Chapter 27:_may hinalikan siya"(

1.1K 17 0
                                    

A/N: Sinipag ako kahit napikit na ang mata ko.

Enjoy Reading!!

Chapter 27:

                   _may hinalikan siya"(

 

Roscel POV

Weeks passed at ngayon ay March na! ang bilis talaga ng oras. Nandito kami ngayon sa canteen, kumakain. Kanina ko pa hinihintay si Lance, kagabe pa kasi hindi nagtetext saakin yun eh! Nagaalala na nga ako. Hindi din niya ako sinundo saamin. Nagtatampo na nga ako eh. Kaso baka kasi may nangyare lang., pero diba sana nagsabi siya.

Lumipas din ang weeks na naging iba ang turing saakin ni Liscel parang masyado siyang naging maalaga saakin. Minsan nga mas nabibigyan niya na ako ng oras kaysa kay Jolo. Kahit anung gawin kung pilit na huwag siyang maging ganun ayaw talaga niyang paawat. Minsan feeling ko nga umiiyak siya para saakin. Feeling ko lang yun ah! Minsan kasi namamaga ang mata niya kapag pumapasok, kapag tinatanong ko naman si Jolo kung nagaway ba sila. Ang sabi lang niya hindi naman daw.

Buong Break hindi talaga namin nakita si J.L hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o talagang may ginagawa siya. Hindi din siya pumasok.

Pumasok ako sa room namin at nagumpisa na ulit ang discussion. Discuss dito at discuss dito ang nagyare nung oras na yun. Pero wala talaga akong maintindihan. LutAng ang utak ko kung nasaan ba nagsusu-suot si J.L bakit hindi niya ako tinetext...

Nung mag uwian na at palabas na ng school namin. Nakita ko ang kotse ni J.L na huminto sa harap naming magbabarkada.

Sa wakas. Akala ko may problema kami, pero nung bumaba siya nagulat ako ng may kasama siyang babae at hinalikan siya nito  sa harap ko. Pati si Liscel at ang iba pa mukhang nagulat sa ginawa nung babae... Napatingin saakin si J.L at mukhang nagulat dahil nakita ko ang ginawa niya.

"Hoy! J.L" sigaw ni Liscel

Susugurin na niya sana si J.L kaso pinigilan ko siya.

"Huwag na magpapagod ka lang" sabi ko at naglakad na palayo.

Sa lahat ng mga pinagdaanan kong pagsubok, feeling ko ito ang pinakamasakit. Parang pinipino ang puso ko. Parang hindi ako makahinga. Pinilit kung mauna sakanila pero sa bawat paghakbang ko nagsisimula namang tumulo ang luha ko... hanggang sa sumasakit na naman ang ulo ko. Ito yung sakit na nangyare nung Valentines. Pero sana himatayin nalang ulit ako para kahit papaano hindi ko muna maramdaman ang sakit dito sa puso ko.

At hindi nga ako nagkamali.

 

Liscel POV

"Roscel" sigaw ko habang nakikita siyang nawawalan na naman ng malay.

"Jolo tulungan mo ako" grabe naiiyak na ako... Paano kung? Lord huwag naman sana.

Nakita kong papalapit si J.L sa amin.

Sinamaan ko siya ng tingin... "Huwag na huwag kang magkakamali na hawakan siya" galit na sabi ko kay J.L

Hindi din naman siya pumalag...

"Jolo lets go! Paolo yung kotse mo ang gamitin natin. Punta tayo sa bahay nila Roscel. Patawag nalang natin ang doctor"

Tumango naman kaagad si Paolo. Bute nalang talaga at dinala niya ang sasakyan niya.

Nang makarating kami sa bahay nila Roscel agad agad siyang inilapag doon sa kwarto niya ni Jolo. Nanginginig talaga ang kamay ko. Simula nung Valentines ngayon nalang ulit siya hinimatay. Kinakabahan na talaga ako.

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Where stories live. Discover now