Chapter 26: part 2_Nagtatampo? Edi suyuin!")

508 16 0
                                    

Chapter 26: part 2

                   _Nagtatampo? Edi suyuin!")

 

J.L POV

Naglakad ako palabas ng Gym. Wat da. Ni hindi man lang nila sinabi saakin na si Cel ko pala ang may ng school na pinapasukan namin. Pati si Jolo mukhang alam ito! Busit feeling ko pinagkaisahan ako ng mga yun. Busit talaga. Sa tinagal tagal na naging kami, ni hindi man lang niya nabanggit saakin ang about dito. Doon ko pa malalaman kung kailan inanounce ni tita. Hindi naman ako galit eh! Ang babaw ko naman kung dahil doon lang magagalit ako, pero nakakainis lang na all this time may nililihim pala sila saakin. Tssss.

Dinala ako ng mga paa ko sa Garden ng school. Humiga ako doon at pinikit ang mata. Gusto ko matulog, kahit sandali lang.

Pero maya-maya may naramdaman akong humiga sa tiyan ko. Agad naman akong napamulat.

"Sorry na Lance" bulalas ng isang babaeng pinakamamahal ko.

"For what?" pagmamaang maangan ko

"Kasi hindi ko nasabi sayo" sabi niya habang naka pout saakin. Tatawa na sana ako kasi ang cute niya. Pero pinigilan ko, kailangan malaman niya na nagtatampo ako.

"K" matipid na sagot ko.

"Lance naman eh. Hindi ako sanay na ganyan ka" paglalambing niya saakin.

"Eh hindi rin ako sanay na may nililihim ka pala saakin"

"Lance naman eh... Sorry na"

Hindi na ako sumagot. Instead pinikit ko nalang ang mata ko. At hindi na din siya nagsalita.

Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga habang ako nakapikit.

"Pumikit ka lang diyan, magsasalita lang ako ah"

"Sorry kung hindi ko nasabi sayo na ako ang may ari ng school. Nung una sasabihin ko na sana yun sayo kaso naisip ko wala naman sigurong mangyayare kung malaman mo diba? Wala din naman mangyayare kung hindi mo malaman. Hindi naman mahalaga yun sa relasyon natin diba? Pero ou na mali ko na kasi in the first place may karapatan kang malaman, kaya sorry talaga!" ramdam ko na umupo siya. Pero hindi ko parin minulat ang mata ko...

"Sorry na lance ko... hindi ko kaya na galit kasaakin" at hinalikan niya ako sa labi, kaso Smack lang!

Hay naku. Bakit ba hindi ko matiis itong babaeng to. Pagkamulat ko ng mata ko, tatalikuran na niya sana ako kaso hinila ko ang kamay niya at niyakap siya.

"Apology Accepted My Angel Girl"

"Thanks My Playboy Boyfriend"

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang nakalipas basta ganun padin ang posisyon namin hanggang sa napagpasyahan na naming kumain.

*********

ROSCEL POV

 

Gabe na! at nandito na ako sa kwarto ko. Matapos ang nangyare kanina sa School ayun naging Ok na kami ni Lance ko. Sabi na nga ba at kailangan lang ng lambing yun eh... Yung mga ka-schoolmate ko naman kung ituring ako parang prinsesa, if I know plastic lang yan.

Matutulog na sana ako ng may biglang kumatok sa pinto.

"Sino yan?"

"It's me BFF" binuksan ko naman kaagad ang pinto.

"Oh! Gabi na ah" pambungad ko

"Haler. Ano na yung ikukwento mo?" tanong niya saakin.

Napagisip naman kaagad ako. Ah ou nga pala! Kailangan ko nga pala sakaniya sabihin yun. Hay!

"Sige. Diretso ka sa kama" sabi ko at agad na nilock ang pinto.

"Game na" sabi niya.

"Ou na! teka paano ko ba sisimulan to." Napakamot ako sa ulo ko. "Liscel huwag na huwag mong ipagsasabi ito ah. Kasi alam mo na ang mangyayare sayo" paalala ko

"Yup. Bff"

"Naalala mo ba nung hinimatay ako nung Valentines?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Nung nasa hospital ako at may malay na. lalabas sana ako ng room para hanapin ang isa sainyo pero nagkamali ako kasi may narinig akong di kanais nais" feeling ko babagsak na naman ang luha ko. Sa tuwing maiisp kong may taning na ang buhay ko...

"Ano naman yun?"

"narinig ko Ang doctor at si mom na naguusap. Ang sabi ng doctor may taning na daw ako. May sakit daw ako. At mga years nalang ang itatagal ko dito sa mundo"

Napatulala naman siya sa sinabi ko... "Huwag mo nga akong biruin. Kasi hindi na nakakatuwa"

Ngumiti ako ng mapait... "It's Real but I know God. Hindi niya ako hahayaan na maging ganun. Depende nalang kung gusto niya na talaga ako makasama" nginitian ko siya.

Pero isang luha ang binigay niya saakin. Umiiyak si Liscel.

"Bff hindi na nakakatuwa!. Kung joke yan bawiin mo na"

"Hindi ito Joke." Seryosong sabi ko at hindi ko na din mapigilan ang luha sa mata ko... Umiiyak na din ako kasabay ng pagiyak ni Liscel.

"Pero paano?"

"Hindi ko din alam eh... Paulit ulit ko ngang pinagdadasal na sana nagkamali lang ang doctor at isang panaginip lang ito. Pero hindi eh. Lumipas ang oras hindi binawi ng doctor at lumipas din ang oras na gisinG ako at hindi nananaginip" pinunasan ko ang luha ko

"Pero hindi talaga eh"

"Liscel. Just accept the truth. Kasi ako pinipilit ko"

"Roscel paano kami, paano si J.L?"

Nagkibit balikat ako... "Hindi ko alam! Pero please Liscel huwag mung sasabihin kahit kay Jolo ito. Ayokong kaawaan nila ako at ayokong magalala sila saakin"

"Roscel. Totoo ba talaga yan kasi hindi pa din ako kumbinsado"

"Mag pray nalang tayo. Baka nga panaginip lang ito" pag mo-motivate ko sakaniya.

Tumango naman siya... niyakap ko nalang siya...

"Thank you Liscel. You're the Best best friend that I have"

"Same to you!"

Hinagod ko nalang ang likod niya. Hanggang ngayon kasi umiiyak pa din siya. Parang siya ang may sakit ah? Ako nga hindi ko na masyadong dinadamdam kasi feeling ko may gagawin si Lord. Nothing is impossible with God...

****

A/N: Dedicated parin para kay joe-ann. Thank you so much :)

Kapag sinipag ulit ako ngayong gabe. Baka mag update ako ulit. Pero base sa katawan ko mukhang pipikit na ang mata ko. Huhuhu! Baka bukas nalang ulit... ng umaga...

VOTE, COMMENT

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Where stories live. Discover now