Chapter 25:_I'm sick"(

535 14 3
                                    

Chapter 25:

                   _I'm sick"(

Roscel POV

Nagising ako sa isang maputing kwarto. Teka nasasan ba ako? Feeling ko Hospital to. Tumingin ako sa paligid, hinanap ko kung may tao pero hindi ko sila Makita. Tumayo ako para puntahan ang nurse pero laking gulat ko ng may narinig akong naguusap sa labas ng kwarto ko.

"Dok! Hindi naman totoo yan diba" umiiyak na sabi nung babae.

Nilapit ko pa lalo ang tenga ko para marinig pa lalo ang boses nung babae, parang kasing pamilyar saakin ang Boses niya.

"Sorry po Misis. Pero malala na po talaga ang anak niyo. I think Years nalang ang bibilangin niya para mabuhay siya"

Napatakip ako sa bunganga ko. Yung boses hindi ako pwedeng magkamali kay Mama yun.

"Pero Dok!"

"Sorry po talaga"

"Pero bakit po ngayon lang namin nalaman yan? Bakit po parang ang lakas lakas naman niya"

"Yun nga din po ang pinagtataka ko Misis. Pero nasa stage 3 na po kasi talaga ang Cancer niya"

Napatakip ako sa bunganga ko. Ako ba yung may sakit? Ako ba yun? Isang taon nalang! Bakit? Paano si J.L?

Sa daming tumatakbo sa utak ko isa lang ang nangyare yun ay ang mawalan ako ng malay.

J.L POV

Papunta na ako ng room ni Roscel ng bigla akong may nakitang nurse na papasok doon at nagmamdali. Teka anong nangyare?

Tumakbo ako papunta doon pero ayaw ako papasukin nung nurse. Kinakabahan na ako. Ano ba ang nangyayare? Kanina nung sa school ang saya saya pa niya. Kitang kita ko pa ang ngiti niya. Pero bakit ngayon naging ganito? Ang buong barkada nasa Cafeteria lang masyado kasi silang nagutom habang hinihintay si Roscel na magising.

"Tita ano po ang nangyare?" tanong ko doon sa mama ni Roscel.

Ang alam ko kasi su-surprisahin niya ngayon si Roscel pero mukhang siya ang nasorpresa ng malaman niyang nasa Hospital ang anak niya.

Hindi siya kumibo sa tanong ko instead umiyak lang siya ng umiyak. Hindi ko alam ang nangyare pero kinakabahan na ako.

"Tita"

"I'm fine. J.L

Sa halip na kausapin pa siya, niyakap ko nalang siya. Kasi alam kung ito ang kailangan ni tita ngayon.

"Si Roscel. Huwag mo siya pabayaan. Palagi mo siyang pasayahin. Kasi hindi natin alam ang pwedeng mangyare. Palagi mo siyang bantayan. Kung gusto mo pakasalan mo na siya, ngayon din. Hinding hindi ako tututol basta huwag mo lang siya sasaktan" sabi ni Tita habang patuloy na umiiyak.

"Tita ano po bang nangyare?"

"J.L mahalin mo siya palagi. Huwag mo siyang hayaang umiyak"

Napatango nalang ako sa sinabi ni Tita.

Maya maya lumabas na din ang doctor.

"Dok kamusta?"pambungad ni tita habang pinupunasan ang luha niya.

"She's fine now."

Sa pagkasabi nun ng doctor agad agad na akong pumasok doon sa loob ng Room niya. Kita ko parin siyang nakahiga habang walang malay.

Hindi ko alam ang nangyare pero masaya ako na ligtas ka...

Tumabi ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya pero may nakita akong luha na biglag lumandas sa pisngi niya.

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Where stories live. Discover now