Chapter 24: -valentines! disaster?

504 18 1
                                    

Chapter 24:

-valentines! disaster?

ROSCEL POV

Mabilis na lumipas ang oras sa sobrang bilis hindi ko na namamalayan na ilang buwan na pala kami. Yung mga schoolmate ko ayun inggit pa din saakin. Ikaw ba naman seryosohin ng Heartrub ng school sinong hindi Miingit aber?

Bukas na nga din pala ang valentines at ang alam ko walang pasok bukas kasi yan na ang nakaugalian ng school namin.

Alas dyes na din ng gabe at nakapagdesisyon na akong matulog! Katatapos lang din namin magusap ng aking pinakamamahal na Boyfriend. 

Pagkagising ko ng umaga agad akong napabalikwas sa higaan ko. Ikaw ba naman makakita ng isang lalaking nasa harap mo at nakangiti.

"Godmorning Cel" nakangiting salubong saakin ng aking Lance.

"Goodmorning Lance" at hinalikan ko siya sa pisngi na kinagulat niya.

"Regalo ko na yan sayo kasi Valentines."

"Sana lagi nalang valentines para lagi akong may kiss" nakangiting sabi niya.

"Aray" sabi niya. Binatukan ko kasi.

Isip talaga nitong lalaking to hindi na nagbago. Manyak pa din.! Bumangon na ako at binigyan siya ng masamang tingin.

"Bakit ka nakapasok dito?" tanong ko sakaniya habang nakahiga pa din siya sa kama ko. Aba feel na feel naman nitong lalaking to.

"Siyempre ako pa. inakit ko lang naman si Manang at bi- ARAY" binatukan ko ulit.

"Anong inakit ang sinasabi mo diyan?! Eh kung sapakin kaya kita diyan. Ha!!" 

"Joke lang. ito naman! Alam mo namang ikaw lang ang inaakit ko diba. Kaso mukhang walang epektib sayo eh"

Sinamaan ko siya ng tingin..... "Ok Ok... For you Cel" at sabay abot ng dala niyang Flower at sandamakmak na chocolate.

Napangiti nalang ako sa binigay niya. 

"Pero hindi pa diyan natatapos." Sabi niya at lumapit saakin.

Papalapit siya ng papalapit hanggang sa sobrang lapit na ng mukha niya saakin. Ano gagawin nito? OMG! Pipikit ba ako.?

Ayan na talaga siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyare basta ang alam ko nalang nakapikit na ako ngayon at hinihintay ang labi niyang lumapat saakin pero hindi yun ang nangyare. Bigla siyang may sinuot sa leeg ko. Agad naman akong napamulat. At ramdam ko na ang hininga niya.

"Bagay sayo" bulalas niya habang titig na titig saakin.

"Happy Valentines" dugtong niya at hinalikan ako sa noo. Kinikilig ako! 

Niyakap ko nalang siya. "Happy Valentines LANCE"

****

Pagkapasok namin sa school agad naming nakita ang barkada kasama ang kani-kanilang mga Girlfriend nila. 

Agad kaming napapunta sa Gym nandoon kasi yung mga event eh. At hindi pa nga kami nakakarating doon meron na kaagad humablot sa kamay ko. 

"Teka lang!"tawag ko doon sa mga babaeng kinakaladkad ako.

Tiningnan ko sila Lance mukhang ayaw nila ako tulungang makawala dito. Hahay! 

Teka bakit dito ako dinala ng mga ito sa likod ng stage! Anu ba yan! Ano ba gagawin ko dito.?

"Ano bang gagawin ko dito?" tanong ko doon sa isa sa mga kumalkad saaakin.

Nagkibit balikat lang siya sabay alis. Putek naman oh! Dadalhin nila ako dito tapos iiwan. Tumingin ako sa Stage may mga kumakanta.

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Where stories live. Discover now