Chapter 31:_Missing him"(

478 16 0
                                    

Chapter 31:

                   _Missing him"(

 

Roscel POV

We're here in france. Kung tatanungin niyo ko kung ano ginagawa ko ayun magpapacheck up kami sa doctor. Pero to tell you honestly parang wala talaga akog sakit. First time namin itong magpapatingin sa doctor dito. Kinakabahan na nga ako. 1 week na din ang lumipas simula nung umalis kami sa pilipinas. 1 week ng wala kaming balita sakanila. Kasama ko ngayon si Mama at si Liscel. Yung kilalang doctor kasi ng mama ni Liscel taga dito sa France kaya doon kami magpapatingin.

"Baby dito lang kami ah" sabi ni mama.

Nasa hospital na kasi kami at may gagawin ng test saakin. Si Liscel naman sumenyas lang na kaya mo yan. Ano kaya ang pakiramdam kung si J.L ang nagsasabi niyan. May kaibahan kaya? Sa tingin ko Ou! Kasi kung siya man ang magsasabi niyan sure akong panatag ang loob ko kasi nasa tabi ko siya.

Pinasok ako ng nurse sa hindi ko alam ang tawag doon. Kung ano ano ang ginawa sa katawan ko, madaming pinatest. At nung tapos na agad na din akong pinag bihis ng damit ko. Ang sabi saamin maghintay nalang daw ng resulta.

Si mama kanina pa tuliro, pati na din si Liscel. Ako naman! Wala lang, kausap ko lang si God. Iniisip ko na gusto kong sumali ng choir dito. Gusto ko magserve kay Lord kahit nandito na ako.

At maya maya lumabas na nga yung doctor at tinawag si MAMA. Habang kami naman ni Liscel naiwan sa labas.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ko kay Liscel

"Ou!"

"Don't be. Si God na bahala" sabi ko.

Ngumiti nalang siya... "Sana nga noh! Sana may mangyareng milagro"

Tumahimik nalang kami at hinintay si Mama na lumabas. Pero sa paglabas niya bigla niya kaming tinawag para pumasok sa loob. Kaya pumasok naman kami. Nung una binate ni Liscel yung babaeng doctor kasi kaibigan yun ng mama niya at ng matapos na. may sanabi siya na hindi namin inaasahan na maririnig namin mula sakniya.

"Miss Roscel. Wala naman po kayong sakit ah"

Napanganga kaming lahat sa sinabing yun ng doctor... anong kalukohan ito.

"Base sa mga test mo. Kaya ka nahihinatay ay dahil sa sobrang puyat at stress pero wala ka pong sakit na Cancer at lalong lalo nang walang taning ang buhay mo..."

Nagtinginan kaming lahat kasama si Mama.

"Pero Doctor sabi nung doctor sa pilipinas may taning na daw po ang buhay niya at may stage 3 cancer daw po siya" ,pagpapaliwanag ni Mama.

"Baka po nagkamali po yung doctor sa pinas. Baka po sa maling tao yun"

"Pero-?"

"Mrs: Ramos your Daughter is healthy and I think it's a miracle..."

Nagtinginan kami ni Liscel at sabay..

"WAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

"GOSH BFF WALA KANG SAKIT. WALA KANG SAKIT. PRAISE THE LORD. DININIG NI LORD ANG PRAYER KO"

"OU NGA BFF"

"Pwede po bang huwag tayong sumigaw, marami po kasing nagpapahinga na pasyente" natahimik naman kami sa sinabi ng Doctor...

"Sorry po!"

*****

Pagkagaling namin sa Hospital agad kaming dumiretso ng simbahan, nagpasalamat kami kay God. Alam kung Milagro ito ni Lord. Miracle niya to... I love you talaga Lord...

Pagkarating namin sa Condominuim biglang tumawag si Mama kay papa at ibinalita ang magandang balita.

"Roscel ano na ang plano natin ngayon?" tanong saakin ni Liscel habang naka upo sa Sofa.

"Ha! Hindi ko alam eh... uuwe ba tayo?"

"Kung ako tatanungin mo. Ayoko muna umuwe. Siguro uuwe nalang ako doon after 3 or 4 years. Gusto ko maging independent and besides gusto ko dito. Ayoko muna sa pinas, baka masaktan lang ako. Kasi nga iniwan iwan natin sila pero tayo lang din pala ang magmamakaawang balikan nila" seryosong sabi niya

"Kung yan ang gusto mo edi mag stay muna tayo dito. I test natin ang pagmamahal nila satin." Nakangiting sabi ko.

"At kung handa na tayo na puntahan sila doon na tayo magpapakita..."

Ngumiti nalang si Liscel sa sinabi ko. "And besides ito ang kauna-unahang nangibang bansa tayo. Kaya kahit masakit i-enjoy nalang natin"

Tumango nalang ako. Maya maya tumabi na saamin si Mama.

"Ano uuwe pa ba kayo ng Manila?" tanong niya

"HINDI"sabay sabay na sabi namin

"Aray naman! Ang sakit sa tenga nun ah" reklamo ni Mama.

"Paano ang mga Boyfriend niyo doon?" tanong niya

"Ok lang yan Ma! Parusa nalang din saamin ito. Iniwan namin sila ng walang paalam eh, kaya panindigan. And besides dito na kami magaaral. Baka after 3 or 4 years doon nalang siguro kami bumalik. At kung malaman namin na wala pa silang asawa after nun at malaman namingna kami pa din. Kami na mismo ang magpapakasal saknila. Pero kung hindi. Its time to give up at pagbayaran ang kasalanang ginawa namin..."

Ngumiti nalang si Mama "Ok! Call ako sa laro niyo. Interesting. Game between waiting and coming"

Tumayo na si Mama at nagligpit na ng gamit niya. Susundan niya na kasi si Papa sa Amerika. Hay! Nalaman lang ni Mama na wala akong sakit ayan trabaho na naman.

*****

Months Passed.

Jun na ngayon dito at pasukan na sa school namin doon sa pinas. Namiss ko na ang school namin. Pasukan na din naman dito kaso mukhang hindi naman magiging maganda ang school days naming dito sabagay isang taon lang naman at after nun magta-trabaho na kami.

Nung mga nakalipas na buwan marami kaming nalaman. Gumawa kami ng facebook account na iba ang pangalan para lang ma-stalk namin ang dalawa na which is si J.L at Jolo. Nabalitaan namin na balik pala sila sa pagiging playboy at nabalitaan din namin na hindi parin siya maka-moveon doon sa Ex niya na iniwan siya na which is ako. Hindi ko alam kung kailan ako masasaktan sa tuwing nakikita ko siyang ganun. Pero wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak at tanggapin na nasasaktan siya sa pagkawala ko.

Pati din si Liscel umiiyak, ganun din kasi sakaniya si Jolo.

Naghire kami sa pinas na magbabantay sa dalawa. Gusto namin na ireport palagi ang ginagawa nila, kasi yun lang ang naisip naming paraan para malaman at maramdaman namin na kasama pa din namin sila. Sila Paolo naman hindi parin namin kino- contact. Balak namin silang Kontakin kapag graduate na kami dito sa France.

Ayaw namin na malaman nila kung nasaan kami kasi panigurado makakarating ito sa dalawa. Binalaan na din namin sila mama about dito at pumayag naman sila. Nung nakaraang buwan umuwe si Mama kasi dahil sa business. Nagkwento si Mama saamin na pagdating niya daw sa bahay nandoon daw si J.L natutulog sa kwarto ko, habang hawak ang picture ko. Nang malaman ko yun, parang binibiak ang puso ko.

Para ngang gusto ko na kaagad pumunta ng pinas at yakapin siya. Pero paano yung plano namin.

Darating din ang araw na magkikita kami. Pero I think hindi pa ito ang tamang oras para doon.

[To be continued]

VOTE, COMMENT

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Where stories live. Discover now