Chapter 36:_the hearbreaking convo"(

538 12 0
                                    

Chapter 36:

                   _the hearbreaking convo"(

 

Roscel POV

Matapos naming makasalamuha ang dalawang kontrabida na yun. Bigla na namang naguunahan ang mga luha sa mata ko. Ano yun J.L? ano yun?

Pinunasan ko ang luha ko.

"Bar tayo" yaya ko kay Liscel.

"Sure ka ba diyan?. Pero sige. Gusto ko yan" at agad naman kaming pumunta doon sa Bar. Pero bago kami sumabak sa inuman. Tinanggal na muna namin ang disguise na nilagay namin sa mukha namin. Siguro naman ito na yung time para magpakita. Wala na akong pakialam sa mangyayare ang importante saakin ngayon ay ang magpakalasing. Gusto ko makalimutan ang sakit ng nararamdaman ko. Tumingin ako kay Liscel.

"Ready Friend?" tanong ko

"Ready"

Pagkalabas palang namin. Meron na kaagad yumaya saaming sumayaw. Pero agad namin itong tinanggihan. Para saan pa? hindi naman kami pumunta dito para sumayaw diba. Pumunta kami dito para makalimot.

"Vodka" sabi ko ng makarating kami sa Bar tender.

"Ako din" singit ni Liscel.

Nang maibigay na saamin ang inumin namin. Nag order ulit kami. Hanggang sa nararamdaman ko na ang alak sa ulo ko. Ramdam kong maraming ng lumalapit saamin para sumayaw, pero tinatanggihan ko lang yun. Ayoko ng may kausap ngayon at nararamdaman ko din naman na ganun din si Liscel.

"Liscel. Tara na!" yaya ko sakaniya. Nakikita ko kasi na umiiyak na siya.

"Roscel bakit?"

Tinayo ko na siya doon para alalayan. Pero laking gulat ko ng may biglang humawak sakanya.

Its Jolo... nakasunod lang ako saknila at habang nasa likod nila ako.

"Roscel bakit ganun? Wala naman tayong ginawa kundi mahalin sila ah! Kahit nasa France tayo hindi tayo tumigil sa pgmamahal sakanila. Nakuha pa nating mag hire ng magmamanman sakanila para lang malaman na safe sila. Nakuha pa nating ipikit ang mga mata natin sa tuwing may nakikita tayong post sa FB nila at lahat ng yun dinadaan lang natin sa iyak at pagiinom. Pero bakit ganun Bff. Bakit hindi nila tayo nahintay. Bakit ganun sila. Masyado na ba talagang huli ang lahat para satin. Nasasaktan na tayo Bff. Nasasaktan na ako. Bumalik nalang kaya tayo ng France at patusin yung mga nanliligaw satin doon. Baka sakaling mainlove tayo sa mga yun at hindi yung nandito nga tayo sa pinas at nakikita sila pero nasasaktan naman tayo"

Habang naka sunod ako kay Liscel. Umiiyak ako. Umiiyak ako. Siguro akala niya ako parin ang kasama niya. Kaya naririnig ni Jolo lahat.

"Masama ba na piliin kita kasi mas kailangan mo ako. Roscel natatakot lang naman ako na pwede kang mawala ng anu mang oras. Natatakot ako na mababalitaan ko nalang na wala kana pala sa mundo. Masama ba na piliin muna kita kaysa sakniya. Si Jolo mahal na mahal ko siya. Pero kung ito palagi ang mararamdaman ko satuwing minamahal ko siya. Siguro nga sumuko nalang ako. Natakot lang naman ako. Roscel, natakot ako nung mga panahong nalaman ko na may sakit ka. Natakot ako na baka hindi na kita nakita. Bff nauna kitang makilala bago siya kaya mas pipiliin muna kita bago siya kasi kung true love ang nararamdaman niya para saakin. Maghihintay siya maghihintay siya saakin. Maghihintay sila satin. Pero mukhang wrong move ang ginawa nating Game, kasi sa game pala na yun nakasalalay ang Tragic ending at happy ending at sa nakikita ko ngayon mukhang doon tayo pumapasok sa tragic ending kasi wala ng pagasa. Wala na tayong pag asa." Yun na ang huling sinabi niya. At bigla na siyang nawalan ng malay!

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Where stories live. Discover now