Chapter 14 The Broken Vow

Comincia dall'inizio
                                    

Malawak sa loob at maayos. Halata ko lang na puros kulay puti yata ang gamit niya dun except sa carpet niyang kulay light brown.

"Maupo ka." Narinig kong sabi niya sa likod ko.

I looked over my shoulder and gave her a little smile. "Thank you." Saka naupo sa sofa sa may living room niya.

Saglit siyang nawala at nagtungo marahil sa kusina. Pagbalik niya may dala na siyang isang baso ng pineapple juice at sandwich. Inilapag niya iyon sa harapan ko sa may center table bago siya naupo sa bandang kaliwa ko sa may pang-isahang upuan.

"Ash..." Tawag ko sa kanya at nag-angat siya ng mukha to meet my gazes. "I'm sorry." Buong pusong sambit ko. Hindi siya sumagot pero nakatitig lang sa akin. "I can't stand it anymore, you not talking to me." Nagbaba ako ng tingin. Nagbabadya na kasing malaglag yung mga luha ko. "So I took the risk just to talk to you and try to mend things betwe---"

Mabilis ang galaw na lumapit siya sa kinauupuan ko, hinawakan ako sa magkabilang pisngi saka hinalikan ng madiin.

"God, I've missed you so much." Sambit ko ng naghiwalay ang aming mga labi. Isa-isang nalaglag na din yung butil ng luha ko.

"What took you so long to come here?" Mahinang sabi niya habang hawak pa din ako sa isang pisngi.

"W-what do you mean?" I asked.

Ngumiti siya ng bahagya saka malamlam na tumingin sa akin. "I put you on a test." Napakunot noo ako sa kanya. She gently wiped away my tears. "Sinadya ko talagang wag ka kausapin at pansinin. Nagbakasakali akong gagawa ka din ng paraan para ipakita sa akin na mahal mo ako." Hayag niya. "And you came here. You took the risk just to make things okay between us."

Hinampas ko siya sa braso ng may kalakasan at nagulat siya sa ginawa ko. Hirap na hirap ako sa kakaisip dahil akala ko galit siya sa akin tapos tine-test lang pala niya ako. Hinampas ko ulit siya sa braso.

"What's that for?" Sabay himas sa namumula na niyang braso.

"Tinikis mo lang pala ako!" Saka ko siya inirapan. "Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kakaisip na galit na galit ka sa akin dahil sa pagtanggi ko sayo!" Inis na sabi ko.

She laughed softly. "Hey, I'm still mad at you okay?" Saad niya. "Masakit kaya matanggihan." Saka iiling iling na umayos ng upo sa tabi ko.

"Sorry na nga eh." Inihilig ko sa kanang balikat niya yung ulo ko. "Papayag naman talaga akong magpakasal sayo eh."

"Really?" Muli niya akong hinarap.

"Oo naman." Kinuha ko yung kamay niya at ikinulong sa mga palad ko. "Pero sana intindihin mo na hindi pa pwede sa ngayon."

Napabuntong-hininga na naman siya. She placed her other hand above mine.

"I'm so sorry kung nagpadalus-dalos ako. I love you so much and I wanna be with you."

"Ako din naman eh." Sabi ko sa kanya. "Ashley, you just don't know how much I want to spend each day of my life with you. Yung paggising ko sa umaga, ikaw agad ang unang makikita ko. Yung sabay tayong kakain ng agahan, pananghalian at hapunan." Madamdaming hayag ko. "You just don't know how much I wanted to say yes to you that night."

She gave me a sweet smile before she planted a soft kiss on my lips.

"I want that too." She whispered.

"But we have to be patient." Ganti ko.

"I'm sorry for everything I've said that night. That was so immature." She said.

"Let's just forget it." Hinaplos ko yung pisngi niya. "Ang mahalaga naman ngayon okay na tayo." Nang may maalala ako. "Siyanga pala," Lumayo ako ng bahagya sa kanya. "Sabi ni Stef di daw maganda pakiramdam mo kaya ka umuwi ng maaga." Sinalat ko yung noo niya at yung kanyang leeg, normal naman yung temperature niya.

I looked at her skeptically when she laughed softly.

"Wala akong sakit." Nakangiting sabi niya na kinuha yung kamay kong sumalat sa leeg niya at pinisil iyon. "Tumawag kasi sa akin si Macky na pupuntahan mo ako kaya umuwi na ako at hinintay kita dito."

"What?!" Nanlaki yung mga mata ko. She nodded twice. "Urrrghh, Macky!" I muttered.

"Hayaan mo na." Niyakap niya ako. "Sabi mo nga ang mahalaga ngayon, bati na tayo."

"Pinagkaisahan ninyo akong dalawa." Napalabi ako.

Mas lalo namang humigpit yung yakap niya sa akin. "Hindi naman masyado." Kinurot ko siya sa tiyan. "Aray naman!" Napalayo siya sa akin ng wala sa oras at sapo yung tiyan na nakurot.

"Hindi masydo pala ha?" Nagtatampong sabi ko. "Pinagkaisahan ninyo akong dalawa." I pout.

"Ha ha cute, Samantha. That's really cute." Tukso niya sa akin.

Inirapan ko siya. "Bumawi ka sa akin." Saad ko.

"Sa paanong paraan mo ba gusto?" May pigil na ngiti sa labing tanong niya.

"Ah bahala ka mag-isip." Sabay cross arm at umingos ako sa kanya.

"Hmm." Saka nagkunwaring nag-iisip. Inilagay pa niya sa baba yung kanyang hintuturo. Kapagkuwan ay tumingin siya sa akin ng makahulugan.

"What?" May pagdududang tanong ko sa kanya.

She wiggle her eyebrows saka siya tumayo at binuhat ako ng walang sabi sabi.

"Ashley!" Reklamo ko. "Ibaba mo 'ko!" Saway ko sa kanya.

Dumiretso siya ng tayo saka naglakad patungo sa hagdan niya. "Later, love. Di ba sabi mo bawi ako sayo?" Sabay kindat sa akin.

Masuyo ko siyang hinampas sa braso. "That's not what I mean."

Pero tuluy-tuloy lang siyang naglakad buhat buhat ako paakyat ng hagdan patungo sa kuwarto niya.

(Sa wakas nabuksan ko na din 'tong story ni Ash at naupdate ko. Sensya na kagabi pa sana 'to eh. Please support my new series entitled Royal Blood - Heartless 😊 Thank you!)

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora