Chapter 35:_hiding from the two of you"(

557 11 0
                                    

Chapter 35:

                   _hiding from the two of you"(

 

Liscel POV

Dahil tinulugan ako ng mahal kung kaibigan. Lumabas muna ako ng hotel. Gusto ko magliwaliw. Sumakay ako sa sasakyan ko at agad na pinaharurot ito. Guto kong bisitahin yung bahay namin. Namiss ko na doon. Pagkadating ko doon! Walang katao-tao. Humiga ako sa kama.

I miss this place.

Nang matapos akong maglibot. Sumakay ulit ako ng kotse ko pero papaandarin ko na sana kaso muntik na akong mabangga.

Sino ba kasi ang nagsabi na iharang diyan ang kotse niya. Lalabas na sana ako kaso lumabas na yung lalaki at papunta siya sa kotse ko.

Si JOLO!!

"Hoy! Bakit ka ba paharang harang sa daan ah. Yung kotse mo pakitabi nga"

"Hoy lumabas ka nga diyan" kinakatok na niya ako pero hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Si Jolo.

"Hoy!" yan lang ang paulit ulit na naririnig ko sakniya. Kinuha ko ang bag ko at nagsulat.

"Sorry. But we're hiding from the two of you. Kaya huwag mo akong pilitin na lumabas kasi baka hindi mo makaya"

Binuksan ko kunti ang bintana at nilusot doon ang sulat ko. Nakuha naman agad niya. Pero bago niya pa nabasa. Pinaharurot ko na agad ang sasakyan ko. Hindi ko alam kung nagets ba niya yung sinasabi ko. Pero isa lang ang sigurado ako.

Nasasaktan ako!

Pagkadating ko sa Hotel. Humiga na din ako at pinilit na matulog.

*****

Pagisng ko! Gabe na pala. Wala pa kaming kinakain.

"Liscel kain na tayo" yaya saakin ni Roscel.

"Sure. Tara"

Napadpad kami sa isang fastfood.

Nag order lang kami doon at kumain. Pero may biglang tumayo sa harap namin. Napatingin kami doon ni Roscel.

"So kayo nga" sabi nung lalaki

"Liscel and Roscel. Bakit hindi niyo saamin sinabi na nandito na kayo sa Manila ha!" ngumiti lang kami.

Its Paolo and Cristoff.

"Kain kayo" alok ko sakanila ng pagkain. Sa totoo lang natatakot na ako sakanilang dalawa. Natatakot ako! Wahhhhh.... Someone save us...

"Hindi niyo kami madadaan sa kakaganyan niyo. Ang dami niyong atraso saamin" si paolo. Nakaupo na siya ngayon sa tabi ni Roscel.

"Sorry" sabi ni Roscel.

"3 years ago yan din ang narinig ko sayo Roscel... Tssss"

"Sorry na nga diba! At nandito na din naman kami. Libre ko nalang kayo. Yun na ang pasalubong ko" si Roscel na nagpapacute pa sa pinsan niya.

"Ok fine!" sabi ni Paolo.

Tumingin ako kay Cristoff. Galit siya saakin. Wahhhh natatakot na ako.

"Sorry na Cristoff. Ha! Hindi na mauulit. Promise"

"Bahala kayo. Tara sa Bar kailangan niyong magkwento." At hinila na kami nung dalawa.

Pagkadating ng BAR. Malamang maraming tao. Tsss may bago pa ba?

"Ano na kwento na!" sabi ni Paolo.

"Ano namang ikukwento namin?"-Roscel. Tumunga na yan ng alak.

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Where stories live. Discover now