokohan ang iniisip ko na pwede naman akong madevelop ulit sa charms ni Franz? Saan ko naman nakuha ang isiping madedevelop ulit ako sa kanya? Hindi pwede iyon eh. Hindi pwedeng mahulog ulit ako kay Franz. Lalo na ata alam kong magiging one-sided love kung sakaling hindi ako iiwas na ma-fall muli sa kanya.


Kaya nagdesisyon na ako. Sasabihin ko na ang totoong plano namin ni Franz. Ang tungkol sa one year na pipilitin naming magsama, pero after noon ay maghihiwalay na rin kami. Na ginagawa lang naming mag-tiis sa forced marriage na ito, para hindi maalarma ang aming mga kamag-anak at para lang mapagbigyan sila sa parusa nila sa aming dalawa.

"Pa, Ma, ang totoo po..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi pinutol ako ni Franz. "We're still on the process. Huwag ninyo kaming madaliin." Nakangiting sabi niya sa magulang namin.


Kung nanglaki ang mata ko sa sinabi niya, lumakas naman ang kabog ng dibdib ko ng hawakan niya at pisilin ng mahigpit ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya at muling pinisil ng isa ang kamay ko.

"Ohmygad! Namumula ang anak ko! I can't believe that your dreams are coming true!" Sabay halakhak ni Mama ko.


"Ma!" Saway ko sa kanya. Nakakahiya sa magulang ni Franz, lalo na sa kanya. Diosmio!


"Iha, huwag ka ng mahiya sa amin. Ok lang sa amin ng Papa ni Franz iyon. Ang mahalaga maging masaya kayo." Nakangiting sabi ni Mama niya.


Ano ba itong napasukan ko? Nakakabaliw ang mga taong kaharap namin! Napailing na lang ako habang si Franz ay ngiting-ngiti!


Pero may nahahalata ako, ang hirap atang kumain. Anak ng putek na Franz ito! Ayaw pang bitawan ang kamay ko kahit anong hila ko! This guy is going crazy! Nahawa na ata siya sa mga kaharap namin.

Kaya no choice akong kumain using my one hand. Anyways, parehas lang naman kami. Isang kamay din ang gamit niya. Mas mahirap pa nga iyong kanya kasi kaliwa.


Kwentuhan na ng kwentuhan ang mga parents namin habang kami ni Franz ay tahimik na kumain na lamang. Naalarma lamang ako ng mahulog ang tinidor ni Dale sa ilalim ng mesa. Hindi ata napansin ni Franz kaya hindi niya ako nabitawan.


"Mukhang may development na talaga. I love it!" Sabi ng walanghiy@ kong kapatid! Grabe! Kumindat pa sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Si Franz naman ay napatingin sa akin. Halatang walang alam sa nangyari. Inginuso ko iyong kamay namin pero ngumisi lang at kumain. Ayaw talagang bitawan ang kamay ko! Wahh!

The StarKde žijí příběhy. Začni objevovat